💕 You are the missing piece to my life. You are the answer to my prayers.. 💕
Jennie's pov;
-Ilang buwan pa ang lumipas, nanatili parin si Taehyung sa tabi namin ng anak kong si Enzo, Tinupad naman nito ang mga sinabi niya na mamahalin at ituturing niyang tunay na anak ang naging anak namin ni Eun Woo.
Gusto ko sanang pasalamatan siya dahil sa kanya hindi na lalaki ang anak namin na walang kinikilalang ama at may gagabay na sa kanya hanggang sa paglaki nito. Panatag ako na magagampanan iyon ng maayos ni Taehyung dahil ngayon palang nakikita ko na kung gaano niya kamahal si Enzo.
Naalala ko pa na mas madalas pa nga na si Taehyung ang nagpupuyat upang alagaan at bantayan si Enzo sa tuwing mag-iiyak ito sa hating-gabi. Natuto na rin si Taehyung na magtimpla ng gatas at magpalit ng diaper nito.
Minsan nagigising nalang ako na nakatulugan narin nito ang pag-hehele niya kay Enzo, Habang nakahiga si Enzo sa dibdib nito at ang mga braso ni Taehyung na nakayakap sa anak ko. Upang hindi ito malaglag.
Minsan din nakaka-ramdam ako ng awa sa tuwing nakikita ko siyang natutulog sa sopa dito sa kwarto ko upang bantayan ang anak ko, May sarili namang kwarto si Enzo na ipinagawa pa ni Taehyung katabi din ng kwarto ko, pero dahil baby pa siya kaya mas gusto kong dito ito natutulog sa silid ko.
Katuwang ko parin naman si Nayeon sa pag-aalaga sa anak ko hindi na ako kumuha nang yaya, mas gusto ko na si Nayeon ang kasama ko hindi narin iba ang turing ko sa kanya. panatag din ako dahil isa itong nurse, pero sinabi nito sa akin na kapag kinasal na sila ni Hoseok ay aalis na siya, but for the meantime mananatili muna siya dito sa bahay namin para alagaan si Enzo.
***
At the casino club..
Taehyung's pov;
Maaga akong umalis sa bahay dahil sa pagtawag ni Jimin, sa totoo lang mas gusto ko nga na sa bahay lang tumambay maghapon mas nag-eenjoy ako na kasama si Jennie at alagaan si Enzo. Kaya lang kailangan kong magtrabaho at puntahan si Jimin, medyo nagkaroon lang ng konting problema na hindi maayos nito. Lately napapansin ko na parang problemado si Jimin.
Hinihintay kong kusa itong magsabi sa akin, dahil kilala naman ako nito na hindi nag-uusisa sa problema nang iba, pero handa ko naman itong damayan kung sakaling may problema nga ito.
"Jungkook, ikaw na muna ang bahala dito" Sabi ko sa kanya na mukhang busy sa laptop nito. Kanina pa umalis si Jimin upang umuwi sandali.
" Okay" maiksing sagot niya sa akin, naparolled eyes nalang ako at nilapitan ito.
" Ano ba yang ginagawa mo?"pasupladong tanong ko sa kanya.
"May inaayos lang ako" parang wala sa loob na sagot niya sa akin.
"Babae na naman ba yan? Kailan mo ba yan titigilan ha?" Pangungulit ko pa sa kanya.
Napaangat naman ang tingin niya sa akin, na nakakunot ang noo.
"How did you know?" Sabi niya, tapos unti-unting lumapad ang mga labi nito at parang nakakaloko pang ngumiti sa akin.
Napairap ako sa kanya.
"Para kang tanga alam mo ba yun?" Nasambit ko sa kanya dahil sa inis sa kumag na ito.
Tinalikuran ko na ito pagkatapos ko iyong sabihin sa kanya at lumakad na papunta sa pinto upang lumabas.
"Hey Taehyung, Why don't you tell that to yourself?" Kalmadong Saad niya sa akin. Napatigil ako at nilingon siya.
"What?" Naiiritang sambit ko.
"You know what I am talking about, by the way just kissed Enzo for me" Yun lang at muli na naman nitong itinuon ang atensyon sa laptop niya.
"Tss.." mahinang sambit ko, naiinis na muli ko itong tinalikuran at tuluyan nang lumabas ng opisina.
Maya-maya bigla akong napatigil sa paglalakad at muling nilingon ang nakasaradong pintuan ng private office namin. Damn that guy! kailangan pa ba niyang ipaalala sa akin ang salitang iyon.
Kung katangahan nga ang ginagawa ko, well I'm happy being called stupid, dahil masaya akong mahalin si Jennie at ang anak nito,
Even though she hurt me a lot of times, I still have the hope that someday she will realize my worth. And then she will learn how to love me..
~~~~~~~
🎶I like your eyes, you look away when you pretend not to care
I like the dimples on the corners of the smile that you wear
I like you more, the world may know but don't be scared
Coz I'm falling deeper,
baby be preparedI like your shirt,
I like your fingers, love the way that you smell
To be your favorite jacket, just so
I could always be near
I loved you for so long,
sometimes it's hard to bear
But after all this time,
I hope you wait and see Love youevery minute, every second Love you everywhere and any moment
Always and forever
I know I can't quit youCoz baby you're the one,
I don't know how I love you til the last of snow disappears
Love you til a rainy day
becomes clear
Never knew a love like this, now
I can't let go I'm in love with you, and now you know.. 🎶I LIKE YOU SO MUCH, YOU'LL KNOW IT (A Love So Beautiful OST English )
.....................
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfiction'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...