💕 Nothing hurts
More than realizing
She meant everything to you
and you meant nothing
to her... 💕- "Are you sure kaya mo pang mag-drive? Mabuti pa ako nalang ang mag-dridrive Taehyung. " Pag-aalalang pangungulit ni Jimin sa akin. Habang papunta ako sa kotse ko para umuwi.
"I'm Okay Jimin, don't worry I can handle myself. " Pag-papakalma ko sa kanya. "Kaya ko pang magmaneho, atsaka may dadaanan pa ako."
Sabi ko ulit sa kanya at matipid ko siyang nginitian sabay pasok ko sa loob ng kotse ko at sinimulan ko nang paandarin.
Iniwan ko itong nakatanga sa akin na mukha paring nag-aalala.
Hindi ko na sinabing si Jennie ang dadaanan ko, pupuntahan ko ito sa bahay ni Eun Woo upang pauwiin at isama na sa bahay naming dalawa.
***
Mabilis naman akong nakarating dito sa harap ng apartment ni Eun Woo, Matagal muna akong nakatitig sa building kung saan ito nakatira. Kinuha ko ang Cellphone ko at idiniall ang number ni Jennie, naka-ilang ring muna iyon bago nito sinagot ang tawag ko.
"Jen."
Sambit ko sa pangalan niya dahil hindi ito nagsalita nang sinagot niya ang tawag ko.
"Jennie, let's go home." Malumanay na sabi ko sa kanya, narinig ko ang pagbuntong-hininga nito bago nagsalita.
["Bakit hindi ka umuwi mag-isa?"] Pabalang na sagot niya sa akin.
"Pag-hindi ka sumama sa akin pauwi sa bahay natin, papasok ako diyan sa bahay ni Eun Woo at kakaladkarin kita palabas and I mean it. " Seryosong pananakot ko sa kanya.
["What? Don't tell me na nandito ka? At paaano mo nalaman ang bahay ni Eun Woo.?"] Hindi makapaniwalang tanong niya pa sa akin.
"Kaya kong alamin ang lahat kaya bumaba ka na dito, I'm waiting here " Pagkatapos nun ay inoff ko na ang cellphone ko upang antayin itong bumaba.
***
Jennie's Pov;
Habang nasa shower room si Eun Woo ay biglang nag-ring ang cellphone ko nang makita ko ang pangalan ni Taehyung na rumehistro doon ilang minuto muna bago ko ito sinagot.
Hindi ako makapaniwalang nalaman niya ang bahay ni Eun Woo at nananakot pa itong aakyat dito kapag hindi ako sumamang umuwi sa kanya.
Hanggang kailan niya ba gagawin sa akin ito? Gustuhin ko mang manatili dito kasama si Eun Woo natatakot naman ako sa pwedeng gawin at mangyari sa dalawa oras na magkaharap ang mga ito.
Kaya I have no choice again, kung hindi antayin matapos si Eun Woo upang magpaalam na para umuwi.
Maya-maya nga lumabas na ito habang naka-suot ng bathrobe at pinupunasan ang basang buhok nito ng isang towel.
"Babe, mag-shower ka na." Utos niya sa akin habang patuloy parin sa pagpupunas ng buhok.
"Ahm, Eun Woo, I need to go. " Nag-aalangan ko pang sabi sa kanya.
Bigla itong napahinto sa ginagawa niya at nagtatakang tumingin sa akin.
"Why? Akala ko ba dito ka matutulog?" Magkasunod na tanong niya sa akin.
"Eun Woo you know.. "
"Yeah, I know, sige na mag-ayos ka na ihahatid kita." Matamlay at parang nagtatampong sabi niya sa akin ni hindi na nga niya pinatapos pa ang sasabihin ko.
"I-I'm sorry," Yun nalang ang nasabi ko dahil hindi ko alam ang dapat gawin ngayon. Na sa baba si Taehyung at ayokong gumawa ito ng gulo para masaktan si Eun Woo.
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...