💕 You know
It's real
When it hurts... 💕Eun Woo's pov;
Pagdating ko sa apartment, hinanap agad ng mga mata ko si Jennie, pero wala ito sa salas. Mukhang inantok na siya sa kahihintay sa akin.
Ilang beses din niya akong tinawagan, sinabi ko lang sa kanya na pauwi na ako kahit na hindi pa talaga, pinili kong hindi muna dumeretso ng uwi pagkatapos ng pag-uusap namin ni Taehyung, Tumambay muna ako sa isang park. Gusto kong pag-isipan ang lahat ng pinag-usapan namin kanina.
Alam kong naman talagang mas may karapatan ito kay Jennie dahil ito ang pinakasalan pero, ako ang mahal ni Jennie at kahit anong gawin ni Taehyung sigurado akong hindi niya kayang burahin ang nararamdaman ni Jennie para sa akin at hindi iyon ganon kadali.
Umakyat ako sa kwarto nadatnan ko ngang mahimbing nang natutulog si Jennie.
Kanina habang pauwi na kami dito sa apartment bigla ngang tumawag si Taehyung minabuti kong sagutin iyon nang hindi ipinapaalam kay Jennie, Sinabi nga nito na gusto niya akong makausap at hindi ako pwedeng tumanggi. At alam kong wala naman akong dapat ikatakot sa kanya dahil simula palang alam na ni Taehyung ang relasyon naming dalawa ni Jennie.
Naiisip kong ito narin siguro ang tamang pagkakataon upang muli kaming magkaharap. Kaya mabilis akong pumayag sa kanya.
Sinabi ko kay Jennie na nagkaroon ng problema ang isang kasamahan ko kaya kailangan ko lang itong puntahan. Hindi ko alam kung naniwala siya sa akin. Pagkahatid ko sa kanya sa apartment mabilis narin akong umalis, nagpahabol siya sa akin na hihintayin niya ako.
At ngayon mahimbing itong natutulog sa kama ko. Maingat akong lumapit at umupo sa gilid ng kama upang mas matitigan ko pa siya ng malapitan.
Si Jennie hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko at alam kong ganon din siya sa akin. Napangiti ako habang minamasdan siya, hinalikan ko rin siya sa noo.
"I love you Babe" Bulong ko sa kanya.
***
Jennie's pov;
Nagising ako ng maramdaman ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. At pagmulat ko nakita ko ang natutulog na si Eun Woo habang nakayakap sa akin.
Umayos ako ng higa upang mapagmasdan ang gwapong mukhang niya. Napalabi ako ng maalala kong halos tatlong oras akong naghintay sa pag-uwi niya dito sa apartment at sa kahihintay ko hindi ko namalayan na nakatulog na din ako.
Pinadulas ko ang isang daliri ko palibot sa mukha niya, mula sa mga mata niya hanggang sa ilong pababa papunta sa labi nito.
Mukhang nararamdaman naman iyon ni Eun Woo kaya gumalaw ito. Pero patuloy parin siyang nakapikit.
Napangiti nalang ako at masaya siyang tinitigan.
"Babe, Don't stare to much on me baka matunaw ako." Napaawang ang mga labi ko nang marinig ko ang inaantok pa niyang boses, at naramdaman ko ang mas mahigpit niyang pagyakap sa akin isinubsob pa nito ang mukha sa leeg ko.
"Eun Woo, Anong nangyari sa ka-co-pilot mo? " Naisipan kong itanong sa kanya.
Nagmamadali kase itong umalis kagabi pagkahatid niya sa akin dito sa apartment niya kaya hindi na ako nakapag-usisa pa.
"Hmmm. " Mahinang pag-ungol lamang ang narinig kong sagot niya.
Hindi ko na siya kinulit pa, minabuti ko nalang din na matulog ulit, It was four o'clock in the morning. At mamaya pa namang eight o' clock ako papasok sa office.
Si Eun Woo mamayang gabi pa ang flight niya, umayos ako ng higa at nagpalit kami ng ayos ako naman ngayon ang sumiksik sa matipunong dibdib niya.
***
Taehyung's pov;
"Good morning sir." Nakangiting bati sa akin ng isa sa mga maid namin dito sa bahay pagbaba ko.
Tinanguan ko ito at tumingin sa table na may pagkain na nakaayos for breakfast.
Wala ako sa mood ngayong mag-almusal, Ilang oras kong inantay ang pag-uwi ni Jennie kagabi pero ala-una nang gabi wala parin ito.
Kaya naisip kong hindi na ito uuwi, kung ano-ano narin ang pumapasok sa isip ko alam ko namang matagal nang may nangyayari kay Eun Woo at Jennie pero hindi ko parin mapigilan ang hindi masaktan at magselos, at parang ang hirap paring tangapin na ang ang asawa ko ay nasa piling ng ibang lalake.
Pagkatapos ng pag-uusap namin. ni Eun Woo kagabi saglit lang akong tumambay sa casino at tinawagan si Jimin upang ipaalam na uuwi na ako at kailangan niyang pumunta dito sa casino club.
Ang alam ko aabutan ko na si Jennie sa bahay dahil alas onse narin ng gabi. Tinanong ko agad ang maid namin kung dumating na si Jennie, Ang sabi nito ay hindi pa nga umuuwi. Kaya inantay ko ang pag-uwi niya pero hindi nga siya umuwi, Ito ang kauna-unahang beses na hindi siya umuwi at sa bahay ni Eun Woo natulog.
Naikuyom ko ang isang palad ko dahil sa galit mabilis na akong umalis at hindi na nag-aksaya pang mag-almusal, Dahil pupuntahan ko si Jennie sa opisina nito wag lang sana niyang makita si Eun Woo doon dahil hindi niya alam kung anong pwede niyang magawa dito..
~~~~~~~
🎵 I need you girl
Why am I in love alone,
why am I hurting alone
I need you girl
Why do I keep needing you
when I know I'll get hurt?I need you girl, you're beautiful
I need you girl, you're so cold
I need you girl
(I need you girl)... 🎶I NEED YOU GIRL
By; BTS (eng version)
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...