💕 Falling in love is like jumping off a really tall building. Your brain tells you it is not a good idea, but your heart tells you, you can fly.. 💕
Nakatitig lang sa akin si Taehyung, kaya para akong napahiya sa sarili ko dahil sa sinabi kong iyon.
"Ahm, dont think na nagseselos ako Taehyung, because I'm not, actually wala naman talaga akong pakialam kung kanino mo gustong makipag-kita dahil.. " Nakaramdam ako nang pag-galaw ng tiyan ko kaya napatigil ako at napahawak doon.
Nang makita naman iyon ni Taehyung mabilis itong lumapit sa akin at natatarantang nagtanong.
"Why, may masakit ba sayo tell me, gusto mo bang dalhin kita sa hospital?
"No need, I'm Okay" pagkatapos kong sabihin iyon ay napaiyak ako, napatingin sa akin si Taehyung na lalong nag-alala.
"Fuck, Jennie! Sabihin mo kung anong masakit sayo, H'wag mo akong pag-alalahanin ng ganito! " pagalit na sabi niya sa akin dahil narin sa sobrang pag-aalala.
"I-I'm okay, really Taehyung, kailangan ko lang sigurong magpahinga" sabi ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko para pigilan ang muling pagpatak ng mga luha ko.
"Then rest." Pagkatapos niyang sabihin iyon naramdaman ko ang pag-angat ko, binuhat ako nito paakyat sa kwarto namin.
Maingat niya akong nilapag sa kama, itinaas pa nito ang kumot patungo sa kalahating katawan ko. Habang nakasandal ako sa headboard ng kama namin.
"Gusto mo bang patawag ko ang doctor mo?" Mahinahong tanong niya sa akin na may halong pag-aalala.
Pilit akong ngumiti sa kanya at umiling.
"Sige na, ayos na ako, b-baka nag-hihintay na sa'yo si Tzuyu.. "
"What' s wrong with you Jen? hindi na kita maintindihan, bakit ba pakiramdam ko, may bahagi sa puso mo na may gustong iparamdam sa akin?" Malumanay na tanong niya sa akin.
Naguguluhang napatitig ako sa kanya. Kahit na alam kong tama ito, may kung anong damdamin na umusbong sa puso ko para sa kanya, kaya ba nagseselos ako? Selos nga bang matatawag itong nararamdaman ko? O baka naman dahil may ibang babae nang sinusunod si Taehyung bukod sa kanya. At hindi niya iyon matanggap.
Napapikit ako at napayuko dahil sa nararamdaman ko. Nahihirapan akong alamin.
Napamulat ako ng mata nang maramdaman ko ang paghawak ni Taehyung sa isang kamay ko. Tumingin ako sa mukha niya na maaliwalas na nakangiti.
"Nagseselos ka ba kay Tzuyu?" Naitanong nito sa akin ng walang pag-aalinlangan, napaawang naman ang mga labi ko at nagsimulang tumanggi sa kanya.
"Bakit naman ako magseselos sa kanya?" Pagtanggi ko sa sinasabi niya sa akin. Napabox smile ito sa akin, kaya napatitig ako sa kanya.
"Alright, sige na hindi ka na nagseselos." Nakita ko ang pa-ismirk na ngiti nito.
"Pero kahit hindi ka nagseselos, at hindi mo parin maramdamang mahal mo ako," napatigil ito sandali upang haplusin ang pisngi ko na hindi ko tinutulan.
"Please grow old with me Jen, together with our kids, I promise you that I will be here for you till the end" madamdamin niyang saad sa akin, na nagpa-ulap sa mga mata ko.
~~~~~~~
🎶Is this love?
Feeling restless inside
Wanting you to always be
my side
I don't even want you out of my sight
You are in my thoughts
all day and night
I can't get you out of my mind
I think I'm in loveI think I'm in love
Think I'm in love with you
Every single day, every single night
Every single moment of my life
I want to spend them all with you
I think I'm in loveI think I'm in love
I think I'm in love with you
Tell me that you care, tell me please Tell me that you also feel
The way that I do.. 💕I THINK IM IN LOVE
By; Kuh Ledesma...................
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...