Chapter 41 Say That You Love Me

55 3 0
                                    



💕 Who said Love makes Life Beautiful? The Truth is Love makes Life Painful...💕


Jennie's Pov;

-Pagkaalis ni Taehyung napasubsob ako sa mga palad ko at muli na naman napaiyak, hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito mararamdaman at kung hanggang kailan ako masasaktan ng ganito katindi, Si Eun Woo ang lalake na ni sa hinagap ay hindi ko naisip na pwedeng mawala, paano na ang mga pangarap naming dalawa? Paano ko makakaya na wala ito sa tabi ko at habang buhay na kailanman ay hindi ko na ito makikita.


Ni hindi ako pumunta nang ilibing ito, Ayokong makitang nakahimlay siya at nakasulat ang pangalan nito sa puntod maisip ko palang na nasa ilalim na siya ng puntod na iyon ay para nang binibiyak ang puso ko dahil sa sobrang sakit. At ang isiping hindi ko na siya makikita at mayayakap kahit kailan ay parang magpapabaliw na talaga sa akin. Pakiramdam ko din ngayon para akong buhay na zombie. Ilang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos at wala ding tigil sa pag-iyak.


Madalas din akong puntahan at bisitahin ni Lisa at Rose, pero ayoko muna silang harapin at kausapin lalo na si Lisa. Sa ngayon ayoko talaga itong makita dahil kapag nakita ko ito lalo ko lang maaalala si Eun Woo dahil sa kanya, sobrang close nilang magkapatid at may mga gesture si Lisa na katulad ng kay Eun Woo kaya lalo lang akong masasaktan kapag nakita ko si Lisa. Alam kong napaka-unfair ko sa kanya pero sa ngayon hindi ko pa talaga kaya.


***


Taehyung's pov;

"Taehyung!" Napatingin ako bigla sa taong pumasok dito sa loob ng opisina ko at tumawag sa pangalan ko. Napangiti ako kahit papano, nang makita ko ang pinsan kong si Jin. Alam kong masyado din itong busy sa pagpapatakbo ng mga Hotel nito.


Lately kase lutang talaga ang isip ko dahil sa mga pangyayari na hindi ko inaasahan, pati na rin sa kalagayan ngayon ni Jennie na palagi nalang umiiyak hindi ko na nga alam kong anong gagawin ko upang makalimutan na ni Jennie ang pagkawala ni Eun Woo kahit na alam ko ding mahirap iyong gawin. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko itong umiiyak at wala akong magawa.


Nag-aalala na din ako ng sobra dahil sa kalusugan niya, Ang sabi ni Manang hindi ito kumakain ng maayos at puro gatas lang ang iniinom na hindi naman din niya inuubos.

"How are you Taehyung?"


Napabalik ang atensyon ko kay Jin nang muli itong magsalita at hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito at naka-upo na sa upuan sa harapang ng table ko.

"I'm fine" maiksing sagot ko. "What brought you here? " mabilis na tanong ko sa kanya.

"Ahm, may business proposal sana akong ilalapit sayo, kaya ako nandito," nangingiting sagot naman niya sa akin.


Napataas lang ang isang kilay ko dahil sa pag-iisip at pagtataka sa gusto nito.

"You know Jisoo right?" Tanong naman niya sa akin.

"Yeah, why, what about here? Don't tell me ikakasal na kayo?" Nakakunot noong magkasunod na tanong ko sa kanya, para kase itong tanga na gusto pa akong pag-hulain.

"Pinatayuan ko siya ng isang boutique, so gusto ko sanang kuhanin ang serbisyo nila Jennie para sa kanila nalang kukuha si Jisoo ng mga branded na designing shoes na ididisplay niya sa boutique" masayang sabi ni Jin sa akin.


Bigla akong napaisip at napatitig lang kay Jin, kaya muli itong nagsalita.

"What do you think, papayag kaya si Jennie? Sa'yo ko muna ito sinabi para matanong mo na din sa kanya, then sila nalang nila Jisoo ang mag-usap, "  tuloy tuloy na salita pa nito.

"Si Lisa, I mean kay lisa ko nalang sasabihin, "  sagot  ko.

"What about Jennie? May problema ba? May sakit ba siya?" Magkaka-sunod na tanong muli niya sa akin, naparoll eyes ako dahil doon.

"She's okay, medyo hindi lang maganda ang pakiramdam niya but, she is okay" madiin na sagot ko, ayoko kaseng banggitin dito ang tungkol kay Jennie, hindi din nito alam na may ibang lalakeng involve sa pagitan nang pagsasama naming dalawa ni Jennie, basta ang alam lang ni Jin fix marriage ang nangyari sa aming dalawa ni Jennie.

"Baka naman.. she's pregnant?" Napaawang ang mga labi ko dahil sa biglang naisip sabihin ni Jin, na sinamahan pa nito nang nakakalokong pag-ngiti.

"Huwag mong akong kalimutang kunin ninong ah" He added, sabay kindat pa sa akin.


Na lalong nagpatigil sa akin. Kung pwede ko nga lang itong itulak palabas dahil sa mga walang kwentang bagay na sinasabi nito.


~~~~~~~

🎵 What must I do to make you understand?
You mean everything to me
Don't have the strength to say
Give this heart of mine a chance
And maybe then you will see

And I'll do anything, do anything that you tell me
And I'll be there, I'll be there if you need me

Reachin' out to you
Do you feel it too?
Loving you is all I wanna do
I'm completely sure I've never felt this way before
When I smile you know that there is something more.. 🎶

REACHING OUT TO YOU
By; Gary Valenciano

...............

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon