Chapter 24 Say That You Love Me

53 4 0
                                    



💕 One of the best feeling..
in the world is
When you hug someone
you love,
And they hug you back
Even more tighter... 💕


Jennie's pov,

Kinabukasan nakatanggap ako ng tawag mula kay Eun woo, Habang nasa designing area ako tumawag ito upang ipaalam ang pagdating niya.


Ang sabi pa niya susunduin nalang niya ako sa Office building namin ni Lisa dahil gusto nitong magdinner kami sa labas para hindi na din ako magluto pagdating namin sa apartment niya.


Na sinang-ayunan ko naman kahit dalawang araw lang kaming hindi nagkita sobrang namimiss ko parin siya.


Pinuntahan ko si Lisa sa stock room upang ipaalam dito ang pagsundo sa akin ni Eun Woo ngayon. Nakita ko itong abala sa pag-aayos ng mga product namin na natapos na kasama ang tatlong staff namin na inaassist niya sa mga dapat gawin.

"Lisa! " Masiglang tawag ko sa kanya. Nakangiti naman itong napalingon sa akin.

"Bakit mukhang masaya ka? " Nakangiting puna niya sa akin.

"Ahm, dumating na si Eun Woo, pupunta siya rito mamaya para sunduin ako, magdi-dinner narin kami sa labas." Masayang Inform ko kay Lisa.

"Haist, kaya pala. " Nakapout na sabi pa ni Lisa.

"Okay lang bang magdinner kayo sa labas? " Bigla ang pagseryosong tanong niya sa akin.

"Bakit naman hindi magiging okay?" Tanong ko kahit na alam ko naman ang dahilan.

"Jennie, nasa business world si Taehyung kilalang tao siya, at maraming kakilala si Taehyung, baka mamaya kase may makakita sa inyong dalawa ni Eun Woo." Nag-aalalang sabi pa nito.

"Alam ko, pero hindi naman pwedeng lagi nalang kaming nagtatago ni Eun Woo, Kung gusto nila ako pag-isipan ng masama, I don't care really, ang Importante makasama parin kami ni Eun Woo." Kalmadong sagot ko sa kanya.

Napangiti ito ng malapad at niyakap ako.

"Masaya ako na ikaw ang minahal ng kapatid ko, sana lang dumating na yung time na maging Okay na ang lahat para mas maging masaya kayong dalawa." Madamdamin sabi pa nito.


Dumating nga si Eun Woo umakyat muna sa office namin para narin makita ang kapatid niyang si Lisa.

"Bakit si Jennie lang ang niyaya mong mag-dinner? " Tampo kunyaring tanong nito kay Eun Woo pagkakita niya.

"Ma-iingit kalang sa amin ni Jennie, tapos magagalit ka kapag nakita mong naglalambingan na kaming dalawa sa harap mo." Nangingiting saad naman ni Eun Woo sa kanya.

Sinimangutan lang siya ni Lisa. Muli namang nagpatuloy sa pang-iinis si Eun Woo dito.

"Bakit kase hindi ka na mag-boyfriend para naman may mag-aaya sayong mag-dinner"

"Okay na ako kahit walang mag-aya sa aking mag-dinner ang mga lalake sakit lang kayo sa ulo,"Nakasimangot na sagot ni naman niya kay Eun Woo.


Bigla ko tuloy naalala nang ikuwento nito ang nangyari last night sa bar kung saan nagkita ang mga ito at si Jungkook, mabilis daw niyang iniwan si Jungkook, dahil para na daw siyang hihimatayin sa sobrang kaba at lakas ng pintig ng puso niya.


Ewan ko ba sa kanya, mahal pala nito si Jungkook pero pilit niyang nilalayo ang loob niya sa taong iyon.. Hindi ko masisisi si Lisa dahil sa pagkakaalam namin ngayon walang siniseryosonh babae si Jungkook at natatakot lang si Lisa na baka masaktan lang ito kay Jungkook.

"Sige na, sige na umalis na kayong dalawa. " Nakasimangot na taboy na niya sa aming dalawa ni Eun Woo. Natatawa ko nalang itong hinalikan sa pisngi at ganon din si Eun Woo.

"Saan ba tayo magdi-dinner? Masayang tanong ko kay Eun Woo habang papunta kami sa nakaparadang kotse nito.

"Saan ba pwede? " Nakalabing balik tanong niya sa akin.

"Ikaw ang nagyaya tapos ako ang tatanungin mo! " Sabi ko.

" Garden restaurant? Okay lang ba, wala kaseng masyadong tao doon atsaka tahimik. " Sabi niya, Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, bigla akong nakaramdam ng lungkot,


Naalala ko din bigla na dati kahit saang restaurant pwede kaming kumain na dalawa, malaya kaming pwedeng maglakad sa mga kilalang lugar,


Pero ngayon.. nakakalungkot lang na limitado na ang mga lugar na pwede naming puntahan nang dahil narin kay Taehyung.

"Bakit bigla kang nalungkot diyan? Ayaw mo ba sa garden restaurant? "Worried na tanong niya sa akin.

"Wala, kahit saang restaurant pa tayo kumain, okay lang sa akin basta magkasama tayong dalawa kuntento na ako doon." Malungkot na sagot at ngiti ko sa kanya.


Para namang alam na niya ang dahilan dahil mabilis niya akong niyakap ng maghigpit Then he whispered something to me.

" Don't worry too much, about the two of us, ang importante sa akin ako ang mahal mo at kasama kita. Kahit alam kong hindi dapat." He said, na nagpaiyak sa akin.


~~~~~~~

🎵 I can't face the
Thought of you leaving
So take me along
I swear I'll be strong

(If/when) you take me
Wherever you go
I wanna learn the things
That you know
Now that you
Made me believe

I want you to take me
'Cause I long to be able
To see the things That you see
know that whatever you do
I'll follow you.. 🎶

TAKE ME I'LL FOLLOW
By; Bobby Caldwel

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon