💕LOVE..
Conquers all. 💕One month later..
Taehyung's pov;
- Hindi ko inaasahan na kakausapin pa ako ni Jennie, isang buwan narin ang nakakalipas magmula nang nagalit ito sa akin. Nagulat ako pag-uwi ko galing sa opisina nang bigla itong magsalita habang nakaupo sa couch ng living area namin.
" Jisoo, called me last night at niremind niya sa akin ang birthday ni Jin, sa totoo lang ayoko sanang pumunta dun nakasama ka, pero dahil ayoko nang mag-usisa pa sila sa kung anong nangyayari sa atin kaya wala akong choice kundi ang pumunta doon na..kasama ka," she coldly said to me, at ni sulyap ay hindi man lang niya ako tinapunan habang sinasabi niya iyon.
Gusto ko sanang magsalita pero mabilis na itong tumayo at lumakad sa ibang direksyon ng bahay namin, malungkot ko nalang siyang minasdan habang naglalakad palayo.
***
Jennie's pov;
Bago kami umalis hinatid muna namin ni Taehyung si Enzo sa parents ko, minabuti kong hindi na ito isama dahil baka mapagod lang ito sa layo ng biyahe.
Nalaman kong sa resort ni Jin sa Nami island gaganapin ang birthday nito, bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil ito ang huling lugar na pinuntahan namin ni Eun Woo bago ito namatay. Kaya habang nasa biyahe kami ni Taehyung hindi ko maiwasang maluha sa bawat daang tinatahak namin andun ang masasayang alaala namin ni Eun Woo. Pilit kong itinatago ang mga luha ko upang hindi iyon mapansin ni Taehyung.
Hapon na nang makarating kami sa hotel beach resort ni Jin dito sa Nami island. Pumasok na kami sa hotel nito sinalubong naman kami agad ng manager ng Hotel na ito upang ihatid kung nasaan si Jin.
Pumunta kami sa likod ng Hotel namangha ako sa ganda dito napapalibutan ito ng mga naglalakihang mga halaman at makikita rin ang lawak ng karagatan sa bandang kaliwa naman namin ay may isang malaking swimming pools nasa ayos narin ang mga lamesa na gagamitin para mamayang gabi.
"Taehyung, Jennie!" Masaya kaming napalingon sa boses na iyon ni Jin kasama si Jisoo.
"Im glad that you came" Masayang tanong naman ni Jisoo sa akin.
Nakangiti ko itong niyakap.
"Happy birthday Jin!" Sambit ko pagkatapos kong yakapin si Jisoo, masaya namang tumango sa akin sa Jin at nagpasalamat.
"Si Jimin at Jungkook?" Biglang naitanong ni Jin kay Taehyung.
"Papunta na yun, hinintay pa kase nila si Rose." nakangiting sagot ni Taehyung.
"And Lisa?"singit naman na tanong din ni Jisoo sa akin.
"Ahm, Si Lisa, maya-maya nandito narin iyon" sagot ko naman.
"Mabuti pa magpahinga muna kayo sa hotel room ninyo, magpapadala nalang din ako ng meryenda nyo" Suggest ni Jin sa amin.
Nagkatinginan naman kami bigla ni Taehyung, nakalimutan ko palang isipin na magsasama pala kami nito sa iisang kwarto dahil ang alam nila Jin at Jisoo nasa ayos ang relasyon namin biglang mag-asawa ni Taehyung.
Pagkatapos utusan ni Jin ang Manager ng hotel niya ay sumunod na nga kami dito upang maihatid na sa room namin ni Taehyung na gagamitin namin para sa isang gabi.
Nang makarating kami sa pinto ng kwartong tutuluyan naming dalawa ni Taehyung, magalang na nagpaalam sa amin ang manager na kasama namin.
Binuksan ni Taehyung ang pintuan at nauna na nga itong pumasok sa loob, humanga na naman ako sa ayos ng kwarto na to, magaganda ang mga furniture na nilagay dito, may maliit na living area din dito tapos isang malaking... kama.
"So.. iisang kama lang ang nandito" rinig kong sambit ni Taehyung na nakatalikod sa akin at nasa malaking kama ang paningin.
"Alam ko namang hindi ka papayag na magkatabi tayo sa higaan kaya..." huminto ito sa pagsasalita at humarap sa akin.
