Chapter 29 Say That You Love Me

49 3 0
                                    

💕Loving the person
that doesn't love you isn't wrong...its just painful... 💕

Taehyung's Pov;

Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Jennie sa loob ng opisina ko, pati na rin ang dalawang kliyenteng kausap ko.

Nasa mukha niya ang sobrang galit habang nasa likuran naman nito si Hoseok na mukhang kinakabahan sigurado akong tinarayan ito ni Jennie.

"I want to talk to you privately!" She said.

Napangiti naman ako sabay sulyap ko sa dalawang kliyente ko na nakamasid din kay Jennie.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na" I said, Then she glared at me at napatingin din sa dalawang kliyente ko.

Nagtataka namang napatingin sa akin ang dalawang kliyenteng kameeting ko na mukhang hindi na naging komportable dahil sa sitwasyon ngayon, Lihim naman akong nangingiti dahil mukhang alam ko na ang pinunta dito ni Jennie.

Napapikit ito at muling tumingin sa akin, sigurado akong nauubusan na ito ng pasensya.

"Are you sure na gusto mo talagang marinig nila ang pag-uusapan natin?" She said.

"Bakit hindi? Tutal inabala mo na rin lang kami lubus-lubusin mo na. " Kalmadong saad ko. Galit siyang nakipagtitigan sa akin na hindi ko naman iniwasan.

"Ang sama mo talaga! Paano mo nakayang sabihin sa Daddy ko ang pag-urong mo sa pagpapatakbo ng kumpanya namin? Ginagawa mo ba talaga ito para gumanti sa akin ha? Alam mong hindi ko kayang magpatakbo ng dalawang negosyo at hindi ko linya ang mga sasakyan" Pag-uumpisa nga nitong saad sa akin.

"You need to choose.. Ang kumpanya nang Daddy mo or ang sarili mong negosyo?" I said in a calmly tone of voice.

"You're crazy, hindi ko pwedeng iwanan ang negosyo ko!" Bigla pagtaas niya ng boses sa akin.

Napayuko naman ang dalawang kliyente ko at kunyaring nakatutok sa mga cellphone nila, Habang si Hoseok ay patuloy na nakamasid sa amin.

Napabox smile tuloy ako dahil sa mga nakikita ko.

"Anong nakakatawa Taehyung? Nang-iinis ka ba talaga? Bakit ba kailangan mo akong pahirapan ng ganito? " Nangigigil na mga tanong niya sa akin.

"Gusto mo sigurong iwanan ko na si Eun Woo kaya ginagawa mo ito, Di ba?" Pagkarinig ko sa pangalan ni Eun Woo biglang nawala ang ngiti ko at napa-seryoso ako ng tingin kay Jennie.

Binalingan ko ng tingin ang mga kliyente ko at kinausap ang mga ito.

"Let's Talk some other day, Hoseok pakihatid na sila." Utos ko kay Hoseok na para pang natauhan dahil sa pagkakatulala ng tingin kay Jennie.

Inantay ko munang magsialis ang mga ito at muling hinarap si Jennie na mataray na nakatingin sa akin.

"Huwag mo na ulit babangitin ang pangalan ng lalake mo dito sa loob ng opisina ko" I seriously said to her.

"Ilang beses ko bang uulit-ulitin sayo na hindi ko siya lalake!" Pasigaw na sagot niya sa akin.

Napatayo ako dahil sa inis sa kanya bago pagalit din siyang sinagot.

"At ilang beses ko rin bang uulit-ulitin sayo na ako ang asawa mo!"

Napatahimik naman saglit si Jennie nakita ko ang paghinga niya ng malalim iniiwas niya ang paningin niya sa akin sandali. Bago muling nagsalita this time naging mahinahon na siya na ipinagtaka ko.

"Okay, I give-up.. Mukhang wala ring namang mangyayari kung makikipagtalo pa ako sayo, yes it's true na asawa mo nga ako at asawa kita we are married at alam kong hindi ko na iyon mababago unless kung papayag kang makipag-divorce sa akin. But I know malabong namang mangyari" Mahabang lintanya niya nanatili lang din akong nakatingin sa kanya.

"Susubukan kong layuan si Eun Woo kung iyan talaga ang gusto ninyong mangyari ng Daddy ko, pero hindi mababago nun ang pagmamahal ko sa kanya at wag ka ring mangarap na kaya kitang mahalin" She said again in a cold tone.

Hindi ko naman alam kung anong dapat kong isagot sa kanya, I can't believe na sasabihin niya iyon sa akin. Ang sabihin niyang lalayuan na nito si Eun Woo. Humakbang na ito papunta sa pinto upang buksan nang muli siyang lumingon sa akin at nagwika.

"Saluhin mo na ulit ang kumpanya ng Daddy ko, Ayokong makitang bumagsak iyon ng dahil sa akin" Iyon lang at tuluyan na siyang lumabas ng opisina ko.

Napabuga naman ako ng hangin, Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang mga sinabi niyang iyon sa akin.. Dahil sa nakikita kong sakit sa mga mata ni Jennie pakiramdam ko mas doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bakit ba pagdating sa kanya parang mas gusto ko nalang palaging magpatalo? Ganon ko ba talaga siya kamahal?

~~~~~~~
🎵Kapag ako ay nagmahal
Isa lamang at wala nang iba pa Iaalay buong buhay
Lumigaya ka lang,lahat ay gagawin

Tumingin ka man sa iba Magwawalang-kibo na lang
itong puso ko
Walang sumbat na maririnig
Patak ng luha ko ang iniwang saksi

Bakit nga ba mahal kita
Kahit di pinapansin ang
damdamin ko
Di mo man ako mahal,
heto parin ako
Nagmamahal nang tapat sa'yo

Bakit nga ba mahal kita
kahit na may mahal ka mang iba Ba't baliw na baliw ako sa'yo Hanggang kailan ako magtitiis O,bakit nga ba mahal kita?... 🎶

BAKIT NGA BA MAHAL KITA
By; Sarah Geronimo
(Cover Song)

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon