💕 Being in-love with someone who doesnt want you is the worst feeling ever... 💕
Taehyung's Pov;
"Fuck! " Naiinis na sambit ko habang nasa loob ng kotse ko, nandito parin ako sa tapat ng building ng opisina nila Jennie.
Malalim akong napabuntong-hininga, pagkatapos nang pagtatalo namin ni Jennie saka ko lang narealise na dapat pala mas hinigpitan ko siya at dahil asawa ko siya karapatan ko talaga iyong gawin at ang pakikipagkita nito kay Eun Woo ay hindi na dapat pang ginagawa ni Jennie.
Alam kong hindi tama na gamitin ko ang kumpanya nila para mapasunod lang si Jennie but I have no choice, kaya kahit labag sa kalooban ko kailangan kong i-give up ang pag-memerge ng kumpanya nila sa akin.
Pero paano ko pipigilan si Jennie kung si Eun Woo talaga ang tinitibok ng puso nito?. Napalunok ako at napakurap-kurap dahil nakakaramdam ako ng panlalabo ng paningin dahil narin sa nagbabadyang pagpatak ng mga luha ko na kailangan kong pigilan kahit na parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit.
Matamlay kong pina-andar ang makina ng kotse ko para makaalis na sa lugar na ito, naisip ko bigla si Jimin at Jungkook malamang malasing ko na naman ang dalawang yun.
***
Jennie's pov;
Kinabukasan...
Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko, naiirita kong inabot iyon at sinagot ng pabalang nang hindi ko na inabala pa ang sarili ko upang alamin kung sino man ang tumatawag.
Kaya parang nagising ang buong diwa ko nang makilala ko ang boses na yun. Boses ng Daddy a na may galit habang nagsasalita.
["Jennie, ano bang kalokohan ang pinag-gagawa mo at iniurong na ni Taehyung ang pagmemerge ng company natin sa kanya? Pumunta ka ngayon dito sa bahay at dito tayo mag-usap! ]
Yun lang at mabilis na inend call ng Daddy ko ang pakikipag-usap niya sa akin. Para naman akon na-shocked pagkarinig ko nun.
Napatawa ako bigla ng pagak, nang maisip kong tinotoo pala ni Taehyung ang sinabi niya sa akin kahapon. Saka lang ako mabilis na kumilos upang puntahan ito sa kwarto niya upang kausapin pero pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya ay wala na ito doon, Hindi ko din alam kung umuwi ba ito kagabi dahil pag-uwi ko wala pa daw ito sabi ng maid namin.
Naiinis na isinara ko ng malakas ang pintuan ni Taehyung at muli akong bumalik sa kwarto ko upang maligo at puntahan ang Daddy ko, at ano naman kaya ang sasabihin ko sa kanya, Siguradong magtatanong ito kung bakit naisipan ni Taehyung na umurong na sa pag-iisa ng kumpanya namin at nang kumpanya nito?
At ano naman kaya ang sinabi ni Taehyung sa Daddy ko?
"Damn you Taehyung!" Galit na sabi ko habang nakatapat sa malakas na daloy ng tubig mula sa shower.
Nagmamadali na akong naligo.. Pag-natapos kaming mag-usap ng Daddy ko susugurin ko talaga si Taehyung sa kumpanya niya.
Mabilis akong nakarating sa bahay namin, Pag-ganito kaseng galit na ang Daddy ko kailangang puntahan ko ito agad dahil baka tuluyan na itong mamuhi sa akin at hindi na ako kilalaning anak niya na ayokong mangyari, mahal ko ang parents ko especially ang Daddy ko mas close ako sa kanya kesa sa Mommy ko, But lately madalas kaming magtalo nito at hindi magkasundo simula nang ikasal ako kay Taehyung hindi na kami katulad ng dati. Ang dami talagang nasira nang dahil lang sa pagpapakasal namin ni Taehyung.
Pagpasok ko sa malaking bahay namin, sinalubong agad ako ng Mommy ko nakangiti niya akong niyakap naging madalang na din ang pagpunta ko dito sa bahay namin dahil naging abala na ako sa negosyo namin ni Lisa at dahil na rin nakatuon ang atensyon ko kay Eun Woo na mas ginusto kong makasama sa tuwing wala itong flight.
"Kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo, pumunta ka na sa Liblary nandoon siya." Bungad na sabi ng Mommy ko sa akin at medyo napalitan na ng kaba ang pag-ngiti niya sa akin, Siguro alam na rin niya ang mangyayaring pag-uusap naming mag-ama.
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto ng Mini liblary na ginawa ding opisina ng Daddy ko.
Pagbukas ko nadatnan ko itong nagbabasa ng mga papeles. Bahagya naman akong sinulyapan lang niya at muling ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng mga papeles.
"Dad." Sambit ko habang mabagal na lumalapit dito.
Dahil dun, itinigil niya ang pagbabasa sa mga papeles at itinuon ang atensyon sa akin. Nakikita ko sa mga mata nito ang nagbabadyang galit sa akin.
"Ang sabi ni Taehyung, Ikaw na daw ang hahawak ng kumpanya natin kaya hindi na niya itutuloy ang pagmemerge nito? At humihingi ka rin ng divorce sa kanya? Is it true?" Pagalit at may diin ang bawat salitang binibitiwan na tanong niya sa akin, Bigla namang napaawang ang mga labi ko nang marinig ko iyon. Sinasabi ko na nagsumbong talaga ang lalake na yun.
"Dad." I tried to explain myself pero pinutol na niya ang dapat sanang sasabihin ko.
"At ano namang pumasok sa kokote mo para gawin iyon? Dahil ba kay Eun Woo? Hanggang ngayon ba may relasyon parin kayo?" He starting to raise his voice angrily. habang magkakasunod na itinatanong iyon sa akin.
"Iyan ba ang sinabi ni Taehyung sa inyo? Dad, ako ang anak nyo bakit pakiramdam ko yata ngayon mas nasa panig kayo ng lalakeng yun? Yes I want a divorce with him at alam nyo ang dahilan ko" Pagalit din na sabi ko.
"Bullshit Jennie! Until now mahal mo parin ang pilotong yun? At anong sa tingin mo ang magiging buhay mo sa kanya kung siya ang pinakasalan mo? Mabibigay niya ba ang lahat ng gusto mong bagay? At anong Maipapakain niya at sa magiging mga anak nyo ang mga eroplanong pinalilipad niya?" Pag-mamaliit pa nito sa trabaho ni Eun Woo.
Alam ng Daddy ko na hindi ganon kayaman ang pamilya ni Eun Woo, Nabaon din kase sa utang ang pamilya nito. Ang negosyo ng Daddy ni Eun Woo ay nasa construction firm hindi na iyon nagawang maisalba ni Eun Woo dahil wala rin doon ang puso nito pangarap talaga ni Eun Woo ang maging isang piloto. Si Lisa naman ay naisip niyang isosyo sa business niya upang makatulong din siya sa mga ito.
"Marangal ang trabaho ni Eun Woo Dad, at kung siya man nakatuluyan ko hindi na ako maghahangad ng ano pa man" Kalmadong sagot ko sa kanya.
"Really? Huwag mong antayin mawala kay Eun Woo ang sinasabi mong marangal niyang trabaho at mukhang nakakalimutan niya na rin kung sino ka na ngayon, Gusto mo bang ipaalala ko pa iyon sa kanya?" He said in a sarcastic tone at para pang may kalakip na pananakot.
"What do you mean by that?" Nagagalit na tanong ko sa kanya. Kahit na alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. I can't believe na kaya niya talagang gawin iyon sa akin na nag-iisa niyang anak wala ba talaga itong paki-alam sa kaligayahan niya mas importante ba talaga dito ang kumpanya namin?
"Ayoko nang malalamang nagkikita kayong dalawa ni Eun Woo or else hindi mo magugustuhan ang pwede kong gawin. " Seryoso at madiin niyang pang saad sa akin, hindi man niya derektang sinagot ang tanong ko sapat nang alam kong may binabalak nga ito.
"Mahal ko si Eun Woo at hindi na magbabago pa yun Dad, kahit na pilitin nyo pa kaming maghiwalay, at si Taehyung pumayag akong magpakasal sa kanya dahil iyon ang gusto nyo para isalba ang kumpanya natin, I sacrificed my happiness ang relasyon namin ni Eun Woo, dahil mahal ko kayo kaya sinunod ko ang gusto nyo, Pero bakit parang somosobra na kayo? Hindi ninyo kailangang idamay ang trabaho ni Eun Woo" Naiiyak na saad ko sa kanya.
Pagkatapos ay tinalikuran ko na ito. Hindi ko na kaya pang tignan ang Daddy ko dahil pakiramdam ko ibang tao na ang kaharap ko, mas lalo akong nakaramdam ng galit kay Taehyung dahil sa kanya nag-iba na ang lahat.
~~~~~~~
🎵 Naiinis na ako sa iyo
Bakit mo ba ako ginaganito?
Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo?Ano pa bang dapat na gawin pa
Sa 'king pananamit at pananalita Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghanga at pagtingin
Sa iyoWag mo na sana akong pahirapan pa Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin
mo na
Wag mo na sana akong ipaasa
sa wala
Oo na mahal na kung mahal kitaAno pa bang dapat na gawin ko Upang malaman mo ang
nadarama ko
Upang iyong mapag-bigyang pansin ang aking
paghahanga at pagtingin
Sa iyo.. 🎶SA IYO
By; Parokya ni Edgar......
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...