💕 Love is like a piece of art work, even the smallest bit can be so beautiful.. 💕
One week later...
Jennie's pov;
- Isinama ko si Enzo sa isang park upang makipag-kita kay Lisa naisip kong dito nalang kami magkita nito para maipasyal ko na rin si Enzo, kasama namin ang driver dahil hindi na din pumayag pa si Taehyung na magdrive akong mag-isa.
"Mommy, can I go to the fountain?" Enzo ask me with his sweet little voice.
"Alright, But will you promise me that you will not go far?" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"I promise!"masiglang sagot niya sa akin at tumakbo na papunta sa hindi gaanong kalakihang fountain, may ilang bata rin ang nandun upang mag-usisa sa lumalabas na tubig sa fountain.
I enjoyed watching him, habang naka-upo ako sa isa sa mga bench dito na hindi naman masyadong kalayuan sa fountain at siniguro kong matatanaw ko parin si Enzo. Naisip kong picturan ito habang masayang naglalaro sa paligid ng fountain.
Maya-maya narinig ko ang pagtunog ng phone ko kaya napatigil ako sa pagkuha ng mga picture kay Enzo, minabuti ko munang sagutin iyon, napangiti ako ng malaman kong si Lisa yun.
"Lisa, we're near in the fountain" inform ko sa kanya.
["Okay"] yun lang at binaba na nito ang phone niya.
Ilang saglit pa at natanaw ko na nga ito, tumayo ako at kumaway sa kanya, namimiss ko nang katrabaho ulit ito, hindi na ako nakakapunta sa opisina namin pero palagi parin niya akong inaapdate sa mga nangyayari sa negosyo namin, nagpapadala parin naman ako ng mga bagong design ng sapatos na naiisip ko at ini-email ko iyon sa kanya.
"Hello, my god Jennie ang laki na ng tiyan mo, malapit ka nang manganak nakaka-excite naman, sana babae! " Bungad na sabi niya sa akin, sabay yakap at halik sa pisngi ko. "Where's Enzo?" Masayang hanap niya sa pamangkin niya.
"There he is" sabi ko sabay turo kay Enzo na nakikipaglaro na sa mga batang halos kasing edad lang din nito.
"Enzo!" Tawag ko sa anak ko, napalingon ito sa amin at tumakbong palapit nang makita niya sa Lisa.
"Tita Lisa! " he shouted.
"Hello, my handsome boy" sambit dito ni Lisa nang makalapit si Enzo at pinupog niya nang halik.
"Ang bilis mong lumaki, Hahaha, wag ka munang mag-gi-girlfriend ha!" Biro pa nito kay Enzo, napangiti ako.
"No, Daddy told me na dapat si Mommy muna ang love ko" matalinong sagot agad ni Enzo sa tita niya.
"Oh, what about tita?" Nakapout na tanong ulit ni Lisa dito at pinalungkot pa ang mukha.
"Syempre love din kita" sambit naman ni Enzo, sabay ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng anak ko, kaya lalo itong pinangigilan ni Lisa.
"Can I go back there Mommy? I have new friends mommy" pagbibigay alam ni Enzo.
"Really, you can go back in there, don't go too far, okay? dito lang kami ni Tita Lisa mo, kapag ayaw mo nang maglaro, kakain na tayo sa favorite restaurant mo" masaya naman itong tumango at tumakbo na ulit pabalik sa mga kalaro niya.
"Nakakatuwa, malapit na siyang mag-apat na taon, tapos mag-iistart na siyang mag-aral, excited na ako" rinig kong saad ni Lisa habang teary eyed na nakatingin kay Enzo.
Alam ko ang nasa isip nito siguradong nanghihinayang ito na hindi man lang nakita ni Eun Woo ang mga magiging kaganapan sa buhay ni Enzo, Aaminin kong ganon din ako, pero, Im happy na nandiyan si Taehyung para tulungan akong gabayan si Enzo.
Marami kaming pinag-usapan ni Lisa tungkol sa pagbubuntis ko, sa sobrang saya naman na muli kaming nakapag-usap ng ganito na walang iniisip na trabaho or deadline ng mga order kaya hindi na namin napagtuunan ng pansin si Enzo.
"Mabuti pa kumain na tayo" pag-aya ko na sa kanya dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.
Sabay na kaming tumayo mula sa bench, para puntahan na si Enzo, pero paglingon namin wala na ito doon pati na ang ibang mga batang kalaro niya.
"Lisa, where's Enzo? " Kinakabahan na tanong ko sa kanya.
""Baka naman naglakad-lakad lang kasama nang mga kalaro niya, wait ako na maghahanap" mabilis na naglakad ito, pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nagpalinga-linga naman ako sa paligid pero hindi ko parin siya makita, nag-umpisa narin akong maglakad upang maghagilap kay Enzo, nakakaramdam na ako ng takot na baka nawala na ito.
"Enzo!"
Malakas na tawag ko sa pangalan niya habang naglalakad ako, baka kase kung saan-saan lang ito nagsusuot pero nakaka-ilang tawag na ako hindi parin ito lumilitaw na talagang nagpapakabog na sa dibdib ko. Nag-uumpisa narin akong maiyak.
Halos malibot ko na ang buong parke, at nakakaramdam na ako ng pananakit ng mga binti at balakang dahil sa kalalakad pero hindi ko iyon iniinda at patuloy parin sa paglalakad, hanggang sa matanaw ko si Lisa na palapit sa akin na lalong nag pabahala sa akin dahil hindi parin nito kasama ang anak ko.
"Jen, I can't see him" nakita ko din ang takot na nakabakas sa mukha ni Lisa nang sabihin niya iyon sa akin.
Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko dahil sa samo't saring nararamdaman ko ngayon.
"N-No, we need to find him Lisa, Enzo can't be lost!" Natatarantang saad ko sa kanya habang umiiyak.
"Jennie, please calm down, baka mapano ka" nag-aalalang sabi niya, "Let's ask for help, tawagan mo si Taehyung, kailangan niyang malaman to" biglang naisip nitong sabihin.
Mabilis na sinunod ko si Lisa at tinawagan ko nga si Taehyung, nakailang ring muna iyon bago naman nito sinagot ang tawag ko.
["Hello, Jennie, namasyal daw kayo ni Enzo"] bungad na tanong ni Taehyung sa akin.
"T-Taehyung" pagaralgal na sambit ko sa pangalan niya at tuluyan na nga akong napaiyak na ikinabahala din nito.
[" Why are you crying? may masakit ba sa iyo?"] Natatarantang tanong niya sa akin.
"Taeh-yung, Si-Si Enzo" pahinto-hinto na salita ko sa kanya.
", Why, did something happen to him?" Worried na tanong niya sa akin.
Hindi agad ako makapagsalita kaya napataas ang tono ng boses nito ng magtanong ulit sa akin.
"DAMN IT JENNIE, WHAT HAPPENED TO ENZO?!"
Napapikit ako sa pagsigaw na tanong na yun sa akin ni Taehyung, alam kung kinakabahan narin ito.
"Na-Nawawala si Enzo, hindi namin siya makita ni Lisa nandito kami sa park malapit sa favorite restaurant niya, Taehyung pumunta ka na dito, please hanapin natin si Enzo" napahagulgol ako pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya.
~~~~~~~
🎶 I don't need a lot of things,
I can get by with nothing
Of all the blessings life can bring,
I've always needed something
But i've got all i want
When it comes to loving you
You're my only reason,
You're my only truthI need you like water
Like breath, like rain
I need you like mercy
From heaven's gate
There's a freedom in your arms
That carries me through
I need you... 🎶I NEED YOU
By; Mark Bautista..............
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...