💕Staying or letting go?
Sometimes it hurts either way,
so just make sure you make
the right choice... 💕Taehyung's pov;
- Tinawagan ako ni Hoseok habang may kausap akong isang kliyente para sa bagong design ng kotse na ginawa ni Namjoon. Kauuwi lang namin ni Namjoon kagabi galing sa new york halos tatlong araw din kaming nandoon, Si Jennie umalis ako at dumating wala paring pakialam sa akin, para lang akong hangin na hindi niya nakikita, sa tatlong araw na wala ako, alam kong magkasama ito at si Eun Woo.
Then malalaman kong nandito daw si Eun Woo sa office ko at gusto akong makausap.
"Eun Woo, what are you doing here?" Nagtataka at seryosong tanong ko sa kanya.
"How are you Taehyung?" Hindi naman nito pinansin ang tanong ko, bagkus ay kinamusta ako.
Napa-irap ako dahil sa sinabi nito, " Are you here, para lang ba kamustahin ako?" Pasupladong balik tanong ko naman sa kanya.
Mapakla naman itong napangiti at napahinga nang malalim. Then he looked at me straight in my eye.
"I came here because of Jennie, " kalmadong sabi niya sa akin, naguguluhan akong nagtanong sa kanya.
"What about her?" Napakunot ang noo ko. "Don't tell me, na makikiusap ka para hiwalayan ko siya?" Hula ko sa balak niyang sabihin sa akin.
"Hindi," napangiti ito ng bahagya sa akin. "I came here, dahil.. Gusto ko siyang, " napatigil ito sandali at napayuko.
Napansin ko din ang malungkot niyang pagkakangiti habang yumuyuko.
"Taehyung, " napatitig siya muli sa akin nang tawagin niya ang pangalan ko. "She's all your's!"
Napaawang ang mga labi ko dahil sa sinabi ni Eun Woo, parang ang sarap niya sanang sapakin, dahil pinakakaba niya ako sa bawat salitang binibitawan niya.
"Can you just straight to the point Eun Woo!" Pagalit na sambit ko sa kanya.
Malungkot na naman itong napangiti. Iniba nito ang direksyon at tumingin sa glass wall ng opisina ko, pagkatapos ay muling nagsalita.
"Pinauubaya ko na si Jennie sa'yo, naisip ko kase kahit bali-baliktarin ko man ang sitwasyon naming dalawa, sayo parin naman siya babagsak, dahil ayaw mo rin siyang pakawalan," muli niyang itinuon ang paningin sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Natural asawa ko siya at kasal kami, " seryosong sagot ko sa kanya.
"Yeah, you're right! Mahirap para sa akin ang gagawin kong ito Taehyung, I love her so much, hindi ko siya pinauubaya sayo dahil sa hindi ko na siya mahal, ginagawa ko ito dahil hindi ko na kayang naiipit siya sa sitwasyon alam ko rin kung gaano niya kamahal ang Daddy niya, Siguradong magagalit iyon kay Jennie kapag nalaman niyang patuloy parin kaming nagkikitang dalawa, At ayokong dumating sa point na tuluyan nang masira ang pagtingin ni Jennie sa Daddy niya nang dahil sa akin."
Tuloy-tuloy na salita nito habang nakikinig lang ako sa kanya.
"Hindi ito alam ni Jennie, Siguradong magagalit siya sa akin, dahil sa desisyon kong ito.. Pwede bang ikaw na ang sumalo ng galit niya para sa akin?" He added. Then he slightly smile while staring at me.
"Ano ba yang mga pinagsasabi mo Eun Woo? Are you really serious? Parang kailan lang sinasabi mo sa akin na hindi mo isusuko si Jennie sa akin, Tapos ngayon... "
"Take care of her, " singit niya sa pagsasalita ko. "Kapag napatunayan mo sa sarili mo na hindi pala si Jennie ang nakatadhana para sayo, Saka ko lang siguro siya ulit babawiin sa'yo" Natahimik ako dahil dun, matipid ulit itong napangiti, Then nilagpasan na niya ako upang maglakad papunta sa pintuan upang lumabas na,
Pero, napahinto ito nang magsalita ako na ikinalingon niya sa akin.
"Eun Woo, ngayon palang sinasabi ko na sayo na wag mo nang asahan mababawi mo pa siya sa akin, dahil si Jennie, sigurado na akong siya ang babaeng nakatadhana para sa akin!" Seryosong saad ko sa kanya. Tumango lang ito sa akin at tuluyan nang lumabas ng opisina ko.
***
Halos isang oras nang nakaka-alis si Eun Woo sa opisina ko pero hindi parin ito nawawala sa isipan ko, ang mga sinabi niya sa akin na hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa or ikatakot, Bakit niya kailangang gawin iyon? Ano bang nakain nito? Hindi parin ako makapaniwala or dapat ko rin bang paniwalaan, katulad ko sobrang mahal din ni Eun Woo si Jennie, pero bakit ngayon pinauubaya na niya ito sa akin?
Malalim akong napahinga, Ako ang dapat na nagpa-ubaya imbis na si Eun Woo iyon sana ang plano ko, dahil balak ko nang isuko si Jennie sa kanya, pero sa mga sinabi nito iisa lang ang alam ko ngayon, itinadhana talaga kami ni Jennie para sa isa't-isa..
***
Eun Woo's pov;
Pagbaba ko mula sa opisina ni Taehyung dumeretso na ako sa parking area upang puntahan ang kotse ko, nang nasa tapat na ako ng sasakyan ko, Malalalim muna akong napahinga bago ako nagpasyang sumakay na dito, pero nang paaandarin ko na ito bigla akong napatigil at napatawa ng pagak..
Sa loob ng anim na taon naming relasyon, Ito ang kauna-unahang pagkakataon na bibitawan ko si Jennie, alam kong masasaktan ito ng sobra at siguradong magagalit din siya dahil sa ginawa ko, Pero ito ang tama, Hindi magiging maayos ang lahat kung magpapatuloy lang kaming dalawa. Malungkot akong napangiti, muli kong inistart ang makina ng kotse ko at mabilis na pinaandar iyon.
***
This is the last time na makakatabi ko si Jennie dito sa kwarto at kama ko, Siguradong mahihirapan ako at matatagalan na masanay na wala na siya sa tabi ko.
Minamasdan ko ito habang mahimbing na natutulog sa tabi ko, Nakiusap ako sa kanya na baka pwede niya akong samahan ngayong gabi matulog dito sa apartment ko, dahil bukas may flight na naman ako. Bago matulog marami pa kaming bagay na pinag-usapan, Yung mga masasayang araw namin na magkasama, Nung mga panahong nililigawan ko palang siya, yung unang date naming dalawa, Nung unang araw na ipinagkaloob niya sa akin ang sarili niya na lalong nagpatibay ng relasyon namin at pagmamahal ko sa kanya.
"Mahal na mahal kita Babe, always remember that" I whispered to her, Then I kissed her forehead, hugged her right and slept next to her. Kung pwede nga lang ganito nalang kami ni Jennie, Nakakalungkot lang na may ibang lalakeng tunay na mas may karapatan sa kanya. At iyon ay ang asawa nitong, Si Taehyung..
~~~~~~~
🎵When you wake up And find me gone tomorrow
Don't think I meant to hurt you
I just did what we knew
I had to do.
And all the time we knewThe time was never right for us
Time to leave this love behind
I could never leave you
Baby if I see you cryI'll say good bye for the two of us Tonight while you sleep
I'll kiss you softly one last time
And say good-bye
Like I know we must
There's just no other way And I couldn't bear to see your heart break So I'll wait till your asleep to say good-byeI'LL SAY GOODBYE
By; Expose.........
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...