Chapter 89

69 3 0
                                    


💕 Love is composed of a single soul inhabiting two bodies.. 💕

Taehyung's pov;

Matapos ang halos dalawang araw na pakikipag-meeting ko sa President/CEO ng KIA CAR CORPORATION, nagpahinga lang kami sandali ni Namjoon sa Hotel na tinuluyan namin dito sa busan.

Kahapon, nakipag-meet kami sa ibang may katungkulan din sa KIA, pinuntahan namin ni Namjoon at Hoseok, kung saan binubuo ng mga staff ng mga ito ang mga produkto nilang mga sasakyan, Ipinasyal din kami ng mga ito sa mga natapos na sasakyan upang ipakita na maayos silang gumawa ng mga Luxury car.

Importante sa akin na hindi kami masira sa mga nagiging costumer namin pagdating sa pagbili nila ng mga sasakyan. Pagkatapos nun, inanyayahan muna kami ng mga ito na uminom sa isang sikat at mamahaling Hotel, kung saan kami nakatuloy nila Namjoon.

At kinabukasan nga saka kami nakipag-meeting sa CEO ng KIA, at nagkaroon kami ng deal na tinanggap ko naman. At dahil din sa matagal nang kaibigan ng Daddy ko ang may-ari nito kaya nagkaroon ako ng tiwala sa kumpanya nila.

"Namjoon, mauuna na kayong umuwi, Isabay mo na si Hoseok" Utos na sabi ko kay Namjoon habang hawak nito ang cellpone, hindi ko maintindihan sa lalake na to kung anong mayroon sa cellphone niya na hindi nito magawang bitawan.

Nakuha ko naman ang atensyon nito at tumingin sa akin. "Teka, bakit? May gagawin ka pa ba dito?" Mga tanong ni Namjoon sa akin.

"Ahm, Tumawag si Jimin nandito daw si Mr Wang, gusto daw makipag-usap sa akin, kaya mauna na kayo, hindi ko pwedeng hindian si Mr Wang. Isa yun sa pinaka-importanteng costumer namin sa Casino Club" Paliwanag ko sa kanya.

"Anong oras ka ba uuwi?" Naitanong naman ni Hoseok sa akin.

Tumingin muna ako sa relo ko bago ito sinagot.

" It's almost 1pm, maybe mga 3pm nasa biyahe na din ako pauwi." Sagot ko kay Hoseok.

Nasa 3-5 ang biyahe pauwi mula dito sa busan hanggang sa Seoul, Kung alas tres ako aalis makakauwi ako ng 8 na nang gabi, Sa mga oras na yun siguradong gising pa si Enzo.

***

Habang papunta ako sa Luxury golf resort ni Mr Wang sa haeundae busan. Tumawag sa akin si Namjoon upang ipaalam na nasa biyahe na ang mga ito.

"Taehyung!"masayang salubong ni Mr Wang nang makita ako.

Halos kasing-edad lang din naman namin ito ni Namjoon, matanda lang naman si Namjoon sa akin ng isang taon at itong si Mr, Jackson Wang ay ganon din.

"It's nice to see you again, Mr Wang." Masayang sambit ko rin sa kanya.

"Jackson, call me Jackson, parang ang tanda ko na kase kapag tinawag akong Mr Wang, "  sabi nito sa akin na bahagyang tumawa, nakangiti nalang akong tumango sa kanya.

Inakbayan ako nito upang igiya sa isang table na may nakapatong na isang mamahaling alak.

"Ahm, Ayokong uminom, bibiyahe pa ako ngayon pagkatapos nating mag-usap, pabalik sa seoul" Pinangunahan ko na ito upang makaiwas sa pag-inom. "Hanggang ngayon nga may hung-over parin ako dahil sa pag-inom namin kagabi nila Namjoon," muling kong saad sa kanya.

"Ah, ganon ba, Okay, then..  Let's talk about business" nakangisi niyang sabi sa akin.

Napataas naman ang isang kilay ko, dahil sa sinabi nito, akala ko may sasabihin lang ito tungkol sa Casino Club ko.  O di kaya ay makikipag-kwentuhan lang sa akin sandali.

"What do you mean, business?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Gusto ko sanang magsosyo tayo, Magtatayo ako ng isang casino club din dito at gusto kong ikaw ang maghandle nun," kalmadong saad niya sa akin.

"Ahm, Dapat siguro si Jimin at Jungkook ang kinausap mo about this, kung gusto mo ng expansion para sa casino club namin, pagdating diyan pinauubaya ko na yan kay Jimin at Jungkook" kalmadong sagot ko rin sa kanya. "Mas priority ko kase ang car business" dugtong ko pa sa sinabi ko.

"Alright, Oh, I heard na nanalo ang Mazda na ginawa ninyo sa World Car Awards, Congratulations!" Masayang bati niya sa akin.

"One of these days, bibili ako ng Luxury car sa inyo, pwede mo ba ako bigyan ng discount?" Tanong niya pa sa akin habang nakataas ang dalawang kilay nito.

"Sa yaman mong yan, hindi ka na dapat nanghihingi ng discount" saad ko. Napatawa naman ito dahil sa sagot ko.

Tipid akong napangiti sa kanya, halos dalawang oras din kami nagkwentuhan lang ng kung ano-anu, nang magpasya na akong umuwi, Nagpaalam na ako sa kanya sinabi nitong makikipag-usap ito kay Jimin pagbalik nito sa seoul.

***

Habang nasa biyahe ako, narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Jimin iyon. Kinunekta ko ito sa bluetooth upang makapagmaneho ako ng maayos.

"Jimin" Sambit ko sa pangalan niya.

["Taehyung, nakapag-usap ba kayo ni Jackson?"] Bungad na tanong nito sa akin.

"Yes" maiksing sagot ko kay Jimin, habang nakatuktok ang paningin ko sa kalsada.

["Bakit daw, anong pinag-usapan niyo?"] Curious na tanong niya sa akin.

"Gusto niyang sumosyo sa business natin and he want a casino club here in busan. At gusto niyang tayo ang maghandle nun" Inform ko sa kanya.

["What? Masyadong malayo yang Busan, pwera nalang kung gusto ni Jungkook na siya ang humawak diyan,"] narinig ko ang mahina nitong pagtawa.

Alam din kase nito na hindi papayag si Jungkook na tumutok sa isang negosyo, feeling ko nga pinanganak itong walang direksyon ang buhay.

Napailing ako at napangiti ng maisip ko iyon.

Papaliko na sana ako ng bigla nalang may sumulpot na isa pang kotse sa harapan ko, sa sobrang gulat ko mabilis kong iniiwas ang kotse ko at lalo akong nawalan ng control dahil sa bilis ng mga pangyayari, naramdaman ko nalang ang malakas na pagsalpok ng kotse ko sa isang matigas na bagay.

Habang unti-unting lumalabo ang paningin ko sa paligid, naririnig ko pa ang boses ni Jimin na pasigaw na tinawag ang pangalan ko sa bluetooth na nakakabit pa sa tenga ko.

Nakaramdam na ako ng pagkahilo at pamimigat ng talukap ng mga mata ko, dahil sa malakas na pagkakasalpok ng kotse ko, pero bago ako mawalan ng malay, biglang pumasok sa isipan ko si Jennie,

"Jennie," halos pabulong na sambit ko sa pangalan niya. Then suddenly, everything turns to black.

~~~~~~~

🎶 Over there,
just beneath the moon
There's a man with a burden
to keep

Now sleep will fall washout
rags n' paper bags
Homes and lives passing by
Who will see the beauty
in your life?
And who will be there
to hear you when you call?
Who will see the madness
in your life?
And who will be there to catch you
if you fall?

Now dreams run wild, as lovers
find their way
Through the night, not a care
in the world
And over there,
over the twinkling of the lights Harbor lights, say goodnight
one more time.. 🎶

BEAUTY IN MADNESS
By; Fra Lippo Lippi

.........

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon