💕Sometimes, we meet in our lives
who we thought would be our forever
only to realize that never meant to be. 💕Kinabukasan..
Jennie's pov;
- Maaga akong pumasok sa office namin, dahil ngayon ang dating ng mga materyales na gagamitin namin para sa mga panibagong design na gagawin ng mga staff namin ni Lisa,
At kailangan din naming puntahan ang bago naming kliyente na si Jisoo na nagmamay-ari ng isang malaking boutique shop dito sa seoul, nakipag-deal kami sa kanya upang sa amin na ito kumuha ng mga branded na mga sapatos.Pagpasok ko binati ako ng mga staff namin. Nakangiti ko namang tinanguan ang mga ito, tapos tumuloy muna ako sa opisina ko upang ilapag ang mga dala kong fortpolio, saka ako pumunta sa office ni Lisa.
Pagbukas ko ng pinto ng opisina niya nadatnan ko itong umiiyak. Nag-aalala akong mabilis itong nilapitan upang tanungin.
"Lisa bakit ka umiiyak?" Pero mas lalo lang siyang umiyak, na lalong pinag-alala ko, naisip ko bigla si Jungkook, dahil ito lang naman ang palaging dahilan kung bakit umiiyak si Lisa, because until now si Jungkook parin ang lalake na pangarap ni Lisa at until now hindi nawala sa puso nito ang pagmamahal para sa lalake na iyon,
Pero mas pinili ni Lisa na hindi iyon iparamdam kay Jungkook dahil mas nagpokus ito sa pag-aaral upang makatulong kay Eun Woo at sa parents nila.
"Come on Lisa, tell me? What happened?" Pagpupumilit ko pa sa kanya.
Pero imbis na sagutin niya ako isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin at mas lalo pa itong napahagulgol habang nakayakap sa akin.
"Lisa, Ano ba? Pinapakaba mo naman ako eh!" Naiiyak narin na sabi ko sa kanya.
Nakaramdam kase ako ng takot mas malala kase ngayon ang pag-iyak niya compare sa pag-iyak nito kapag naiisip ang ginawa niyang pagreject kay Jungkook noon.
"J-Jen, si Eun Woo" Pabulong na sabi niya sa akin na parang hirap na hirap magsalita. kakalas sana ako sa pagkakayakap niya pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.
"Jen, he's gone, he's dead!" Mahinang sambit niya,
Para naman akong naparalisa at naguguluhan sa mga sinasabi niya. Pilit kong sinisink in sa utak ko ang mga iyon, pero wala I can't understand what she's talking about. Paanong mangyayari iyon? Matagal nang piloto si Eun Woo at magaling itong magpalipad ng eroplano.
"N-No.. A-Ano bang pinagsasabi mo ha Lisa?" buong pwersa ko siyang itinulak upang makawala ako sa pagkakayakap niya. At tumitig sa mga mata niyang hilam na sa luha.
Nararamdaman ko narin ang pagbuo ng mga luha sa mga mata ko, pero ayokong umiyak, ayokong umiyak sa isang bagay na mahirap paniwalaan.
"Y-Yung eroplanong pinapalipad niya.. "
No.. stop it!!!" I cut her word, then I yelled at her. para tumigil na ito sa mga sinasabi niya. "How can you say that Lisa? Kilala mo si Eun Woo, alam nating parehas na.."
"He's dead!" Sigaw din niya sa akin habang umiiyak. Para naman akong binuhusan ng isang malamig na tubig na at nanlalambot ang mga tuhod ko napakapit pa ako sa gilid ng table ni Lisa.
"Hindi siya puwedeng mamatay hindi niya ako pwedeng iwan nangako siya sa akin!" Malakas na sabi ko, at bigla namang sunod-sunod na dumaloy ang mga luha ko na pilit ko sanang iniiwasan.
"Jennie" garalgal na sambit ni Lisa sa pangalan ko.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa likod ko. Nilingon ko siya At mapait na ngumiti sa kanya.
"B-Babalik pa kami sa Nami island, Ang sabi ko hihintayin ko siya" parang baliw na sabi ko kay Lisa. Nakita ko naman sa mga mata nito ang labis na sakit katulad din ng nararamdaman ko ngayon.
"I love you Jennie, dont forget that"
Bahagya akong napatingin sa gilid ko, dahil pakiramdam ko ay may bumulong sa akin ng mga katagang iyon
Ang mga katagang iyon na huling binanggit ni Eun Woo sa akin, na ngayon ay parang umi-echo na sa pandinig ko.
"Eun Woo" I whispered his name kasabay nang malakas na pag-iyak ko napahawak ako sa dibdib ko, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon pakiramdam ko hindi ko na ito kakayanin.
~~~~~~~
🎶How can I make it through the day Without You
You have been so much a part of me (and if you'll go)
I'll never know what to doHow can I carry on my way
The memories when all that is left
Is the pain in my history
Why should I live my life todayI cannot on my own
(I can't do anything at all)
and just forget the love
You've always shown and accept the fate of my condition
Please don't ever go for I cannot live my life aloneSay you'll never go
Say you'll never go out my way
Say You'll never go
For we can still go on and
make it through
Just say you'll never go awayHow can I make my dreams come true without you
You were the one who gave love to me (and Dont You Know)
You Are My Fantasy... 🎶SAY YOU'LL NEVER GO
By; Erick Santos..........
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...