Chapter 19 Say That You Love Me

55 3 0
                                    



💕Sometime's all you
can do is smile.
Move on with your day
hold back the tears
And pretend you're okay.. 💔



Taehyung's Pov;

- Sa ilang buwan naming pagsasama ni Jennie sa iisang bahay naging maayos naman iyon kahit na alam kong madalas parin silang nagkikita ni Eun Woo.


Hindi ko na iyon binibigyan pa nang pansin kahit na ba alam kong nakakaramdam parin ako ng sakit, kuntento na ako na magkasama kami at nakatira sa iisang bahay, masaya na akong nakikita ito araw-araw kahit na pagsusungit at pagtataray lang ang isinusukli niya sa akin. Ang importante sa akin parin siya umuuwi.



Madalas din akong sermunan ni Jimin at Jungkook, pero hindinko nalang iniintindi ang mga ito alam kong concern lang din ang mga ito sa akin at alam ko rin para sa kanila ay napaka-martir ko na.


Bumalik na rin si Jennie sa negosyo nila ni Lisa at mas lalo itong naging busy. Madalas itong nagpapagabi ng uwi na alam ko naman ang dahilan pero matiyaga ko parin siyang hinihintay, ewan ko pero hindi ako makatulog kapag hindi ko siya nakikita, natatawa nalang ako sa sarili ko kase pakiramdam ko pinahihirapan ko lang ang sarili ko. Pero mahal ko siya at dahil dun wala na akong magawa.


Naputol ang pag-iisip ko sa mahinang pagkatok ni Hoseok ang exsecutive secretary ko. Nakangiti akong ngumiti sa kanya, may bitbit itong mga papeles.

"Taehyung, ito na yung mga papers na kailangan nang-aproval mo, may ibinigay din si Namjoon na bagong design ng kotse ang sabi niya baka magustuhan mo." Tumango-tango lang ako sa mga sinasabi niya.

"Are you Okay? " Hindi na iwasang itanong iyon ni Hoseok sa akin, napuna siguro nito na parang wala doon ang isip ko.

Napatingala ako sa kanya. "Ahm, yeah.. I'm Okay. " Ngumiti pa ako ng pilit sa kanya.

"Okay, alam mo naman kapag may problema ka, pwede mo akong sabihan." Saad pa niya sa akin, tinapik pa ako nito sa balikat bago umalis.

Matagal ko narin itong secretary kaya hindi narin iba ang turing namin sa isa't-isa.


***

Jennie's pov;

"Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo Nabigla ako sa sinabi niya sa akin.


Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan niya, at ang matipuno nitong pangangatawan ang nakatambad sa harapan ko.


Gustuhin ko mang samahan itong matulog ngayong gabi dito sa bahay niya ay hindi maaari,

''Alam mong hindi yun ganon kadali?" Sagot ko sa kanya.


Nakita ko ang pag-igting ng mga panga nito alam kung hindi nito nagustuhan ang sagot ko.


Sa ilang buwan naming pagkikita nang patago alam kong nakakaramdam narin ito ng paghihirap pero anong gagawin ko kung nakatali parin ako sa isang lalakeng hindi ko naman mahal.

"So kailangan magiging Okay ang lahat Jennie? Hindi mo ba siya kayang iwan? Nahuhulog ka narin ba kay Taehyung?" Nabigla ako sa suno-sunod na tanong niya sa akin. Kaya mabilis akong napalapit sa kanya at tinabihan ko ito habang naka-upo sa kama.

"Eun Woo, bakit ganyan ka mag-isip sa akin? Don't you trust me anymore?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

"Babe, halos magta-tatlong buwan na tayong ganito? Anong gusto mong gawin at isipin ko, ang babaeng mahal ko hindi ko Pwedeng ariin at angkinin ng buo." Malungkot na sabi niya sa akin.

"Maaayos din ito, promise. " Pangako ko sa kanya, pero maski ako sa sarili ko hindi ko alam kung mangyayari ba iyon dahil mukhang walang balak si Taehyung na hiwalayan ako kahit na pinapakitaan ko na ito ng hindi maganda patuloy parin nitong binabalewala ang mga ginagawa ko.


~~~~~~~

🎵 Kung hindi man tayo
hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko
ay ikaw... 🎵

KUNDIMAN
By; Silent Sanctuary


{ PASENSYA NA SA MGA WRONG GRAMMAR }

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon