💕 Love is a language spoken by everyone but understood only by the heart.. 💕
Taehyung's pov;
Napahinto ako sa ginagawa kong pagpirma sa mga papeles na nasa ibabaw ng table ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko.
Agad na tinignan ko ang caller napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Tzuyu. Pero sinagot ko parin iyon.
"Tzuyu, napatawag ka?" I asked.
["Taehyung, sorry naistorbo ba kita?"] She said in a sweet tone of her voice.
Napailing ako na para bang nakikita niya ako bago ko siya sinagot. " No, hindi naman, may problema ba?" Tanong ko din.
["Ahm, balak ko sanang bumili ng bagong kotse, dahil negosyo mo naman yan at alam mo naman siguro kung anong babagay sa akin di ba?"] Mahabang saad niya sa akin.
"Ah, ganon ba, well, mayroon kaming shop na pwede mong tignan nang mga bago naming disenyong kotse, If you want, pasasamahan nalang kita kay Namjoon" Saad ko sa kanya,
Hindi ko lang alam kung nararamdaman niya na gusto ko siyang iwasan, pagkatapos kase nang pagtatalo namin ni Jennie nung nakaraang araw naisip kong mas makakabuti sigurong iwasan ko na ito hanggat maaga, lalo na at mukhang pinagseselosan ito ni Jennie, delikado rin kase kay Jennie ang makaramdam ng stress dahil sa pagbubuntis nito.
["Pwede bang... ikaw nalang Taehyung, I mean, mas magiging komportable ako magtanong sayo kahit paulit-ulit?"] Pagpupumilit pa nito, narinig ko din ang pagtawa niya.
I sighed, before I said yes to her. Dahil alam kong mukhang kukulitin lang ako nito. Pagkatapos nitong magbigay ng scheduled kung kailan siya bibili ng bagong kotse mabilis ko nang tinapos ang pag-uusap namin.
***
After two days, Sinundo ko nalang si Tzuyu sa restaurant nito, para sabay na kaming pumunta sa shop namin na binabagsakan din namin ng mga bagong luxury car. Pagkapasok namin sa shop halos napapatingin ang mga staff ko na nagtatrabaho dito, paano ba namang hindi. Tzuyu's Wearing fitted Red Spaghetti Strap, na tinernuhan nito ng isang fitted na maong jeans, with red high heels at talagang lumitaw ang kurba ng katawan nito.
Aaminin kong napahanga ako sa kanya nang sinundo ko ito kanina sa restaurant, pero hanggang doon lang iyon dahil wala naman akong kakaibang maramdaman dito katulad ng kay Jennie.
Marami rin kaming kotse na puro dekalidad ang mga nakadisplay dito, ako na mismo ang nag-eexplaine kay Tzuyu kung saan nababagay at kung anong kapasidad ng bawat sa sasakyan na tinitignan niya.
Hindi naman mawala ang ngiti sa mga labi nito habang panay ang salita ko.
Kung ibang lalake siguro ako at hindi ko mahal si Jennie malamang magugustuhan ko ito si Tzuyu, pero dahil si Jennie lang talaga ang hinahanap at inaasam ko, balewala na sa akin ang mga magagandang babaeng nakikilala ko.
Halos tatlong oras din bago nakapili si Tzuyu ng sasakyan.
Isang BMW 5-series F10 ang nirekomenda ko sa kanya dahil sa tingin ko iyon ang nababagay para kay Tzuyu.
Matapos ang ilang mga papeles na pinirmahan nito upang mapasakanya na ang sasakyan. Pero kailangan pa nitong itest drive iyon at muli na naman itong naki-usap sa akin, dahil sa costumer ito kaya napilitan akong tanguan ito kahit na ba mayroon talaga akong tauhan na gagawa nun.
Jennie's pov;
Papunta sana ako sa playing room ni Enzo nang pagpasok ko doon nakita ko si Taehyung na nakatalikod at may kausap sa phone nito. Balak ko na sanang umalis nang bigla akong napatigil nang marinig ko ang pangalan ni Tzuyu na binanggit ni Taehyung kaya imbis na umalis ako nakapagtatakang nanatili akong nakatayo doon at matamang na nakinig sa pag-uusap nila.
"Okay, sige Tzuyu, dadalhin ko nalang sa restaurant mo, para diretso na tayo" narinig kong sabi pa ni Taehyung. Hindi parin nito nararamdaman ang presensya ko kaya nang napaharap ito sa akin nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha nito.
"J-Jen" sambit niya.
Mapakla akong napangiti nang marinig ko ang pangalan ko.
"M-May la-kad ka-yo ni Tzuyu?
Kandautal na tanong ko sa kanya at bakit ba ako nauutal ng ganito?
"Ahm, Oo" atubiling pagsagot niya sa akin. "Bumili kase siya ng kotse sa shop namin, ka-ilangan pa kaseng itest drive yun,"
"At ikaw ang gagawa nun?" Marahan itong tumango sa akin bilang sagot. "Mukhang hindi ka ya-ta busy at pwede ka pa ngayong magtest drive para sa kanya, may tauhan ka naman na ga-gawa nun di-ba?"
Pakiramdam ko parang gumaralgal pa ang tono ng boses ko ng sabihin iyon..
~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...