💕 The purpose of the life is to find true love, not meaning. It's easier to find the meaning of life together, not alone.. 💕
Jennie's pov;
-Nakarinig ako ng mga boses na nagtatawanan mula sa balkonahe sa likod ng bahay namin. Narinig ko ang boses ni Enzo na parang kinikiliti habang tawa ng tawa.
Iniwanan ko ito kay Wendy upang puntahan si Rose sa bahay nito dahil medyo may hindi sila pagkaka-unawaan ni Jimin at kinailangan nito ng makaka-usap kaya naman pinuntahan ko agad ito sa bahay nila.
Habang palapit ako doon nakarinig ako bigla nang isang boses babae na ipinagtaka ko, inisip ko kung sino ang bisita naming babae.
"Taehyung, kung may free time ka at si Jennie, pasyal kayo sa restaurant namin. Bibigyan ko kayo ng malaking discount" narinig kong sabi nito sabay ang mahinang pagtawa.
Napasilip ako ng bahagya sa pinakamain door ng balkonahe namin at natanaw ko si Taehyung na nakaupo sa mahabang couch namin habang kalong si Enzo at nasa kabilang side naman ng upuan ang babaeng kausap nito na parang pamilyar ang mukha sa akin, bigla kung naalala, na ito ang nakakita kay Enzo nung nawala ito isang linggo na ang nakakaraan.
"Ahm, sige, sabi mo yan ah! " Sagot ni Taehyung, pagkatapos ay napabox-smile pa sa babaeng kaharap nito.
May kakaiba akong naramdaman sa ngiti na yun ni Taehyung, bigla akong nakaramdam na hindi maipaliwanag na pakiramdam, may kung anong kumurot sa puso ko. Maybe hindi lang talaga ako sanay na magiliw na nakikipag-usap si Taehyung sa ibang babae lalo na sa magagandang babaeng katulad ni Tzuyu.
"Mommy!" Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang matinis na boses ng anak ko nang mapansin ako nito sa gilid ng pinto. Tumakbo palapit sa akin.
Matipid na nginitian ko ito nang makalapit sa kin, at humalik sa pisngi ko.
"Mommy, Tita Tzuyu is here!" Masayang sambit pa ng anak ko sa akin.
Tzuyu pala ang pangalan niya, sambit ko sa isip ko.
Hinawakan ko si Enzo palapit kung nasaan si Taehyung at Tzuyu, nakangiti itong napatayo nang makita ako. Bumaling naman ang tingin ko kay Taehyung na malapad ding nakangiti pero ang mga mata nito ay nakatuon kay.. Tzuyu.
Napilitan akong ngumiti kay Tzuyu kahit na para akong nanamlay.
"Hi, Jennie, It's nice to see you again" sabi niya na nakangiti sa akin.
"Buti, nakapasyal ka dito sa amin?" Naiilang na tanong ko sa kanya.
"Actually, nagpasundo ako kay Taehyung sa restaurant ko, para malaman ko itong house niyo" magiliw parin niyang pakiki-pag-usap sa akin.
"Ah," tanging nasambit ko nalang.
Muli akong napatingin kay Taehyung na bahagyang ngumiti sa akin at tumayo upang lumapit ng kaunti kay Tzuyu.
"Ininvite niya tayo sa restaurant niya" masayang saad nito sa akin.
"S-Sige, pupunta kami one of this days" napilitan kong sagot kay Tzuyu.
"Okay, mauuna na ako, kailangan ko pang bumalik sa resto ko" paalam nito sabay tingin kay Taehyung.
Napayuko ako upang hindi ko makita kung paano din ito titigan ni Taehyung.
"Hatid na kita" narinig kong sambit ni Taehyung na nagpaangat ng mukha ko sa kanya.
"No need, magtataxi nalang ako" nakangiting tanggi ni Tzuyu dito.
"Malapit lang naman restaurant mo dito, hatid na kita" pagmumulit pa ni Taehyung na nagpakagat sa ibabang bahagi ng labi ko.
"Bahala ka na nga" Tzuyu said to him.
Napabaling ang tingin nito kay Enzo at bahagya pang yumuko upang halikan ito sa pisngi.
" Bye Enzo, next time pagbalik ko bibili ako ng toy mo, gusto mo ba yun?" Masayang alok pa nito kay Enzo, nakangiti namang tumango ang anak ko bilang pagsang-ayon sa kanya.
"Bye Jen, see you again" sabi niya naman sa akin, napatango ako at matipid na ngumiti sa kanya.
"Hatid ko lang siya" kalmadong sambit ni Taehyung sa akin, na hindi na inantay ang pagsang-ayon ko. Nilagpasan na ako nito at sumunod na din kay Tzuyu.
Malungkot kong minasdan ang paglalakad nila nang sabay habang masaya paring nag-uusap. Hanggang sa mawala ang mga ito sa paningin ko.
~~~~~~
🎶 If I believed in paradise
I'd swear I must be there
I'd swear I must be there
right now with youIF I believed in miracles
I'd know that one was happening to me but if I don't believe in paradise and miracles aren't real then someone tell me what is this I feel?I wanna believe it's love this time
I wanna believe my heart's not telling me a lie but with you
I can't deny that if I believed in paradise I'd swear I'm thereIf I believed in magic spells it all would be so clear a magic spell must have brought you here
If I could see the future I'd see if you and I were meant to be but
I don't know any magic and tomorrow's just a dream then something.. 🎶IF I BELIEVE
By; Jinky Vidal
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...