Chapter 65

69 3 0
                                    



💕 Love is often times an illusion of what you want to see. But then sometimes when you see love, it is magic.. 💕

Taehyung's pov;

- Pag-uwi ko galing sa casino club, hinanap ko agad si Enzo at Jennie sinabi ni Wendy na pumunta daw sa mall ang dalawa, tatawagan ko sana si Jennie para alamin kung pauwi na ba ang mga ito, pero narinig ko ang pagbusina nang isang kotse sigurado akong sila Jennie na iyon kaya itinago ko nalang ang cellpone ko at upang salubungin sila.

Pagbukas ng pinto masayang tumakbo sa akin si Enzo nang makita ito.

"Daddy, I have new toys" pagbibida nito sa akin.

"Talaga! mommy bought you that?" Masayang tanong ko din sa kanya.

" Enzo, magpalit ka muna nang damit"  singit naman ni Jennie sa pag-uusap naming dalawa.

"Later mom" sambit naman nito kay Jennie, nagkibit balikat nalang si Jennie at umakyat na sa itaas. hinalikan ko ang pisngi ni Enzo bago ko ito ibinaba upang akayin sa salas at umupo sa lapag ng carpet.

"Ito ba ang binili ng Mommy mo ha?" Tanong ko habang tinatanggal ko sa box ang bagong remote control nitong eroplano.

"Hindi naman si Mommy ang pumili niyang laruan ko, It's Tito Yoongi!' Inosenteng sagot niya sa akin. Na nagpakunot ng noo ko dahil ngayon ko lang narinig ang pangalan na yun.

"Who's that?" Maang na tanong ko muli dito.

"He told me na he is your friend and also his brother, Ahm, wait.. what hi's name again?" Sambit nito at pilit inaalala ang sinasabi nitong kapatid din daw nung Yoongi.

"He sound's like my name Daddy, Eu-Eun.. Ah, Eun Woo!"natutuwa pang sambit nito nang maalala ang pangalan nun.

Nabigla naman ako nang sambitin nito ang pangalan ng tunay nitong ama.

"Tapos, I saw mommy crying, when we're in the restaurant, they always talking about Eun Woo's name.  Daddy where's the remote control?" Biglang pag-iiba nito sa ikinukuwento niya.

Nang makita naman nito ang remote control nagsimula na itong paandarin ang eroplanong laruan nito.

Napatitig ako bigla kay Enzo at kinabahan may balak na ba si Jennie na sabihin ang totoo kay Enzo, may biglang kumirot sa bahagi ng puso ko isipin ko palang na masasaktan si Eun Woo kapag nalaman nito na hindi ako ang tunay niyang Daddy parang hindi ko yata kakayanin na mag-iba ang pagtingin nito sa akin.

***

Matapos kumain, umalis ako ng bahay upang muling bumalik sa casino club, naabutan ko doon si Jimin na may mga pinipirmahang checke siguradong isa na naman sa mga mayaman naming guest ang nanghihiram ng pera na natalo sa paglalaro at gustong makabawi.

"Jimin"bahagya lang itong napataas ng tingin sa akin at muling ipinagpatuloy ang ginagawa nito.

"O, bakit bumalik ka?" Tanong nito nang hindi tumitingin sa akin.

"Let's drink" pag-aya ko sa kanya, napuna ko ang pag-ngiti nito habang nakayuko ito.

"Ano naman ang problema mo?" direktang tanong niya sa akin.

"Bakit kailangan bang may problema ako para lang ayain kang uminom?" Napataas ang isang kilay ko nang sinagot ko ito.

Tuluyan na nitong itinuon ang pansin sa akin nang matapos ang ginagawa nito.

"Let's get started!" Nangingiting sambit niya sa akin, napa-irap naman ako nang sabihin niya iyon.

Tumungo ako sa isang cabinet na puro mamahaling alak ang laman pinili ko ang vodka na madalas naming inumin kasama si Jungkook.

"Si Jungkook nga pala? Tumawag na ba sayo?" Naalala ko bigla.

"Haist, kung ako naging ama ni Jungkook siguradong makakatikim siya sa akin.  Alam mo bang sumusobra na siya sa pambabae niya, nakakainis na talaga! " Nangigigil na saad niya sa akin.

"Pabayaan mo siya, yun ang paraan niya para makalimutan ang nararamdaman niya kay Lisa" sabi ko bago sinalinan ang baso ni Jimin na nilagyan ko rin ng yelo.

" At ikaw ito naman ang paraan mo para makalimutan sandali ang problema mo kay Jennie, Tama ba?" Tinignan ko ito ng masama bago ko ininom ang baso ko na may lamang alak.

"Almost 4 years narin kayong nagsasama ni Jennie but until now wala paring pagbabago, hanggang kailan ka maghihintay sa kanya? Hindi mo ba talaga siyan kayang isuko?" Napatigil ako sa pagtaas ng baso ko para inumin at napatingin ng seryoso kay Jimin.

Bahagya akong napatawa nang mapakla,

Seriously bakit kailangan niya pang itanong iyon sa akin kung alam naman nito ang isasagot ko, pero para narin mas maunawain ng lalaking to kung bakit hanggang ngayon ayokong mahiwalay ito sa kin.

"Mahal ko siya Jimin, yun ang dahilan ko kaya ayokong isuko ang pagmamahal ko sa kanya, Im always ready to take the risk para sa pagmamahal na yun, at idagdag pa ang pagmamahal ko kay Enzo, kailangan ko pa bang ulit-ulitin yan sa'yo? Tsk.. Daig mo pa mommy ko sa pagtatanong" Naiiritang sagot ko sa kanya.

"Hahaha.. Sinusubukan lang naman kita kung ganon parin ang isasagot mo.. Pinapahanga mo talaga ako Taehyung, iilan nalang talaga tayong ganyan kung magmahal" nakakalokong sagot nito sa akin.

"Baliw, wag mong isama ang sarili mo, ikaw ang klase nang lalake na mataas ang pride at ayaw matapakan ang ego, kung ikaw siguro ang nasa sitwasyon ko siguradong gumive-up ka na" Seryosong sabi ko naman sa kanya.

"Aiss, grabe! Ganyan ba tingin mo sa akin?" Pero pagkatapos sabihin iyon ni Jimin biglang lumungkot ang itsura nito na pinagtaka ko.

"Maybe you're right, ayoko lang kase na igapos ang isang babae sa poder ko kung hindi niya ako mahal, Ibibigay ko ang kalayaan niya kahit mahal ko pa siya, kapag ganon, iisipin ko nalang na, We are not meant to be kaya ganon" Nasabi nito sabay tungga sa basong hawak nito.

"Really Jimin? Kaya mong pakawalan si Rose?" Napaangat bigla ang tingin nito nang marinig niya ang pagsambit ko sa pangalan ni Rose.

Pero muli itong yumuko at mahinang nagsalita.

"Sana nga pwede kung gawin iyon.. ang pakawalan siya" mahinang wika nito na tama lang upang marinig ko.

Nagtataka ako sa sinabi na iyon ni Jimin, pero hinayaan ko nalang at hindi na nag-usisa pa..

~~~~~~~

" I'd go anywhere for you
Anywhere you asked me to
I'd do anything for you
Anything you want me to
Your love as far as I can see
Is all I'm ever gonna need
There's one thing for sure
I know it's true
Baby, I'd go anywhere for you

I used to think that dreams were just For sentimental fools
And I'd never find someone
Who'd give their love so true
But I knew the very minute
Couldn't live my life without
you in it
And now I want the whole world To know... 🎶

ANYWHERE FOR YOU
By; Backstreetboys

Say That You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon