Chapter 14 Say That You Love Me

53 3 0
                                    

💕 Don't Ever Say
You're Not Good Enough.
If That Person
Can't See How Amazing
You Are
Then They Are The One
Who's not Good Enough
For You.. 💕

Sa limang araw naming pananatili dito sa resthouse nila Taehyung, nakakaramdam na ako nang pagka-inip at sa limang araw din na iyon hindi nauubusan si Taehyung sa pag-eeffort para mapasaya ako. Pero dahil siguro sa inis at galit ang nararamdaman ko sa kanya hindi ko ma-appriciate ang lahat ng bagay na ginagawa niya para sa akin.

Kinabukasan pagbaba ko mula sa kwarto ko nadatnan kong may mga nakatakip na pagkain sa ibabaw ng lamesa, Nagluto na naman siya.

Nagdadalawang-isip ako kung kakainin ko ba iyon Or babalewalain ko nalang ulit. Tumingin muna ako sa paligid ko kung nasaan ba ang lalakeng iyon. Napadako ang tingin ko sa ibabaw ng center table sa salas, napansin kong may isang puting papel ang nakapatong doon.

Naglakad ako papunta doon upang alamin kung ano ba iyon, napataas ang kilay ko nang malaman kong isa iyong sulat mula kay Taehyung.

Nakasulat doon na may pinuntahan lang itong importante at babalik din agad.

"Ano namang paki-alam ko?" Sambit ko at pagkatapos ay dumeretso na ako pabalik sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto narinig ko ang suno-sunod na pag-ring ng cellpone ko. Agad ko iyong kinuha at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa screen ng cellpone ko ang pangalan ng lalakeng pinananabikan kong makita muli. Naiiyak kong sinagot ang tawag nito

["Babe."] Napapikit ako at tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko. Nang sambitin nito ang salitang iyon.

"E-Eun Woo." Garalgal na sambit ko din sa pangalan niya.

["Babe, pwede bang magkita na tayo, sobrang miss na kita. I can not take it anymore, gusto na kitang makita! "] Pagma-ma-kaawa niya sa akin, ramdam ko ang hirap din nito dahil sa sitwasyon namin.

"Nasaan ka? Kailan ka pa dumating?" Magkasunod na tarantang tanong ko pa kay Eun Woo.

["I came home last night, nandito na ako sa bahay, Saan ka ba dinala ni Taehyung? Gusto mo bang sunduin na kita diyan?"] He said.

"No, ako nalang wait me there, pupunta na ako diyan ngayon."

["I miss you babe."] He said it again. Na lalong nagpataranta sa akin.

"I miss you too Eun Woo, hintayin mo ako diyan, I'm going now." Mabilis na sagot ko sa kanya. Then I hang up the phone.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na iligpit ang ilan kong mga gamit na inayos na ng mommy ko para sa pagpunta dito sa resthouse nila Taehyung.

***

Taehyung's pov;

Pagdating ko natanaw ko agad ang mga pagkain na inihanda ko sa lamesa para sana sa almusal ni Jennie. Pero mukhang hindi man lang iyon nagalaw. Lumapit ako sa malakinh glass wall upang tignan kung nasa garden ba ito. Nang hindi ko ito makita naisip kong tignan ito sa kwarto nito baka tulog parin hanggang ngayon it's almost 11 am na.

Tumawag kase sa akin si Jimin kanina na nagkaroon ng problema sa isang klinyente namin na madalas maglaro sa casino namin masyado nang malaki ang inutang nito kaya kailangan na naming papirmahin ito na kung sakaling hindi ito makabayad pwede namin kunin ang isa sa mga properties nito.

Akmang hahawakan ko na sana ang doorknob nang maulinigan ko ang boses ni Jennie na parang may kausap dahil sa curios maingat kong binuksan ng konti ang pinto ng kwarto nito upang mapakinggan ko ng malinaw ang sinasabi niya.

Halos madurog ang puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Eun Woo na sinambit nito, at parang nanlambot ang mga tuhod ko sa huling sinabi pa nito kay Eun Woo. Nang makita kong pinatay na ni Jennie ang tawag mabilis na akong bumaba papuntang salas ng bahay pabagsak akong napaupo sa sopa doon.

Hindi ko alam kung anong dapat gawin, dapat bang sinita ko na si Jennie kanina para naputol ang pag-uusap ng mga ito, pero alam kong kahit gawin ko iyon hindi naman doon lang matatapos ang pag'uusap nila.

"Taehyung!"

Para pa akong nagulat sa pagtawag na iyon ni Jennie sa akin, hindi ko napansin ang pagbaba nito mula sa silid niya.

~~~~~~~

🎵If love is blind
I'll find my way with you
' Cause I can't see myself
Not in love with you
If love is blind
I'll find my way with you

All the world is crazy anyway
What's it matter what they say
If I'm the one that's wrong
Then let in be my mistake.. 🎵

IF LOVE IS BLIND
By; Tiffany

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon