💕The saddest thing about this whole love thing is that you could do everything right and
still not be the one.. 💔Taehyung's pov;
"Jin!" Tawag ko sa pangalan nito habang busy itong nakikipag-usap sa fiancee nitong si Jisoo. Napaangat naman ang tingin niya sa akin at malapad na napangiti.
"Taehyung." Masayang sambit din niya sa pangalan ko, umupo ako sa kabilang side ng lamesa.
Andito kami sa isang restaurant, tinawagan ako nito kanina na gusto niyang makipag-kita sa akin, I didnt expect na kasama pala nito si Jisoo.
"Hi Jisoo" Nakangiting bati ko. Na sinuklian din naman nito ng isang ngiti. "Kamusta ang partnership ninyo ng asawa ko at ni Lisa?" Masayang bungad na tanong ko sa kanya.
"Okay naman, marami akong costumer na gustong-gusto ang mga shoes na gawa nila." Wika nito. "Oh, by the way, how's Jennie? Last time na nagkita kami medyo malaki na ang tiyan niya, nakaka-inggit nga kase ang ganda niya parin kahit buntis na siya." Natutuwang dagdag pa ni Jisoo sa akin.
"Hayst, kapag ikaw din ang nabuntis siguradong maganda ka parin." Singit naman ni Jin sa amin.
Napairap naman si Jisoo kay Jin pagkasabi nun.
"Alam mong mahirap para sa akin ang magbuntis." Biglang lumungkot ang tono ng boses ni Jisoo nang sabihin niya iyon.
Sa pagkakaalam ko merong problema sa ovary si Jisoo pero hindi naman daw iyon ganon kalala kaya may posibilidad parin naman daw na mabuntis ito, kaya lang hindi katulad ng ibang babae na pwedeng manganak ng sunod-sunod dahil sa sitwasyon ni Jisoo na matagal muna bago makabuo ng baby.
Napatikhim ako bago muling nagsalita upang maiba ang ihip ng hangin dahil sa biglang sinabi ni Jin kay Jisoo.
"Bakit ba nag-aya kang makipagkita sa akin ngayon ha, Jin?" Tanong ko nalang sa baliw na pinsan kong ito.
Napaayos din ito ng upo bago sumagot sa akin. "Ahm, malapit na yung wedding namin, gusto ko sana bago kami ikasal baka pwedeng.. Regaluhan mo naman kami kahit isang kotse lang diyan! Hahahha." Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya na sinamahan pa nito ng nakaka-buwiset na pagtawa.
"Tss, pinapunta mo ako dito para lang diyan? Baliw ka talaga!" Naiiritang saad ko sa kanya, habang patuloy lang ito sa pagtawa na ikinatawa narin ni Jisoo. "Haist, Jisoo ano bang nakita mo sa lalake na yan at pumayag kang magpakasal sa siraulong yan?" Nakasimangot na tanong ko kay Jisoo.
Bigla naman napaseryoso si Jin dahil sa sinabi ko.
"At sino naman nagsabi sayo na siraulo ako ha? Kung siraulo ako dapat siraulo ka din dahil magpinsan tayo!"
"For your information ikaw lang ang nag-iisang siraulo sa pamilya natin, Nakakahiya ka!" Pang-iinis ko din sa kanya, sabay abot ko ng baso na may lamang wine upang inumin.
"Yahh, Taehyung!" Sigaw niya sa pangalan ko. Natatawa naman ako dahil sa reaksyon ng mukha niya.
"Pwede ba tumigil na kayo, nakakahiya sa mga tao." Pagsaway ni Jisoo sa amin na nakangiting inilingon ang paningin sa paligid namin.
Bigla naman tumigil si Jin at umayos. Bago muling nagsalita.
"Dapat kase isinama mo dito si Jennie, Next time ulitin natin ito mag-dinner tayo para naman hindi puro trabaho ang inaatupag natin." Seryosong saad na nito sa akin.
"Okay." Nakangiting pagsang-ayon ko sa kanya.
Si Jennie, sana nga lang maging maayos ang panganganak nito, ngayon palang nakakaramdam na ako ng nerbiyos para sa kanya.
.................
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...