"Sa sopa nalang ako matutulog" pagpapatuloy na salita nito.
"Alangan namang ako ang patulugin mo sa sopa!" Pasupladang sagot ko sabay irap ko narin sa kanya. Lumakad ako papunta sa malaking glass wall, kitang-kita lalo dito ang lawak ng dagat na nagkukulay asul dahil narin sa kalagitan. Napakalinis pa ng kapaligiran.
Nawala ang atensyon ko nang makarinig ako ng katok nilingon ko si Taehyung na papunta na sa pintuan upang buksan iyon. Bumungad doon ang pinadala ni Jin na pagkain.
"Gusto mo bang kumain na?"malumanay na tanong sa akin ni Taehyung, bigla akong nakaramdam ng gutom kaya imbis na sagutin ko siya ay lumapit nalang ako sa maliit na table for two upang umupo inisa-isa namang inilipat ni Taehyung ang mga pagkain.
Pagkatapos nyang mailagay lahat ay umupo narin ito upang sabayan akong kumain. Wala na kaming imikan nang mag-umpisa na kaming kumain.
***
Taehyung's pov;
- Inumpisahan na nga ngagong gabi ang celebration ng birthday party ni Jin, Halos mapuno na nga nang mga bisita niya ang lugar. Yung iba mga kakilala ko din dahil naging supplier kami ng mga kotse sa kanila. Yung iba mga malalapit naming kamag-anak at kasosyo ni Jin sa iba pa nitong negosyo at mga kaibigan na rin ni Jisoo.
Mag-gagabi naman na nang dumating sila Jimin kasama si Rose at Jungkook. Si Lisa sinundo pa ni Jennie sa Terminal nang train kanina dahil nasira daw ang kotse nito.
At ngayo nandito kaming tatlo si Jimin, Jungkook at ako? Sa tapat ng mini bar upang dito uminom, Hinahanap naman ng mga mata ko si Jennie. Kanina kase paglabas namin humiwalay na agad ito sa akin kasama sila Lisa at Rose upang lumapit sandali kay Jisoo and until now hindi ko na ulit ito nakasama.
Kung ako lang ayokong mawalay siya kahit saglit sa paningin ko ngayon napaka-seksi pa naman nito sa suot niyang floral loose white spagheti habang nakapusod ang kanyang mahabang buhok. At dahil nga nandito kami sa beach resort kaya kailangang naka-summer outfit kami.
"Maligo kaya tayo sa dagat ngayon?" Sabay kaming napalingon ni Jimin sa idea na pumasok sa isip ni Jungkook.
"Baliw ka ba? Paano ka maliligo jan, lasing ka na!" Saad ni Jimin dito.
"Okay sige, ako nalang" napamaang kaming dalawa ni Jimin nang bigla nga itong tumayo at lumakad patungo sa dagat.
"Hoy Jungkook!" Sigaw ko sa kanya pero itinaas lang nito ang kaliwang kamay upang magvawe sa amin ni Jimin.
"Pabayaan mo siya, alam niya ginagawa niya, siguradong hindi lang yan mapakali dahil nandito si Lisa " Naiiritang saad ni Jimin sa akin bago ininom ang laman ng beer na hawak niya.
Tumango-tango nalang ako at muling itinuon ang paningin ko sa maraming tao na nasa main reception ng birthday ni Jin.
Hanggang sa matanaw ko si Jennie na masayang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan nito.
Napangiti ako this is the first time na nakita ko ito na tumatawa nang ganon. Kung pwede nga lang na mapatawa ko rin siya nang ganon, kung pwede nga lang mapangiti ko din siya, pero sad to say na a hindi niya ako hahayaan na gawin iyon sa kanya..
~~~~~~~
🎶Maybe it's intuition
But some things you just don't question
Like in your eyes
I see my future in an instant
and there it goes
I think I've found my best friend
I know that it might sound more than a little crazy but I believeI knew I loved you before
I met you
I think I dreamed you into life
I knew I loved you before
I met you
I have been waiting all my lifeThere's just no rhyme or reason
only this sense of completion
and in your eyes
I see the missing pieces
I'm searching for
I think I found my way home
I know that it might sound more than a little crazy
but I believe... 🎶I KNEW I LOVED YOU
By; Savage Garden.......
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...