💕 It hurts when you're
being ignored by the
person whose
attention is the only
thing you want in
THE WORLD...💕-Naisipan ko nang bumaba upang magluto ng sarili kong pagkain, naramdaman ko na rin kase ang pagkalam ng sikmura ko.
Pagbaba ko hinanap ng paningin ko si Taehyung pero mukhang wala ito. Papunta na sana ako sa kusina ng bahay na ito nang mapansin ko ang magandang kapaligiran sa resthouse na ito.
At dahil gawa sa wall glass ang mga dingding nito kaya matatanaw mo ang kagandahan ng lugar na ito, kaya matatanaw mo din ang malawak na dagat. Napangiti ako at naisipang lumabas muna sandali.
"Ang ganda naman dito," Humahangang sambit ko.
May garden ding nakalagay dito sa likod bahay nila Taehyung na merong makapal na bermuda grass at isang swing na gawa sa kahoy, naglakad ako papunta doon upang umupo.
But before I sat in that swing and as I stared at the beautiful sea naalala ko ang mukha ng pinakamamahal ko.
Nahihirapan din ba siyang tulad ko?
Bakit kailangan naming malagay sa ganitong sitwasyon?Natigil ako sa pag-iisip ng makita ko kung sino ang papalapit.
"Ano? Kumain ka na ba?" Tanong ni Taehyung sa akin.
Pero nanatili lang akong nakatingin sa malayo na parang hindi ito naririnig O nakikita.
"Ahm, Anong tingin mo sa lugar na'to? Maganda ba?" Pangungulit na tanong niya pa sa akin.
Nakaramdam ako ng pagkainis sa kanya kaya sinagot ko ang tanong niya nang pabalang.
"Oo, pero mas okay sana kung si Eun Woo ang kasama ko dito. Kaysa sayo." Sabi ko sabay irap sa kanya.
Napabuntong hininga siya na akala mo'y pagod na pagod na sa pagtatalo namin.
"Jen, magiging okay ka ba kung laging ganyan ang trato mo sa akin? Alam kung hindi mo ako gusto at napilitan kalang na magpakasal sa akin.. pero sana bigyan mo naman sana ako ng chance na... "
"Enough, kung ayaw mong tratuhin kita ng ganito, wag mo akong pakialaman, Oo kinasal tayo pero hindi ibig sabihin nun may responsibidad na ako sa'yo bilang asawa mo. You know how much I love Eun Woo at gusto kong respetuhin mo 'yun. Sa totoo lang, hindi dapat ako nagtitiis dito kasama ka kung kaya ko lang patakbuhin ang negosyo namin e. " Mahabang sabi ko na siyang ikinatigil niya.
Napatitig lang siya sa akin at napangiti na parang baliw.
"Paano kung isang araw, magising ka na ako na ang nilalaman ng puso mo? Paano kung isang araw, magising ka na ako na 'yung taong sobrang minamahal mo? At paano kung dumating ang araw na minahal mo na ako pero wala na akong nararamdaman para sayo? Ano kaya ang gagawin mo?" Tanong niya habang nakangiti pero alam kong pilit lang ang isang iyon dahil hindi ito umabot sa mga mata niya.
Mga mata niyang kung tumitig sa akin ay puno ng pagmamahal.
"Hindi mangyayari ang araw na iyon dahil nakatatak na sa buong pagkatao ko na si Eun Woo ang para sa akin at wala ng iba." Seryosong sabi ko sa kanya.
Tumitig lang siya sa 'kin at walang sinabi.
Pero bakit ganoon? Kinabahan ako bigla dahil sa sinabi niya. Paano nga kaya kung dumating ang araw na iyon? Paano nga kaya kung paggising ko isang araw ay wala na akong nararamdaman para kay Eun Woo? No, that will never happen.
"Tingin mo talaga ganon lang kababaw ang pagmamahal ko para kay Eun Woo? Kahit kailan hindi mo siya mapapalitan sa puso ko."
Pagkasabi ko nun at nilagpasan ko na ito para pumasok na sa loob ng bahay, but suddenly he grabbed my arm.
Pagalit akong napatingin sa kanya habang seryoso siyang nakatitig lang sa akin.
"Let me go.! " Asik na utos ko sa kanya.
But I was shocked sa sunod na ginawa nito sa akin, halos manlaki ang mga mata ko nang hatakin ako nito upang halikan, naramdaman ko ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi ko at ang pagpupumilit nitong pasunurin ako sa paraan ng paghalik niya.
Halos tatlong minuto rin tumagal ang paghalik niya sa akin, at pagkatapos ay binitiwan niya na ang mga labi ko.
Mabilis ko naman itong nabigyan ng isang malakas na sampal dahil sa ginawa nito sa akin.
"I HATE YOU!!! " Malakas na sigaw ko sa kanya.
"Kung iyan ang ikaliligaya mo, malugod kong tinatanggap." Kalmadong sabi niya na parang balewala lang sa kanya ang sinabi ko at pati ang pagsampal ko sa kanya.
"But, whether you like it or not, we are married and you are my wife now." Dugtong niya at napa-ismirk ito sa akin, bago ako iniwanan.
Napatanga na lang ako sa sinabi nito, gusto kong mapaiyak dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko para kay Taehyung.
~~~~~~~
🎵 If you were mine, everytime
You could be the one to make me feel alright
Day or night, feel you close in my arms
If you were mind, yes it's true
There would never be a day without your smileTake your time Baby
I would feel so real if
you were mine
Hold me closer into your arms
Never let me down girl.
Feel the magic in the air,
it's here Love is written on
my face
Everytime you're near me
Just be here and it's alright🎶IF YOU WERE MINE
By; Bed and Breakfast
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...