💕 love is not to blame, people use the name in vain.So don't do the things that you will regret later.
It's because everything happen for the reason.. 💕Still Taehyung's pov;
-Pagkatapos naming maireport ang pagkawala ni Enzo, mabilis na akong umuwi sa bahay kasama parin si Jungkook at Jimin.
"Taehyung"napatayo si Jennie mula sa pagkaka-upo ng makita ako at lumapit sa akin. .
"Nasaan na si Enzo? Akala ko ba makikita mo siya?" Nag-umpisa na naman itong umiyak. Hindi ko na din alam ang gagawin nang hindi namin makita si Enzo sa buong paligid ng park, bumibilis ang pintig ng puso ko dahil sa takot, magdidilim na at hindi ko parin siya nakikita kaya panay ang dasal ko na sana matagpuan na namin ito at sana na sa maayos na kalagayan lang ito.
"Nagpatulong na kami sa mga pulis ibinigay ko na ang phone number ko sa kanila, sigurado akong makikita nila si Enzo" paniniyak kong saad kay Jennie. Pero umiyak lang ito.
"Kumain ka na ba Jen?"naisip kong itanong iyon sa kanya dahil hindi ito pwedeng magpalipas ng gutom.
"Sa tingin mo makakakain ako ng maayos ha Taehyung? Kung alam kung nawawala si Enzo at hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanya, sampung oras na siyang nawawala mula pa kaninang umaga, at-at hindi parin siya kumakain Taehyung, My god, paano kung nagugutom na siya!" Muli na naman itong natataranta habang panay ang agos ng luha nito.
"Bullshit Jennie! , Ano bang akala mo na hindi rin ako nag-aalala sa pagkawala niya? pero kung matataranta akong katulad mo baka hindi rin ako makapag-isip ng maayos at sa kung anong dapat kong gawin!" Naiinis na saad ko sa kanya, hindi ko narin napigilang pagtaasan na ito ng boses.
"Mag- Magdasal na lang tayo na sana makita na nang mga pulis si Enzo at walang mangyaring masama sa kanya" pagaralgal na sabat ni Lisa sa amin.
Napabuga ako ng hangin dahil sa inis sa mga pangyayari, umupo ako sa sopa pero, hindi pa ako nagtatagal sa pag-upo ng marinig kong tumunog ang phone ko, hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino iyon o kaninong numero, mabilis ko iyong sinagot
["Is this Mr Taehyung Kim?"] paniniyak na tanong ng kausap ko sa kabilang linya.
"Yes" mabilis na sagot ko.
[Mr Kim, may nakakita po sa anak ninyo at hinatid siya dito sa presinto, pwede niyo na ho siyang puntahan dito"] Inform nito sa akin, napahinga ako ng maluwang na parang nabunutan ng tinik pagkarinig ko nun, at napa-usal nang pasasalamat sa diyos na nakita na ito.
"We will be there in a minute, thank you" sabi ko at mabilis na inoff ko na ang phone ko.
"Nakita na si Enzo" sabi ko, napatayo naman ulit si Jennie at naiiyak na lumapit sa akin.
"Sunduin na natin siya Taehyung, siguradong natatakot na si Enzo ngayon" tumango ako at hindi na nakipagtalo dito na wag nang sumama dahil siguradong hindi rin ito papayag.
***
Magkasama kami ni Jennie at Lisa sa isang kotse at si Jimin at Jungkook sa isang sasakyan. Maingat akong nagmaneho dahil nakasakay si Jennie sa kotse ko.
Nakarating kami sa presinto at inalalayan ko ang pagbaba ni Jennie mula sa kotse ko. I told her na mag-ingat sa paglalakad at huwag magmadali na sinunod naman niya.
"Sir, nasaan ho ang anak namin" tanong ko agad sa isang pulis na naka-upo sa harap ng table nito.
"Mr Taehyung Kim this way"
Pagkatapos kung tanguan ito ay iginiya na kami nito patungo sa isang silid at nang buksan iyon nakita ko si Enzo na nakangiting nakikipag-usap sa isang babae na hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod sa amin.
" Enzo!" Tawag ko sa kanya. Napatigil ito sa pagsasalita at napatingin sa amin nang makita kami nito ay mabilis itong tumakbo palapit sa amin.
"Daddy, Mommy!" Umiiyak na tawag niya sa amin. Napangiti ako na sinalubong ito at kinarga. Niyakap ko ito ng mahigpit habang umiiyak parin.
"Enzo, Di ba sabi ni Mommy sayo wag kang lalayo, saan ka ba pumunta ha anak? Alam mo bang pinag-alala mo nang husto si Mommy" sambit ni Jennie na naiiyak, humarap naman dito si Enzo at humalik kay Jennie.
"So-Sor-ry mommy" utal-utal na sambit din ni Enzo dahil sa pag-iyak.
"Natakot ka ba ha Enzo? " malumanay na tanong ko naman dito. Tumango ito at muling yumakap sa akin.
"Wag ka nang umiyak Enzo, next time wag ka nang lalayo sa mommy mo ha?" Jungkook said. Sabay tap sa ulo ni Enzo
"Ahm, Mr Kim, siya po ang nakakita sa anak niyo at nagdala dito" napatuon ang atensyon namin sa pulis na kasama namin dito. Nawala na sa isip ko ang babaeng kausap ni Enzo kanina. Kaya dumapo ang tingin ko sa babaeng itinuro nito sa amin.
"Hi, Im Tzuyu Chou" magalang na pakilala niya sa amin sabay ang pagsilay ng isang magandang ngiti sa mga labi nito, napatitig naman ako sa magandang mukha niya..
~~~~~~~
🎶 When I first saw you
I already knew
There was something inside of you Something I thought that I would never find
Angel of mine🎶🎵I look at you, lookin' at me
Now I know why they say the best things are free
I'm gonna love you boy
you are so fine
Angel of Mine🎶🎶How you changed my world you'll never know I'm different now, you helped me grow
You came into my life sent from above
When I lost all hope you
showed me love
I'm checkin' for ya boy you're right on time Angel of Mine.. 🎶ANGEL OF MINE
By; Monica
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...