💕 I don't know why
we always love the pain of loving someone we can't have... 😢💕Taehyung' s pov;
Pababa ako ng hagdan galing sa kwarto ko nang makasalubong ko si Jennie, napahinto ako sa pagbaba upang tignan siya, pero nang magkasalubong ang paningin namin parang isang nakamamatay na pag-irap ang ginawa niya sa akin, at nilagpasan na ako, Talagang balewala para sa kanya ang presensiya ko.
"Jennie," Seryosong pagtawag ko sa pangalan niya. Napahinto naman ito at napalingon sa akin na nakataas ang isang kilay.
"What?" Sagot niya na parang walang buhay.
"Wedding anniversary ng parents ko tomorrow, kailangan nating pumunta." Saad ko sa kanya, at matiim ko siyang tinitigan habang naparolled eyes naman ito sabay crossed her arms.
"Bakit hindi ba matutuloy ang wedding anniversary nila kapag hindi tayo nakapunta?" Sarcastic na tanong niya sa akin.
I sighed, before talking to her again. "Kailangan pa ba nating pagtalunan ito? Magtataka sila kung bakit hindi tayo makakapunta" I said na pilit na pinapakalma ang sarili ko.
Iniiwas niya ang paningin sa akin, Narinig ko din ang malalim nitong pag-hinga. Pagkatapos ay muling humarap sa akin.
"Alright, I'll be there mauna ka nalang dun dahil ayokong sumabay sayo and that's final" Napaawang nalang ang mga labi ko sa mga sinabi ni Jennie, Gusto ko pa sanang magsalita pero nagmamadali na itong humakbang paakyat.
Napapikit nalang ako dahil sa inis, at muli ko nalang ipinagpatuloy ang pagbaba ko.
"Shit!" Mahinang mura ko nang makarating ako sa mini bar wala sana akong balak uminom, bumaba ako para kumuha lang ng tubig pero ngayon nagbago na ang isip ko imbis na tubig mukhang kailangan kong uminom ngayon ng alak para mabawasan ang inis na nararamdaman ko.
Inabot ko ang isang bote ng whiskey at sinalinan ang basong nilagyan ko na ng yelo. Mabilis ko iyong ininom at hindi na ininda ang pait nun.
Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit ng totoo kay Jennie kapag titingin na ito sa akin mabilis na lumalambot ang puso ko,
Kahit ngayong nararamdaman kong dapat akong magalit sa kanya dahil nagsinungaling ito sa akin, akala ko pa naman talagang gagawin niya ang mga sinabi niya nang pumunta ito sa opisina ko.
She lied, nalaman kong nakikipagkita parin ito kay Eun Woo. Talagang sobrang mahal ni Jennie ang lalake na iyon. Sa tingin ko wala na akong magagawa pa kundi ang pabayaan nalang ang mga ito.
Kailangan ko na ba talagang magpaubaya na naman? Kasal yun lang ang talagang hawak ko kay Jennie bukod doon wala na. Sunod sunod na tungga ang ginawa ko gusto kong lunurin na lang ang sarili ko ngayon sa alak, kung pwede nga lang matangay na nang pait nang alak ang nararamdaman kong pagmamahal para kay Jennie upang hindi na ako paulit-ulit na nasasaktan ng ganito.
***
Jennie's pov;
Maingat akong bumaba upang kumuha ng gatas papunta sa kusina dahil hindi ako dalawin ng antok, Napansin ko si Taehyung sa kabilang side ng bahay kung nasaan ang minibar na pinagawa nito, nakatalikod ito habang panay tungga ng alak, Hindi ko alam pero bakit parang naistatwa ako nang makita ko siyang umiinom.
Alam kong nahihirapan narin ito sa sitwasyon namin, pero kasalanan din naman niya kung bakit naging ganito ka-kumplikado ang lahat. Bigla ko tuloy naalala ang nakaraan nung college days namin.
Matagal itong nanligaw sa akin, palagi pa siyang nakabuntot kung nasaan ako, palagi niya rin akong binibigyan ng kung anu-ano, Hindi sana siya mahirap mahalin pero, bakit hindi ko magawa? Hanggang sa nakilala ko si Eun Woo na kaibigan din ni Taehyung na galing sa ibang school at lumipat lang ito sa pinapasukan namin ni Taehyung.
Agad nahulog ang loob ko kay Eun Woo bukod sa guwapo rin ito maraming mga bagay kaming pinagkakasunduan kaya siguro madali ko itong nagustuhan, Hanggang sa niligawan ako nito at hindi nga nagtagal ay sinagot ko ito nang malaman iyon ni Taehyung napansin ko na ang pag-iwas niya sa amin ni Eun Woo hanggang sa tuluyan na itong lumayo sa amin.
Napapitlag ako nang mapalingon ito bigla sa gawi ko. His dark cold eyes stared at me, napansin ko din na parang may lungkot sa mga mata niya habang nakatitig sa akin. I suddenly bit my lower lip at marahan na lumihis upang pumunta na sa kusina at gawin na ang dapat na ginawa ko kanina pa.
Nagsalin ako ng gatas sa isang baso pagkatapos ay dahan-dahan ko iyong ininom wala pa sa kalahati ang naiinom ko nang makaramdam ako ng isang presensiya mula sa likuran ko. Mabilis akong napalingon at napaawang ang mga labi ko nang makita ko si Taehyung habang nakasandal sa gilid ng pader at mataman na nakatingin sa akin, napansin ko ang pagpungay ng mga mata nito dala narin marahil sa pag-inom niya ng alak. Nabanaag ko parin doon ang kaninang nakita kong lungkot sa mga mata niya.
Napatingin ito sa hawak kong baso na may lamang gatas. Then he smirked.
"Why? Hindi ka ba makatulog? Iniisip mo siguro siya" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"Stop it Taehyung, wag kang mag-umpisa" Naiinis na sabi ko sa kanya at padabog na ipinatong ko ang baso sa ibabaw ng lamesa. Then naglakad na ako para muling umakyat sa kwarto ko. Pero nagulat ako ng bigla siyang humarang sa daraanan ko.
"Bakit ba lagi mo itong ginagawa sa akin Jennie? Masaya ka bang makitang nasasaktan ako? why can't you see that i'm really in love with you, pwede bang ako nalang?" He said in pain, Then suddenly his tears starts falling endlessly from his eyes.
"Taehyung" Mahinang sambit ko, I don't know kung paano mag-rereact first time kong nakita si Taehyung na umiyak ngayon sa harapan ko, Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam dahil don,
At mas lalo akong hindi naka-react when he grabbed my waist upang halikan ako. Napaawang bigla ang mga labi ko dahil sa gulat kaya mabilis niyang nailapat ang mga labi niya sa akin, Then he kissed me torridly.
Aaminin kong nagugustuhan ko ang ginagawa niyang paghalik sa akin but this is wrong.. Ayokong bigyan siya kahit na maliit na dahilan upang isipin niya na may pag-asa pa siya upang matutunan ko siyang mahalin dahil siguradong mas lalo lang siyang masasaktan,
Buong pwersa ko siyang itinulak dahilan upang maputol ang mainit na paghalik niya sa akin. Tinitigan ko muna siya bago nagsalita sa kanya.
"I'm sorry Taehyung but.. I can't" Parang pabulong pang saad ko sa kanya. Nakita ko pa ang kirot na lumatay sa mukha niya bago ko siya na iniwan mabilis akong naglakad paakyat sa hagdan pabalik sa kwarto ko.
~~~~~~~
🎵Kahit na nagmumukhang
tanga
Kahit na sinasaktan ako
Umiiyak ako dahil sa 'yo
Heto pa rin ako
Halos baliw sa 'yoKahit na, niloloko mo lang ako
Kahit na, tumingin ka sa iba Magmahal ka ng iba
Magbubulag-bulagan ako
Masakit man ito dito sa puso koDahil mahal
mahal na mahal kita
Hindi ako matatakot, mahihiya Anuman ang sabihin nila
Dahil mahal kita
Dahil mahal mahal na mahal kitaGagawin ko ang lahat
Pangako mo lang 'di ako iiwan
Dahil mahal,
Mahal na mahal kita.. 🎶DAHIL MAHAL KITA
( Cover by; Vice Ganda )
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...