AFTER 3 MONTHS...
Jennie's pov;
"Daddy, look Tito Jungkook, bought me another toy car!" Masayang sabi ni Enzo sa Daddy niya pagdating nito kasama si Jungkook.
Lumapit agad ito kay Taehyung upang ipakita ang biniling laruan ni Jungkook sa kanya.
Nakangiting sumulyap sa akin si Jungkook na nginitian ko din, pagkatapos ay naglakad ito upang lumapit din kay Taehyung.
"Hey, Taehyung marami ka nang utang sa akin, akala mo hindi ko yan nililista, Tss" rinig kong reklamo ni Jungkook kay Taehyung.
"Tito Jungkook, what is utang?" Inosenteng biglang naitanong dito ni Enzo. Napatawa naman ako ng marinig ko iyon.
" Ahm, Nothing, Hahaha, binibiro ko lang Daddy mo!"natatawang sagot ni Jungkook, sabay kamot nito sa ulo niya.
Masaya akong minamasdan lang sila. Bahagya akong napasulyap kay Taehyung at muli nakaramdam na naman ako ng pangungulila dito.
Nangungulila ako sa presensya nito, sa mga ngiti nito, sa paraan ng pagtawa niya, ang boses nito na hinahanap-hanap na niya ngayon, Ang Taehyung na punong-puno ng buhay.
3 months na siyang comatose ang sabi ng Doctor na sa maayos naman na daw na kalagayan si Taehyung, nasa ayos ang lahat ng Vital niya, ang paggising nalang niya ang hinhintay naming lahat upang lalong masiguro ng Doctor niya ang maayos niyang pangangatawan.
Sa tatlong buwan na yun na nakahiga lang siya sa kama niya dito sa hospital, pero kahit kailan hindi ako nakaramdam nang pagod na alagaan siya.
Kahit na sinasabi ng parents ni Taehyung na kumuha kami ng private nurse ni Taehyung hindi ako pumayag mas gusto ko na ako ang mag-alaga sa kanya.
Sa pag-aalaga naman sa mga anak ko katulong ko parin si Wendy, paminsan-minsan kapag hindi busy si Lisa ang umaako na dapat na ginagawa ko sa mga anak ko.
Uuwi lang ako sa bahay namin ni Taehyung kapag may kukunin ako, at kapag kinakailangan ko naman na makapag-pahinga ng maayos. Tapos muli na naman akong babalik sa hospital.
Mabuti nalang din at nandiyan sila Jungkook upang gabayan parin si Enzo upang hindi malungkot. Madalas itong ipasyal ni Jungkook at Jimin, Si Namjoon naman mas lalong naging busy dahil sa kanya muna ipinagkatiwala ng Daddy ni Taehyung ang tungkol sa company.
Minsan may mga araw na palaging hinahanap ni Enzo si Taehyung, lalo na nung mga unang araw na hindi nito nakikita si Taehyung, iyak lang ito ng iyak. Kaya ginagawa ko pinapapunta ko si Jungkook sa bahay upang ito ang magpatahan kay Enzo, mas magaling kaseng mang-uto si Jungkook kesa sa akin. Siguro dahil parehas silang lalake ng anak ko kaya nagkakasundo silang dalawa.
"Tito Jungkook, when will Dady wake up?" Muling sambit ni Enzo, na nagpatuon ng atensyon ko sa kanya.
Napatingin sa akin si Jungkook na parang nagpapasaklolo, maraming beses na kase itong itinatanong sa kanya ni Enzo at mukhang nauubusan na ito ng idadahilan sa anak ko.
Nginitian ko ito at humakbang palapit sa kanila, kinarga ko si Enzo at iniupo sa gilid ng kama ni Taehyung.
"Taehyung, narinig mo ba ang anak mo? Kinukulit na niya kami kung kailan ka magigising?" Saad ko, at pilit kong pinakalma ang tono ng boses ko.
"Daddy, you should wake up na. Let's go home!" Singit ni Enzo. "Mommy, gisingin mo na si Daddy please, uwi na tayo" pangungulit na naman ni Enzo sa akin, at sigurado ako maya-maya lang muli na naman itong iiyak.
Sobra na niyang namimiss ang Daddy niya.
"Enzo, don't worry malapit nang gumising si Daddy, Miss mo na ba si Daddy?" Pag-aalo na tanong ko sa kanya. Tumango ito sabay patak ng luha nito.
Kaya naman hindi ko narin napigilan na maiyak din pero mabilis ko nang pinahid ang luha ko sa pisngi. At pilit na ngumiti.
"Miss ko na rin siya, pero sa ngayon kailangan niya pang magpahinga, para paggising niya malakas na malakas na si Daddy, para sabay kayo ni Thyra na bubuhatin niya di ba?" Muli kong pag-aalo sa kanya.
"Enzo, dont cry na, di ba big boys dont cry?" Sabat ni Jungkook.
"Daddy told me na pwedeng umiyak ang boys, kase umiiyak din daw siya kase love niya si Mommy,"
Nang marinig ko yun kay Enzo hindi ko napigilan na impit na mapaiyak at tumingin kay Taehyung.
Ngayon mas gusto ko lalo na magising na ito upang ako naman ang magparamdam sa kanya ng pagmamahal ko na ipinagkait ko sa kanya noon.
Ang pagmamahal nito sa akin na hindi ko alam kung kaya kong pantayan pero isa lang ang sinisiguro ko, Siya na ang magiging buhay ko ngayon.
~~~~~~~
🎶 One moment and suddenly
I felt it Leaving to commit
I Knew I couldn’t quit
All day all night•Cross the seas, desert to find it Searching every inch
I Was wandering for years
Baby I •I could make it better I could hold. you tighter
When it seems endless Oh you’re
the light •Uninvited feeling
Never know the meaning
You were the only one there for me •Eternal night, no end in sight,
you were the one
Gifting me with morning when there was no sunCan I take your hand now, baby hold on tight Oh~
I can make it right
All right All right Oh~
I can make it right
All right All right Oh~
I can make it right.. 🎶MAKE IT RIGHT
By; BTS
(English Version)( 💜💜💜. )
BINABASA MO ANG
Say That You Love Me
Fanfic'' Iwanan mo na siya Jen, Let's be together." Napahinto ako sa pagbibihis at napalingon kay Eun woo nabigla ako sa sinabi niya sa akin. Bahagya ko itong nilingon, naka-upo pa ito sa kama habang natatakpan ng kumot ang pang-ibaba bahagi ng katawan n...