💕 If you want a painless relationship, you should always accept and never expect.. 💕
Taehyung's pov;
"Namjoon, pwede bang ikaw nalang ang pumunta sa japan para makipag-negotiate kay Mr Shun Oguri, next week kase birthday na ni Enzo, baka mag-alanganin ang pag-uwi ko kung ako ang pupunta sa Japan" Hingi ko ng favor kay namjoon habang nandito kami sa production area ng company upang tignan ang ibang mga sasakyan na binubuo.
"Talaga, okay sige ako nalang, dun nalang din ako bibili ng panreregalo ko kay Enzo" mabilis na pagsang-ayon naman niya sa akin.
"Pasasamahin ko si Hoseok sayo para hindi ka masyadong mahirapang makipag-deal sa iba nating client doon" masayang sabi ko din sa kanya.
Matapos ang pag-oobserve namin sa mga ginagawang pagdisenyo ng mga bagong kotse na ilalabas ngayong taon, kailangan kase naming siguraduhing mabuti kung nasa ayos ba ang gawa nang mga tauhan namin para hindi magkaroon ng problema sa bawat mga buyer na bibili ng produkto namin.
***
Pag-uwi ko nadatnan kong umiiyak si Enzo habang karga ito ng bagong niyang yaya na si Wendy na nirekomenda ni Nayeon sa amin, hindi na kase pwede si Nayeon dahil nag-aasikaso na ito para sa nalalapit na kasal nila ni Hoseok ngayong taon.
"What happened to Enzo?" Tanong ko agad sa yaya nito.
Nang marinig naman ni Enzo ang boses ko lalo itong nag-iiyak at gustong magpakarga sa akin.
"Sir, nilalagnat po kase si Enzo, pinainom ko na siya nang gamot kanina, pero bumalik na naman yung lagnat niya ngayon, nung isang araw ganito rin siya" halata ko sa boses nito ang concerned niya kay Enzo.
Mabilis akong lumapit dito upang kargahin ito. Niyakap ko ito at pilit na pinapatahan. Mainit nga ang balat nito nang dumampi sa akin. Agad akong nag-worried para kay Enzo.
"Si Jennie, tinawagan mo na ba alam na ba niya?" Magkakasunod na tanong ko sa yaya ni Enzo.
"Hindi ko po kase siya makontak" mabilis na sagot din nito sa akin.
"Tawagan mo yung doctor ni Enzo papuntahin mo dito para matignan siya" utos ko sa kanya, mabilis naman nitong ginawa ang inutos ko, minabuti kong iakyat nalang si Enzo sa kwarto nito upang ihiga.
Iniakyat ko nga si Enzo pero umiiyak pari ito, ayaw din nito uminom ng gatas na pinagtatakhan ko dahil si Enzo ang klase ng bata na malakas sa gatas.
"Enzo, why are you crying? Does anything hurt? Tell daddy where it hurts" Mahinahong tanong ko sa kanya, habang nakahiga ito sa kama niya at ako na-naka-islide ang pag-upo na nakasandal sa headboard ng kama nito.
Pero imbis na sagutin niya ako iyak parin ito ng iyak at hinahanap na nito ang mommy niya. Napamura ako dahil sa inis kay Jennie at sa pag-aalala narin kay Enzo sa hindi malamang dahilan ng kung bakit ito umiiyak at ayaw ding uminom ng gatas niya.
Maya-maya bumukas ang pinto ng kwarto ni Enzo, At bumungad doon ang nag-aalalang mukha ni Jennie. Agad itong lumapit kay Enzo at hinalikan din ito,
"Bakit ba ngayon ka lang? Tinatawagan ka ni Wendy pero hindi ka niya makontak?" Mariin na tanong ko sa kanya.
"Nalobat yung phone ko" sagot namang niya agad sa akin. Naiinis na napatayo ako.
"Alam mo ba yang nangyayari kay Enzo Ha?" Pagalit na tanong ko sa kanya. "Syempre hindi di ba? dahil mas iniintindi mo yung takbo ng negosyo mo" Sarcastic na sagot ko sa sarili kong tanong.
Napamaang na napatingin sa akin si Jennie bago sumagot sa akin.
"Ano bang akala mo pinababayaan ko ang anak ko?" Pagalit din na balik tanong niya sa akin.
Bigla ang galit na bumalot sa dibdib ko kaya napataas na ang boses ko. "Bakit hindi ba? Ang sabi ni Wendy nung isang araw pa masama ang pakiramdam ni Enzo pero bakit hindi mo man lang naisip na dalhin si Enzo para macheck-up siya nang doctor niya"
Napatigil kami parehas nang dumating si wendy kasama na ang private doctor ni Enzo. Matapos bumati sa amin nito, Inumpisahan na nitong check-up in si Enzo, marami itong mga itanong kay Jennie pero kadalasan mas si Wendy ang nakakasagot sa mga itinatanong ng Doctor dahil na rin mas maraming oras na ito ang nakakasama ng bata.
Naghintay ako hanggang sa matapos ang check up nito, matapos ang observation ng doctor nito at sa mga sinabi na rin ni Nayeon, Sinabi ng doctor nito na may sore throah O pamamaga nang lalamunan si Enzo kaya nilalagnat ito at hindi makainom ng gatas at makakain ng maayos natural lang daw sa bata ang magkaroon nun kaya wala daw kaming dapat na ikabahala.
Pagkatapos nitong magreseta nang gamot nagpaalam na ito sa amin, hinatid naman ito ni Wendy pababa nang bahay.
"Enzo, do you want to sleep in Daddy's room?" Malambing na tanong ko, medyo naginhawaan na ito dahil sa pagspray ng gamot na ibinigay ng doctor nito sa kanya.
Tumango-tango naman ito at mabilis na ipinulupot ang maliliit na braso sa batok ko. Kaya binuhat ko na agad ito upang kargahin.
"Ako na magpapatulog sa kanya" Sambit ko kay Jennie na nakatitig lang sa akin. Hindi na nga ito nakapagsalita pa at hinayaan nalang na ilabas ko na si Enzo upang dalhin sa kwarto ko..
***
Jennie's pov;
Parang gusto kong maiyak kanina habang pinaparatangan ako ni Taehyung na isang pabayang ina at isa pang dahilan ang pag-aalala ko kay Enzo. Siguro nga naging pabaya akong ina kaya nagkasakit si Enzo nang hindi ko namamalayan.
Nakakainis lang na natataranta at kinakabahan na nga ako kanina nakuha pa akong sigawan ni Taehyung.
Pero alam kong nag-aalala lang naman ito kaya siguro nagawa niya akong sigawan kanina. Masaya ako na sobrang nag-aalala si Taehyung para kay Enzo, sa pagiging ama ni Taehyung kay Enzo alam kong wala akong maisusumbat dito dahil nakikita ko naman na sobrang mahal niya ang anak ko.. Sana lang nga dumating na yung araw na siya naman ang maging dahilan ko upang magmahal ulit..
~~~~~~~
🎵 Sometimes the snow comes down
in June
Sometimes the sun goes 'round
the moon
I see the passion in your eyes Sometimes it's all a big surpriseCause there was a time when
all I did was wish,
You'd tell me this was love
It's not the way I hoped or how
I planned
But somehow it's enoughAnd now we're standing face to face Isn't this world a crazy place?
Just when I thought a chance had passed You go and save the best for last.. 🎵SAVE THE BEST FOR LAST
By; Vanessa Williams
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...