Chapter 79

82 4 0
                                    


💕Don't find true love, and it will find you itself.💕


Taehyung's pov;

- Pagkatapos kong maihatid si Tzuyu sa restaurant nito bumalik agad ako sa bahay hinanap agad ng mga mata ko si Jennie. Pero wala ito,  naisip kung baka nasa kuwarto ni Enzo. Umakyat ako sa itaas upang tignan ang dalawa.


"Ang sabi ni Daddy mas maganda ka daw kay Tita Tzuyu" rinig kong sambit ni Enzo.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig kong magsalita si Enzo kaya napatigil ako at maingat na binuksan ko ng kaunti ang pintuan ng kwarto niya upang mas lalo kong marinig ang pinag-uusapan nila.


"Talaga, sinabi niya yun?" Narinig ko sagot ni Jennie, nahimigan ko sa boses nito ang tuwa.


Napangiti ako dahil dun, naisip kong pumasok na sa loob at magpakita sa kanila.


"Enzo" mayuming tawag ko sa pangalan niya.

"Daddy!" Masayang sambit din ni Enzo. Nagtama ang paningin namin ni Jennie pero, mabilis na umiwas ito ng tingin sa akin.


Umupo ako sa ulunan ng kama ni Enzo habang si Jennie ay nasa kabilang side ng kama.


"Daddy, di ba you told me na mommy is more beautiful than Tita Tzuyu?" Painosenteng tanong nito sa akin.

"Yes, that's true, even if she's pregnant she's still beautiful"


Napasulyap ako kay Jennie pagkatapos kong sabihin iyon, napansin kong ang bahagyang pamumula ng mga pisngi nito na lalong nagpaganda sa kanya.


***

Jennie's pov;

After dinner, pinatulog ko muna si Enzo at nang makatulog na ito pumasok na ako sa silid namin ni Taehyung, naabutan ko itong palabas sa banyo habang pinupunasan ang buhok nito upang matuyo, He's wearing white-tshirt and black pajamas.


Napansin naman nito ang presensya ko, napatigil ito sa ginagawa niya at humarap sa akin.  Hindi ko mapigilang makaramdam ng paghanga sa kanya, kahit anong isuot nito palagi paring nakalutang ang gwapong mukha nito kahit sa simpleng pananamit lang.


"Tulog na ba si Enzo?" Para naman akong natauhan nang marinig ko ang boses nito.

I cleared my throat before I answered him.


"Oo" maikling sagot ko at lumakad na ako papunta sa kama upang mahiga.

"Ahm, Jen" napalingon ako sa kanya upang antayin ang sasabihin niya.

"Kailan mo gustong pumunta sa restaurant ni Tzuyu?"

Napaawang ang mga labi ko sa hindi inaasahan tanong niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng inis ng marinig ko iyon.


"Why? Are you already miss her? Kanina lang magkasama kayo di ba?" Sarcastic na tanong ko sa kanya.

Napatitig ito sa akin nang may pagtataka, pero hindi ko na iyon pinansin at akma na sana akong hihiga nang magsalita ito na ikinatigil ko.


"I'm just asking you, bakit parang binibigyan mo yun ng masamang kahulugan?" He said.

"Enough Taehyung, wag mo na nga kaming gamitin na dahilan ni Enzo para lang mapuntahan ang babaeng iyon, kung gusto mo siyang makita o puntahan just go, hindi mo na kami kailangan pang isama ni Enzo" Naiiritang saad ko sa kanya na hindi ko malaman kung bakit ba bigla akong nakaramdam ng ganito. Siguro dahil sa buntis ako at parang may insecurity akong nararamdaman,


Alam ko ding wala namang pinakitang masama si Tzuyu pero bakit ba pakiramdam ko may gusto ito kay Taehyung, at kung tama ako pagseselos ba itong nararamdaman ko para sa kanya? Napapikit ako dahil sa sobrang inis.


"What? Bakit ganyan ka mag-isip sa akin, nagmamagandang loob lang naman si Tzuyu, what's wrong with that? Binibigyan mo kaagad ng masamang kahulugan?" Napipikang sagot niya sa akin.

Seryoso akong tumingin sa kanya at pranka ko siyang tinanong. "Do you like her?"


Napamaang ito sa tanong ko at tumingin sa akin na paran hindi makapaniwala sa tinanong ko na yun sa kanya.


He sighed, "Really Jen, tinatanong mo sa akin yan? Magkasama tayo for almost four years, at alam mo kung ano ang isasagot ko sa tanong mo na yan!"

"Then, answered me? Malay ko ba na this time nagbago na ang isasagot mo" hamon ko sa kanya


Napatitig ito sa akin ng seryoso, ang mga mata nito na parang nangungusap at bakit parang may nakikita ako doong lungkot habang nakatitig siya sa akin, pero naging maamo bigla ang reaksyon ko nang sumagot ito sa akin.


"I told you before na hindi na ako mangangarap na matutunan mo rin akong mahalin, but that's not mean na sumusuko na ako na mahalin ka, dahil alam mong ikaw lang ang babaeng pwedeng magpatibok.. nitong puso ko" He said, sabay turo niya sa tapat ng dibdib niya,

Naramdaman ko ang senserity at pagmamahal niya na yun habang sinasabi ang mga salitang iyon sa akin.


"Now, nasagot ko na ba ang tanong mo? Next time, don't dare to asked me that question again, because I already surrendered my heart to you the day we met" He added.


Parang may malamig na kamay na humaplos sa bahagi ng puso ko at hindi ko mapigilang lihim na matuwa sa mga sinabi niyang iyon sa akin ngayon, Ito na ba ang sensayales na pwede ko na siyang mahalin ng buong-buo?..


~~~~~~~

🎶 What is this i'm feelin'
I just can't explain
When you're near,
I'm not just the same.
I'm tryin' to hide it,
Try not to show it. It's crazy
How could it be

I've fallen for you
Finally, my heart gave in
And i'm fallen in love I fin'lly know How it feels..

When you said hello,
I looked in your eyes.
Suddenly, I felt good inside.
Is this really happ'nin? Or am
I just dreaming?
I guess, it's true.
I can't believe.. 🎶

I'VE FALLIN' FOR YOU
By; Sarah Geronimo

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon