💕 Love is an unstoppable force that wakes the heart up whenever you are with that special someone.. 💕
Jennie's pov;
- " Mommy, what are we doin' here and who's in the picture?" Inosenteng tanong ni Enzo sa akin,
Pagkatapos magising ni Taehyung mula sa 3 buwan na pagkaka-comatose nito at ngayon pang-isang linggo na araw na simula ng magising siya.
Nagpasya akong dalawin ang puntod ni Eun Woo na kasama si Taehyung at Enzo, pakiramdam ko kase kailangan ko itong gawin upang tuluyan ng makalaya ang puso ko sa pagmamahal ko sa kanya.
Pero hindi naman ibig sabihin na kakalimutan ko na ang pagmamahal ko para kay Eun Woo, it will be forever stay in one part of my heart.
Sa ngayon mas nangingibabaw ang pagmamahal ko para kay Taehyung ang mga sakripisyo nito na sana ay matagal ko nang nakita, maybe I have loved him for a long time. Kaya lang pilit kong ipinapasok sa isip ko na dapat ay si Eun Woo lang.
"Special friend namin siya ng mommy mo, especially your mom." Narinig kong sinagot ni Taehyung dito.
Napatingin ako kay Taehyung na nakatingin din pala sa akin na mayroong ngiti sa mga labi.
"Can i call him Tito, Daddy?" Muling tanong ni Enzo.
"Mas magiging masaya siya kung tatawagin mong siyang... Daddy Eun Woo," napaawang ang mga labi ko sa sinabi na yun ni Taehyung.
"Why would I call him daddy?" Pagtatakang muling tanong ni Enzo kay Taehyung.
Muling sumulyap sa akin si Taehyung habang nakangiti bago sinagot si Enzo.
"Dahil minahal niya rin ang mommy mo katulad ng pagmamahal ko sa mommy mo."
Gusto ko sanang maiyak sa mga sinasabi na ito ni Taehyung pero ayokong tuluyang magtanong ng magtanong si Enzo sa amin. Kaya kinontrol ko ang sarili ko at minabuting makinig na lang sa kanila.
Naguguluhang namang napatingin sa akin si Enzo, pilit na ngumiti ako sa kanya at tinap ko ang ulo niya.
"Someday, when you get to the right age, and you can understand everything, ipaliliwanag yun sayo ni mommy. Sa ngayon mas gusto kong ienjoy mo lang muna ang pagiging bata mo, okay?" Paliwanag ko kay Enzo.
Napatingin ako kay Taehyung na malapad na nakangiti at nakatingin sa amin ni Enzo. Hinawakan nito ang isang kamay ko at pinisil.
"Daddy can we go home now? Tito Jungkook promised me that he would teach me how to bike today" bigla kaming napatingin dito ni Taehyung ng magsalita si Enzo.
Masyado rin itong iniispoiled ni Jungkook at sa nakikita ko magiging mabuting ama rin ito kagaya ni Taehyung.
"Alright!" Masayang pagsang-ayon dito ni Taehyung.
"But say goodbye to him first" nakangiting saad nito kay Enzo.Tumango naman dito si Enzo bago sinunod ang sinabi ni Taehyung na nagpalambot sa puso ko.
"Goodbye Daddy Eun Woo, we will come back again" paalam dito ni Enzo na nagwave pa ng kamay habang nakatingin sa picture ni Eun Woo na nakangiti siguradong masaya ngayong si Eun Woo na nakita na siya ng anak niya.
Pagkatapos nun ay binuhat na ito ni Taehyung. Nagbabadya ng pumatak ang mga luha ko, kaya sumenyas nalang si Taehyung na mauuna na sila sa kotse, nakangiti ko itong tinanguan.
Muli ko naman na tinapunan ng tingin ang picture ni Eun Woo na masayang nakangiti. Sa ngiting iyong biglang bumalik sa akin ang lahat ng masasayang pinagsamahan namin.
Ang anim na taon na pinagsamahan naming dalawa, akala ko hindi ko na kakayanin pang muling magmahal ng iba bukod sa kanya pero pinatunayan ni Taehyung na mali ako, dahil ngayon nga ay muli akong nagmahal at sa lalakeng hindi ko aakalain na mamahalin ko ng higit pa sa pagmamahal ko para kay Eun Woo.
Malalim akong napabuntung-hininga. Hinaplos ko ang litrato nito.
Napapatak ang mga luha ko hindi dahil sa nasasaktan parin ako, kundi dahil sa masasayang panahon na pinagsamahan namin.
"Goodbye Eun Woo. thank you for the wonderful memories and love you have given me, it will remain in my heart and my mind forever!" Pabulong na saad ko sa harapan ng picture niya.
Pagkatapos ay tumalikod na ako para puntahan na sila Taehyung na naghihintay sa kotse, pero nakakailang hakbang palang ako nang napatigil ako at muling nilingon ang puntod ni Eun Woo muli akong napatingin sa litrato niyang nakangiti.
"I love you" I whispered in the air.
For the last time ay muli ko iyong sinambit,
Ang pagmamahal ko sa kanya na palaging nasa isang bahagi ng puso ko na alam kung mananatili lang doon lalo na at may iniwan itong isang bahagi niya.. Si Enzo.
~~~~~~~
🎶 I still have photograph of you
I've keep it all these years
I guess it would make
You laugh to know
It still bring back the tearsFrom another place and time
When you love was mineA pisture of innocence, your eyes They move me even now
If i had the confidence i'd try
To bring you back somehowTo another place and time
When your love was mineMaybe I'm just a sentimental fool Bringing back memories from a Photograph of you... 🎶
PHOTOGRAPH
By; Ariel Rivera..............
( This is it, Isang Chapter nalang, napaka-espesyal ng story na ito para sa akin😢.. Salamat sa lahat ng sumubaybay nito! )
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...