💕 If you really
Love that person,
learn to wait.
Maybe you are
not meant to be
Together for today
But meant to be
in the future..💕- ["My god Jennie, where are you? Have you forgotten that your engagement party is today? Kanina pa nag-hihintay si Uncle sayo!"] Exaggerated na sabi ni Rose pagkasagot ko sa tawag niya.
Medyo nailayo ko pa ang hawak kong cellpone sa tainga ko dahil sa napalakas ang boses ni Rose habang sinasabi niya iyon.
"Oh, really? Sorry I forgot" Matabang na sagot ko sa kanya.
Alam ko namang ngayon ang engagement party namin ni Taehyung, at paano ko naman makakalimutan iyon, dahil parang isang masamang panaginip iyon na mahirap kalimutan. Sinadya ko lang talagang magpa-late ng konti, kung masasabing konti yung halos mag-dadalawang oras na akong nakatunganga dito sa isang park malapit sa sea side.
Almost one week na kaming hindi nagkikita ni Eun Woo, we decided na hindi muna magkita hangga't hindi pa natatapos ang kasal namin ni Taehyung, kahit mahirap ito para sa aming dalawa ang sabi pa niya, ayaw niyang makarinig nang balita tungkol sa nalalapit naming pagpapakasal ni Taehyung. Mas makaka-buting lumayo na muna siya dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili niya at makagawa siya ng isang bagay na pwedeng makasira sa kasal naming dalawa ni Taehyung. At alam kong ayaw niyang malagay ako sa malaking eskandalo.
["What!"]
Napabalik ang diwa ko sa malakas na sigaw na iyon ni Rose mula sa cellpone.
["Jennie, pumunta ka na dito ngayon din! Mukhang hindi na maganda ang mood ng Daddy mo ngayon dahil marami nang mga bisitang dumarating at nagta-tanong sayo. Nandito narin ang parents ni Taehyung, at ang sabi ng parents niya on the way na daw si Taehyung dito, So, ikaw nalang ang hinihintay namin."] Tuloy-tuloy na salita nito sa akin. na parang natataranta na nga.
Rose is my first cousin at kahit sobrang close naming dalawa kahit kailan ay hindi nito ginusto si Eun Woo para sa akin, Although hindi niya iyon sinasabi mismo sa akin pero nararamdaman ko naman iyon.
" Pwede ba Rose, don't worry too much about it, baka imbis na sa engagement party ako pumunta eh, dumeretso ako nang hospital dahil baka biglang kang atakihin." Biro ko sa kanya, para mabawasan ang tensyon nito.
"You're crazy, Oh, Taehyung is here now," Inform pa niya sa akin.
"Pumunta ka na dito bilisan mo na kung ayaw mong mapahiya ang Daddy mo sa harap ng mga tao dito." She said, then she hang-up the phone.
Malungkot nalang akong napangiti. This is it!.. Wala na talagang atrasan ito ikakasal na ako sa lalake na kahit minsan ay hindi ko nakuhang mahalin tapos ngayon ikakasal ako sa kanya. Napabuntong-hininga nalang ako at napatingala, bigla ko na namang naalala si Eun Woo, maski ang pagtawag sa isa't-isa ay iniiwasan naming dalawa. Napapikit ako at hinayaan kong dumaloy ang mga luha sa pisngi ko. Ang mga luha para sa aming dalawa ni Eun Woo.
***
Taehyung's pov;
Kahit kinakabahan sa kalalabasan ng engagement party na ginawa ng parents ko para sa aming dalawa ni Jennie, pinilit kong paring maging pormal sa harap ng mga kasosyo at kaibigan namin sa business world na kinabibilangan ko at ng Daddy ni Jennie.
Magalang akong yumuko sa parents niya, hindi na ako nagtataka kung bakit wala pa siya dito, alam ko namang simula't sapol ay hindi nito gugustuhin ang magpakasal sa akin lalo na at nasa isang relasyon parin si Jennie sa lalake na minsan ko ding naging kaibigan si Eun Woo.
Nasira ang pagkaka-ibigan naming dalawa ni Eun Woo nang dahil kay Jennie, Nagtapat din kase sa akin ito na gusto niya si Jennie hindi ko rin naman masisi si Eun Woo kung ma-inlove din ito kay Jennie dahil si Jennie ang babaeng madaling mahalin. At dahil magkaibigan kami sinabi naming parehas na walang samaan ng loob.
Si Jennie ang babaeng una kong minahal. Pero mas pinili nitong mahalin si Eun Woo kaysa sa akin, kahit alam na ni Jennie na matagal ko na siyang mahal, hindi ko alam kung anong nakita niya kay Eun Woo na wala sa akin.
Nabalitaan ko nalang na sinagot na ito ni Jennie, kahit masakit sa akin pinilit kong tanggapin, pero nang gabi ring iyon nilunod ko ang sarili ko sa alak kasama si Jimin at Jungkook..
Nakita nila kung gaano ako nasaktan nang malaman kong si Eun Woo at Jennie na. They saw how hurt I was when I found out that Eun Woo and Jennie are officially in a relationship.
At ngayong Ikakasal kami. I don't know if its right? Hanggang ngayon aaminin kong mahal ko parin siya. Sa anim na taon na nasa piling ito ni Eun Woo. Anim na taon din akong naghirap sa nararamdaman ko para kay Jennie, ni hindi ko magawang magmahal ng iba.
Ngayong dumating ang pagkakataong ito, hindi ko na tinangihan ng kusang I-Offer ng Daddy ni Jennie ang kasalang ito at ang pagpapatakbo ng kumpanya nila, kung ano mang dahilan ng Daddy ni Jennie kung bakit niya ito ginawa ay ito lang ang nakakaalam at ang Daddy ko.
So I took this opportunity, hindi dahil sa gusto kong pamahalaan ang pagpapatakbo ng kumpanya nila kundi dahil mahal ko siya. kahit na ba alam kong hindi ko alam ang kalalabasan nito, pero mas gugustuhin ko nang isugal kay Jennie ang puso ko, kung masasaktan man ako sa huli atleast na-iparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal..
🎶 Talaga yatang
wala nang pag-asa
Upang ako'y iyong piliin pa
Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
Pa'no mo malalaman sa 'yo'y
may pagtinginLagi na lamang sa 'king isipan Sana ito'y iyong maramdaman Masabi ko na sana na
minamahal kita
Do'n mo lang malalaman
pag-ibig ko'y hanggangPangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba Ngunit 'di bale na kahit
mahal mo siya
Mahal naman kita..🎵MAHAL NAMAN KITA
By; Jamie Rivera~~~
( Sa mga song wag na po kayong magulat dahil every chapter meron po yan.. Im a music lover kase💗.. )
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...