Chapter 66

66 4 0
                                    


💕 Love should not be all pain and sacrifice, and it should not always be you who takes
the fall..💕

Taehyung's pov;

- Malalim na ang gabi nang magpasya akong umuwi, halos naubos namin ni Jimin ang laman ng vodka kaya parang nawiwindang na ako ngayon, pero maingat parin akong nagmaneho kahit na pumupungay na ang mga mata ko dahil sa antok dahil sa tama ng Vodka, Si Jimin iniwanan ko na sa casino at doon nalang daw ito matutulog, Gusto ko nga sanang samahan ito doon pero naisip ko si Enzo baka hanapin ako nito kinabukasan kapag maaga itong nagigising palagi itong pumapasok sa kuwarto ko upang gisingin ako.

Bigla nag-iba ang pakiramdam ko ng muling sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Enzo sa akin kanina nang dumating ito kasama ni Jennie galing sa mall, Napahigpit ang hawak ko sa manibela at nagising ang buong diwa ko, tinapakan ko ng madiin ang silinyador ng kotse ko upang makauwi agad. Kailangan kong makausap si Jennie gusto kong malaman kung anong binabalak nito. Kanina ko pa din iniisip kung nakipagkita ba si Jennie sa Yoongi na yun para humingi ng advise sa dapat nitong gawin, O may balak na ba itong iwan ako at lumayo sa akin kasama si Enzo,

"Damn it! Akala ba ni Jennie pwede niyang gawin sa akin yun?!" Pagalit na saad ko.

Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan ko, mabuti nalang at wala akong mga kasabay dahil gabi na at mangilan-ngilan nalang din ang mga kotseng nakikita ko.

Nang makarating ako sa bahay namin malakas na busina ang ginawa ko upang mabilis na mabuksan nang guard na nakatoka sa malaking gate ng bahay namin. Nang bumukas iyon mabilis na ipinasok ko ang sasakyan ko. Pagkahinto nito mabilis na akong lumabas at medyo pagewang-gewang na lumakad.

Binuksan ko ang maindoor ng duplicate key na palagi ko dala dahil ayoko ng maka-istorbo pa nang mga katulong namin kapag gabing-gabi na ako nakakauwi.

Umakyat ako sa itaas at tumapat sa pintuan ng kwarto ni Jennie. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kinatok ko iyon ng kinatok, balak ko na nga sanag sapilitang buksan iyon kung hindi pa nito bubuksan ang pintuan niya.

But suddenly she opened it, bumungad sa akin ang bagong gising na mukha niya. Damn, why she's is still beautiful? Para tuloy akong natulos sa kinatatayuan ko when I saw her face looking at me na may halong pagtataka.

At para akong kakapusin sa paghinga nang bumaba ang tingin ko sa katawan niya she's wearing white silk spaghetti night dress. At sa nipis nun bumabakat ang kurba ng katawan nito na lalon nagpawindang sa akin.

"T-Taehyung" patanong na sambit niya sa pangalan ko.

Napabalik ang atensyon ko sa mukha niya nang marinig ko ang pagsambit niya sa pangalan ko. Sumeryoso akong tumitig sa kanya.

"Let's talk" sambit ko bago pumasok sa loob ng kwarto niya.

***

Jennie's pov;

Napaawang ang mga labi ko nang tuluyan itong pumasok sa loob ng silid ko. Naamoy ko din na amoy alak ito. Pagalit na sinundan ko siya at mabilis na hinarap ito.

" What do you think you're doing? Bigla ka nalang papasok dito sa loob ng kwarto ko at aayain akong makipag-usap sayo sa ganyang kalagayan mo, You are drunk!" Pagalit na sabi ko sa kanya.

"Who is Yoongi?" napatahimik ako bigla sa tanong niyang iyon.

"Bakit ka nakipagkita sa lalaking yun at sinama mo pa talaga si Enzo!" Pagalit na sita nito sa akin.

"What?" naguguluhang sambit ko.

Mapakla itong napatawa, pero muli ring tumingin sa akin nakita ko sa mga mata nito ang galit, ganito rin ito nung huling pumasok sa kwarto ko at pilit akong hinahalikan.

Napapilig ang ulo ko at pilit na iwinawaksi iyon sa isipan ko.

"WHAT!" nagulat ako nang tumaas ang boses nito. "Tell me the truth Jen, May balak ka bang iwan ako at isama si Enzo?! Kaya nakipagkita ka sa lalaking iyon" dugtong pa nito.

Naguguluhan naman ako sa mga pinagsasabi nito.

"Pwede bang lumabas ka na Taehyung, Hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo--"

"Really Jen?.. You've always treat me like a shit, At sa tingin mo papayag pa akong gawin mo iyon sa akin ngayon?"

Natatakot ako sa mga tingin na yun sa akin ni Taehyung, pero pilit akong nagpapakatatag, unti-unti rin akong napapaatras na napuna ni Taehyung kaya mabilis nitong hinatak ang katawan ko at ibinagsak sa kama na ikina-shocked ko, pero mabilis na gumana ang utak ko kaya sinubukan kong tumayo but it's too late dahil mas mabilis na dumagan sa akin si Taehyung at hinawakan ang dalawang kamay ko pataas sa ulo ko..

"TAEHYUNG, LET ME GO!"

Sigaw ko sa kanya. Pero matiim lang itong tumitig sa akin mas lalo akong nagpumiglas, Muli sana akong sisigaw pero hindi ko na naituloy dahil sinakop na nang mga labi niya ang mga labi ko..

~~~~~~~

🎵I get so weak in the knees,
I can hardly speak
I lose all control and something takes over me
In a daze and it's so amazing, it's not a phase
I want you to stay with me, by my side I swallow my pride,
your love is so sweet
It knocks me right off of my feet Can't explain why your loving makes me weak... 🎶

WEAK
By; Tammia

( 💜💜💜.. )

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon