Chapter 91

87 3 0
                                    


💕 Love on its own is nothing without the heart, the hand, and the head to guide it to its destiny.. 💕


- Pagdating ko sa hospital naabutan kong nakaupo si Jimin katabi si Jungkook naparehong mga nakayuko at si Namjoon nakayuko din na nakatayo sa gilid ng isang pintuan.

Mabagal akong naglakad palapit sa kanila, sa nakikita kong itsura ng mga ito dama ko ang lungkot, takot, at pag-aalala para kay Taehyung at nang malapit na ako sa kanila, napaangat ng tingin si Jimin nang maulinigan siguro niya ang mga yabag ko. Tumayo ito at lumapit na sa akin.

Napansin ko ang pamumula ng mga mata nito na tanda na matagal na nitong pag-iyak.

"W-Where is he?" Tanong ko agad sa kanya, hindi ko napigilan na gumaralgal ang tono ng boses ko.

Nagsisimula na namang pumatak ang mga luha ko, gustuhin ko mang magpakatagtag, pero mukhang hindi ko kakayanin.

"Na sa loob na siya" Malungkot na sagot niya sa akin.

Napayuko ito at malalim na napabuntung-hininga bago muling tumingin sa akin.

"Jen, Taehyung is in very bad shape. He was badly injured, The doctor said he has bleeding in her brain along with broken bones" mahinang sabi niya sa akin, habang ako nakatitig lang at nakikinig sa kanya.

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Jimin nang muli itong magsalita.

"A-Ang sabi pa ng Doctor pwede raw ma-" napatigil ito saglit at muling yumuko upang punasan ang mga luha niya.

Kaya naman lalo akong napaiyak sa nakikita ko kay Jimin, naiisip kong malala ba talaga ang nangyari kay Taehyung para maging ganito si Jimin, pero muli itong nagsalita upang sagutin ang mga tanong na pumapasok sa utak ko.

"He will be comatose kapag hindi siya nagising ng 24 hours" buong tatag na sinabi iyon ni Jimin sa akin, habang nakatitig siya ng tuwid sa mga mata ko. "At bago siya nawalan ng malay narinig ko ang pangalan mo na binanggit niya"

Napaawang ang mga labi ko gusto kong magsalita pero pakiramdam ko parang nalunok ko ang dila ko at bakit parang wala rin akong maramdaman, bigla akong nawalan ng lakas at muntikan pang bumagsak kung hindi lang nahawakan ni Jimin ang dalawang braso ko.

Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin. At doon bumuhos ang mga luha ko sa balikat niya.

Sa pangalawang pagkakataon muli ko na naman itong naramdaman ang walang kapantay na sakit na parang pakiramdam ko pilit tinatanggal ang puso ko sa katawan ko. Ang sakit..

Alam ko na ang ganitong pakiramdam dahil nung mawala si Eun Woo ganito rin ang naramdaman ko.

Pero bakit parang mas masakit ang nangyayari ngayon sa akin sa pangalawang pagkakataon, mas hindi ko matatangap kapag may nangyaring hindi maganda kay Taehyung.

Marami pa akong gustong gawin na kasama siya, paano na ang mga anak namin kapag may nangyari sa kanya, hindi ko kakayanin na hindi siya ang makakasama kong magpalaki sa mga anak namin.

At mas hindi ko kakayanin kapag nawala siya dahil marami pa akong gustong sabihin sa kanya, katulad ng
Mahal ko na siya..

Hindi ko alam kung kaya kong lumapit ngayon kay Taehyung, I can't believe na sa isang saglit lang makikita ko siya ngayon na nakahiga habang maraming aparatong nakakabit sa kanya.

Ayoko siyang makitang ganito!

"Jen, ikaw lang ang pwedeng makatulong kay Taehyung. Tell him na kailangan niyang lumaban, tell him na gumising na siya, I know, he will listen to you because he really loves you so much"

Napapikit ako nang muli kong maalala ang sinabi na yun ni Jimin sa akin kanina. Sa muling pagdilat ko, pilit kong pinatatag ang sarili ko kahit na ba nararamdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko at panginginig ng katawan ko.

Umiiyak ako kasabay ng mabagal na paglalakad ko palapit sa kama kung saan nakahiga si Taehyung.

Habang palapit ako sa kanya, biglang parang nagflash-back sa akin ang lahat ng mga alaala nito.

Yung una naming pagkikita noong college palang kami, Yung mga panahon na nagtapat ito sa akin na mahal niya ako.  Ang pagpili ko kay Eun Woo, alam ko na sobra itong nasaktan.

And after that, ang pagpapakasal namin na hindi ko ginusto,.

Ang muli kong pagpili kay Eun Woo imbis na yung pagsasama naming dalawa bilang mag-asawa,

Ang ilang beses nitong pag-iyak sa harapan ko.

Ang ilang beses kong pagtataboy sa kanya.

Ang paulit-ulit ko pagsasabi na hindi ko siya kayang mahalin at walang ibang lalake na pwedeng pumalit kay Eun Woo sa puso ko.

Ang pagmamahal nito na hindi ko nakikita dahil sa labis na pagmamahal ko noon kay Eun Woo.

Ang pagmamahal nito sa anak ko kay Enzo.

Bakit ba lahat ng iyon hindi ko nakikita? Bakit ba hindi ko nakikitang nasasaktan na siya ng sobra sa piling ko? , but instead na iwan niya ako, mas pinili nitong manatili sa tabi ko at ipaglaban ang pagmamahal niya sa akin,

Hinayaan niyang tapakan ko ang Ego niya bilang lalake, dahil bakit?

Just because he loves me more than his life.. and now I can see clearly kung anong yung pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Na dapat ay matagal ko nang sinuklian ng pagmamahal din.

And now, I know in my heart that I love him! at hindi ko na pala kayang mawala siya sa buhay ko.

~~~~~~~

🎶You give me strength
when I start to worry
Fetching me down when I start
to hurry
Building me up with love
and affection
When I'm in danger
you're my protection
And I am the one
you can depend upon
I'll always treat you right
never do you wrong
Just feel this love burning
inside of me
It's gonna last for eternity

Sometimes you're afraid,
I won't be there for you
But through it all
I'll always cherish you
You're my angel
sent down from heaven
And I'll make sure you'll never be blue Baby,

I love you, ooh ooh baby,
I need you, yes I do

And when I die,
I'll keep on living
You'll always have
my love seeing you through
I'll be your angel up in heaven forever all my love will shine down on you Baby,

I love you, ooh ooh baby,
I need you, yes I do Girl.. 🎶

WHEN I DIE
By; Milli Vanilli

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon