💕 Sometimes you just have to let her go even if it hurts... 💔
Jennie's pov;
-After ng wedding anniversary ng parents ni Taehyung, kinabukasan nga ay umalis na din si Taehyung para sa three days na pakikipag-negosasyon sa New york para sa pakikipag-business partner niya upang magkaroon din ng branch doon. At mas lalong pang naging busy ito dahil dumami ang mga taong dapat nitong kausapin dahil nga ito narin ang humawak ng negosyo ng Daddy niya.
Palabas na ako sa opisina namin ng biglang lumitaw si Eun Woo sa harapan ko muntikan pa akong mapasigaw dahil sa ginawa nito.
" Eun woo, Ang sabi mo hindi ka uuwi ngayon?" Pagtataray ko kunyari sa kanya, ang alam ko kase sa susunod na araw pa siya uuwi, tumawag siya kaninang umaga sa akin na hindi siya uuwi ngayon.
"Gusto lang kase kitang isurprise" Sagot niya habang natatawa sabay hatak sa bewang ko para mapadikit sa kanya.
"Aiss" Nasambit ko nalang, at lalong hindi na ako naka-imik nang simulan niya akong halikan, Pero kusa na rin niyang binitiwan ang mga labi ko. At nakangiting nagsalita.
"Iwanan mo na yang kotse mo, mamasyal muna tayo bago umuwi sa apartment ko,
"Saan naman tayo mamasyal it's almost 7 O'clock na" Sabay tingin ko sa relo ko.
"Sa ngayon sa park lang muna maglakad-lakad tayo, bukas may flight ulit ako, tapos next day, two days akong walang trabaho kaya mamasyal ulit tayo, pero sa ibang lugar na" Masayang sambit ni Eun Woo sa akin.
"Okay" pagsang-ayon ko. Hinawakan na ako nito sa kamay at iginiya papunta sa kotse niya.
"Hayy, ang ganda ng gabi noh? Ang daming stars, kapag nasa airplane ako hindi ko sila makita" Nangingiting sabi niya, magkatabi kaming nakaupo sa isa sa mga bench dito habang nakahilig ako sa kanang balikat niya at nakatingala sa langit.
"Oo, ang ganda nga nila. Kapag naiisip kita tumitingin lang ako sa mga bituin nawawala yung lungkot ko" Masayang pagsag-ayon ko rin.
"Jen" tawag niya sa akin.
"Hmm.." Sagot ko.
"Sabihin mo lang sa akin kapag sobra ka nang nahihirapan dahil sa sitwasyon natin ah"
Napaangat naman ang bigla ang ulo ko mula sa pagkakahilig sa balikat niya upang tumingin at sagutin ang sinasabi niya.
"Bakit naman ako mahihirapan, kahit ganito sitwasyon natin masaya na ako at kuntento atleast nakakasama parin kita. Kaya never akong bibitaw, Ganon ka rin di ba?
He nodded, "Pero kapag hindi mo na kaya just tell me, handa akong pakawalan ka hindi dahil sa ayoko na or hindi na kita mahal, pakakawalan kita dahil mahal kita, alam kong darating ang araw na mapapagod ka na din" Para naman akong nainis dahil sa biglang pagiging seryoso niya.
"Bakit ganyan na ba ang nararamdaman mo ngayon? Napapagod ka na ba?"
"No, I will never get tired loving you, ang gusto ko lang sabihin ayoko nang magkaroon ka pa ulit ng pagpipilian at dahil dun alam kong masasaktan ka na naman at mahihirapan, mas mabuting ako nalang ang masaktan at mahirapan, yun lang pagpayag mong magpakasal kay Taehyung at ang pag-stay sa akin kahit na kasal na kayo alam kung doon palang nahihirapan ka na" Madamdamin niyang pagsabi sa akin. Napatuwid ako ng upo at tumitig sa mga mata niya
"Ano ba yang mga sinasabi mo? Iniisip mo bang mahuhulog ako kay Taehyung balang-araw at iniisip mo ba na kaya hindi ko siya pwedeng mahalin dahil nangako ako sayo na ikaw lang ang mamahalin ko? Tama ba ako?" Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkairita dahil sa mga sinasabi nito.
"Maraming pwedeng mangyari Jen, pwedeng ganon nga, Baka pag-gising mo isang araw siya na pala ang mahal mo, at dahil sa akin kaya hindi mo maipaparamdam ang pagmamahal mo sa kanya at ayokong dumating yung time na yun na mahihirapan at masasaktan ka na naman nang dahil sa akin" Sabay haplos niya sa pisngi ko at malungkot na napangiti.
"Nawawalan ka na ba ng tiwala sa akin? Kung mamahalin ko si Taehyung dapat noon pa at dapat siya ang pinili ko at hindi ikaw. Kaya wag ka nang mag-alala sa pagmamahal ko sayo dahil ikaw lang ang mamahalin ko habang nabubuhay ako" bigla ang pag-garalgal nang boses ko nang sabihin ko ang mga salitang iyon.
"I trust you Jen and I will always love you Babe, kahit nasaan pa ako, kahit na palagi akong malayo sayo, ikaw lang ang mamahalin ko, always remember that"
"And I will always love you too Eun Woo"
Nang magsawa kaming maglakad-lakad, nagpasya itong umuwi na kami sa apartment niya, at doon buong magdamag naming pinagsaluhan ang pagmamahal namin para sa isa't- isa.
***
Taehyung's pov;
"Taehyung, are you okay? Kanina sa meeting parang wala ka na naman sa sarili mo? "
Pero imbis na sagutin ang tanong niya, tinanong ko rin ito.
"Namjoon, naranasan mo na bang magmahal pero yung pagmamahal mo hindi kayang suklian dahil hindi ikaw ang mahal niya?"
"Huh? May problema ba kayo ni Jennie?"
"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, anong gagawin mo? Igigive up mo na ba siya?"
Napaisip naman ito sandali bago ako sagutin.
"Well, sa ngayon kase wala naman akong girlfriend hindi ko pa kase natatagpuan yung right girl para sa akin. Pero sa tanong mo... Maybe I will give up on her."
Napatitig ako kay Namjoon nang marinig ko ang sagot niya.
"Why?" Muling tanong ko.
"Kase mahal ko siya, mahal ko siya kaya igigive-up ko siya, kase para saan pa kung hindi ko siya pakakawalan, tignan mo nasa akin nga siya pero hindi naman siya masaya at ako ang dahilan kung bakit nasasaktan siya at nahihirapan"
Nacurious ako sa sagot niya kaya muli ko siyang tinanong.
"Hindi mo ba ipaglalaban yung pagmamahal mo sa kanya?"
"Para saan pa? Ipaglalaban ko para kanino para sa sarili ko? kung gagawin ko iyon magiging selfish lang ako, pipilitin ko siyang mahalin ako kahit hindi naman talaga niya ako kayang mahalin.. Selfish ang tawag dun. Pababayaan ko siya kung saan siya magiging masaya, kahit masakit para sa akin atleast alam ko magiging masaya na siya sa talagang taong mahal niya" mahabang sagot niya sa akin.
"So, dapat ko na pala siyang igive-up?" Malungkot na bulong ko sa sarili.
Si Jennie? Kaya ko ba? Tanong ko sa isip ko, napatingala ako sa langit kung saan nakikita ko ang maraming naglalakihang mga bituin, Sana maging ganito rin kalaki ang pag-asa ko kay Jennie pero, kahit sa maliit yata na bituin alam kong walang pag-asang mabaling sa akin ang pagtingin niya.
~~~~~~~
🎵 There are times
when you make me laugh
there are moments
when you drive me mad
there are seconds when I see the light
though many times you made me cryThere's something you don't understand
I want to be your manNothing to lose your love to win hoping so bad that you'll let me in I'm at your feet waiting for you
I've got time and nothing to loseThere are times
when I believe in you
these moments when
I feel close to you
there are times
I think that I am yours though many times I feel unsure.. 🎶NOTHING TO LOSE
By; Michael learns to rocks........
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fiksi Penggemar'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...