💕 Loving somebody
you know will never love you back
is a terrible kind of pain,
Because even though it
hurts to know,
and it's a painful reminder
to see her
You still love her.. 💕-Nagising ako dahil sa tama nang sikat ng araw na nagmumula sa nakabukas na glass window. Mabilis akong napatayo nang mapagtanto ko na napunta na naman ako sa isang silid.
Binuhat na naman akong muli ni Taehyung, bakit ba sa tuwing nagkikita kami palagi akong nakakatulog? Napasandal ako sa headboard ng kama na hinihigaan ko, minasdan ko ang kabuuan ng kwartong pinagdalahan sa akin ni Taehyung.
Humanga ako sa kulay at ayos ng kwartong ito dahil nakalaan talaga para sa pambabaeng disenyo,
Patayo na sana ako nang makarinig ako ng langitngit dahil sa pagbukas ng pinto. Napahinto ako at inantay kung sino ang pumasok sa loob ng kwartong ito.
Then napataas ang kilay ko nang makita ko si Taehyung, he's wearing black tshirt and white short nakangiti ito habang naglalakad palapit sa akin. Bakit ba kahit anong gwapo niya wala parin itong dating sa akin? . Maybe my whole attention belongs to Eun Woo.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" Pasupladang tanong ko sa kanya.
"Akala ko kase tulog ka pa." Kalmadong Sagot niya na parang balewala ang pagsusuplada ko sa kanya.
Naiinis na bumaba ako sa kama ko, at nakapamewang na lumapit sa kanya.
"Hoy, Taehyung gusto ko lang iremind sayo na hindi tayo talaga mag-asawa,
kaya wala kang karapatan na basta-basta nalang pumapasok kung nasaang kwarto pa ako!. " Mataray na sambit ko sa kanya.Feeling asawa kase ito sa akin na hindi naman dapat, baka kase nakakalimutan nito kung ano talaga ang sitwasyon nilang dalawa.
"What do you mean that you're not really my wife? kakakasal lang natin kahapon di ba? Dont tell me nagka-amnesia ka na pag-gising mo?" May pagka'sarcastic na sabi niya sa akin.
"Baka naka-kalimutan mo rin ang dahilan kung bakit ako nagpakasal sayo Kim Taehyung!" Seryoso at pagalit na sabi ko rin sa kanya.
"Don't worry I don't forget. " Seryosong saad niya ulit sa akin.
"Mabuti naman, now can you get out of this room?" Matigas na utos ko pa sa kanya sabay turo sa pintuan ng kwartong ito.
" I also want to remind you na asawa parin kita, and don't you forget that. Mrs Jennie Kim. " Mariin din niyang sabi sa akin bago tumalikod upang lumabas ng kwarto, pero muli itong lumingon.
" Breakfast is ready. Do you want to eat with me?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
Tinignan ko lang siya nang masama bago ko sinagot ang tanong niya.
"No thanks, baka kung may gayuma ka pang nilagay sa pagkain na kakainin ko, I'll cook for myself."
Mataray na pagtanggi ko sa kanya.Nakita kong natawa ito at bahagya akong tinanguan.
"Okay, pero sa tingin ko mukhang hindi na kita kailangang gayumahin, dahil sigurado akong ikaw na mismo ang mai-inlove sa akin." Mayabang na sabi niya pa sa akin. Bago tuluyan nang lumabas ng kwartong pinagdalhan nito sa akin.
"In your dreams." Pahabol na sabi ko sa kanya bago tuluyan nang sumara ang pintuan.
Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa inis kay Taehyung. Ang lakas ng loob niyang sabihing mai-inlove ako sa kanya,
***
Taehyung's pov;
Pagkatapos kong kumain ng almusal naisipan ko munang maglakad-lakad malapit sa tabing dagat. Napakapayapa ng karagatan, at napakalawak din nito. Ganito rin kaya kalawak ang pagmamahal ni Jennie para kay Eun Woo? Biglang pumasok nalang sa isip ko ang tanong na yun. Kaya ba hindi nito kayang tumingin man lang sa akin.
Talaga bang huli na ako? Paano ko magagawang agawin ang pagmamahal nito kay Eun Woo kung ganito kalaki ang pagmamahal ni Jennie para dito?
Malungkot akong napangiti, gagawin ko ang lahat upang mahalin ako ni Jennie, at sisiguraduhin kong buburahin ko nang tuluyan sa puso niya si Eun Woo.
~~~~~~~
🎵 There I was
Waiting for a chance
Hoping that you'll understand
The things I wanna sayAs my love went stronger
than before
I wanna see you more and more
But you closed the doorWhy don't you try
To open up your heart?
I won't take so much of your timeMaybe, it's wrong to say
please love me too
'Cause I know you'll never do Somebody else is waiting there
inside for youMaybe, it's wrong to love you
more each day
'Cause I know he's here to stay
But I know to whom you should.
belong.. 🎵MAYBE
By; King
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...