Chapter 55

3.7K 105 5
                                    

"let's go" napatitig siya sa akin at bigla siyang umiling iling siya.

"hon ayoko natatakot ako sa patay" saka siya umiwas ng tingin sa akin.

"it's just zara let's go" hinigit ko na siya at parang takot na takot siya.

"hindi ka naman siguro mumultuhin ni Zara maam" biglang sabi ni Zeron at mas namutla lang siya kaya natatawa ako.

"i wanna go home dylan" biglang sabi niya pero hinawakan ko siya.

"let's go" nagpupumilit siya sa akin hanggang sa makarating kami sa harap ng kabaong at namangha ako kasi kamukhang kamukha ni Zara ang nasa kabaong, parang gusto kong umiyak kaya napalunok ako.

"Zara were here, i mean i am here to say sorry" napalunok ako dahil nanunuot ang dibdib ko kahit alam ko namang hindi siya si zara pero tumulo ang luha ko kaya huminga ako ng malalim saka tumingin kay shasha na ngayung nakatitig sa  mukha ng babaeng nasa kabaong hinigit ko siya palapit kasi palayo siya ng palayo hanggang sa nanginig siya.

"siya ba yan? talaga bang siya yan? patay na ba talaga siya? i saw her hand her hand moves" biglang sabi niya kaya napatingin kami sa kanya.

this is our plan to feak her out para mismo sa bibig niya namin malaman ang kawalanghiyaan niyang ginawa kay zara.

"anong pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya at titig na titig siya sa babaeng nasa kabaong.

"loook her hand moves and look dylan look" napatingin naman ako pero wala saka siya tinignan.

"wala nga ano bang sinasabi mo" umiling iling siya.

"patay na siya diba? let me see her wounds alam kong nasaksak siya" bigla niyang hinawakan ang bewang nito kaya hinigit ko siya.

"ano ba pati ba naman sa kabaong niya ganito ka" umiling iling siya.

"no she's dead then why her hand moves, her hand moves dylan" nag hy-hyestirical na siya habang pinipigilan ko siyang may gawin sa babaeng nasa kabaong.

"she's dead sinaksak siya sa tiyan and some nurse inject her with potassium so she's dead pero bakit siya gumalaw" galit niyang sabi and that's it, napatitig ako sa kanya.

"what did you say?" bigla siyang napaatras ng tinanong ko siya.

"how did you know na kaya namatay si zara dahil doon? sa pagkakalaam ko wala kang alam sa lahat na nangyari kay zara" napalunok siya.

"did you kill her?" napailing iling siya sa akin pero hinawakan ko ang balikat niya

"DID YOU KILL HER?" sigaw ko kasi gusto kong umamin siya, hinigit ko siya at hinarap sa babaeng nasa kabaong.

"IKAW BA ANG DAHILAN KAYA NAMATAY SI ZARA? TIGNAN MO SIYA! TIGNAN MO!" bigla nalang siyang umiyak at humarap sa akin.

"YES I KILL HER DAHIL SAYO, DAHIL AYOKONG MAALALA MO PA SIYA AYOKONG BUMALIK KA SA KANYA, OKAY NA TAYO PERO ANO BA ANG NANAGYARI? SIMULA NG MAKASAMA MO SIYA SA PALAWAN NAGING IBA KA, SIMULA NG MAKASAMA MO SIYA NAG IBA KA, AKALA MO BA HINDI KO MALALAMAN? YOU KISS HER PERO SA AKIN HINDI MO MAGAWA" umiiyak niyang sigaw sa akin ng biglang may pulis na pinusasan siya na siyang ikinagulat niya.

"hinuhuli ka namin sa salang pag utos na patayin si Miss Zara De Dios" sabi ng pulis sa kanya at nakatitig lang siya sa akin.

"im sorry shasha pero sumusobra ka na, i should thank you ng dahil sayo i regained all my memories i had" napailing iling siya.

"how? how?" umiiyak niyang sabi kaya tumingin ako sa pulis.

"sige na po nasa inyo na po ang lahat ng ebedensiyang kailangan niyo my sister will do the other work to the jury"  tumango naman ang pulis sa akin.

"DYLAN! NO DYLAN! I CAN'T TAKE THIS KAKAWALA PALANG NG ANAK NATIN" napapikit ako saka ko pinatigil ang pulis at hinarap si shasha.

"wala tayong naging anak at hindi ka na magkakaanak alam na alam mo yan shasha" nagulat nanaman siya sa sinabi ko.

"you know but how?" i smile at her.

"you don't need to know" saka ako tumalikod sa kanya pero nagulat ako ng sinugod siya ni Zeron at sinampal ng dalawang beses.

"para yan sa pag tangkang pag patay sa ate ko" galit na galit niyang sabi saka na tumalikod kaya sumunod nalang ako sa kanya, ng nasa kotse na kami ay napatitig siya sa akin.

"naalala mo na ang lahat kuya?" ngumiti ako sa kanya.

"oo kanina lang ng papunta tayo dito bigla nalang may naalala ako kaya natahimik ako kanina kasi naalala ko ang lahat sa isang iglap lang" napatango naman siya.

"mas mabuti kung ganon kasi makakatulong yun kay ate pag nagising na siya, ang importante tapos na ang problima natin kay shasha sa inyo nalang ni ate" ngumiti ako sa kanya.

"tama ka" sabi ko nalang at napahinga ng malalim.

"Zeron may hihilingin lang sana ako sayo" tumango naman siya sa akin at tinignan ako kaya napahinga ako ng malalim.

"Kung magising man ang ate mo can you pretend na hindi ko pa rin naalala ang lahat? Can you do that?" Napatitig siya sa akin.

"Bakit? I mean kuya mas mabuti na yung malaman ni ate na okay ka na, naalala mo na ang lahat"  napakagat labi ako.

"I just wanted to start to zero again with your sister, ayokong malaman na niyang naalala ko na ang lahat gusto kong magsimula ulit kami, ayokong mag away pa kami at pag usapan pa ang nakaraan, kung liligawan ko siya ulit gagawin ko yun para sa kanya basta wag mo nalang sabihin sa kanya, all i want for now is good, ayoko ng bumalik sa dati at ayoko nang pag usapan pa ang nangyari na" nakatitig lang siya sa akin.

"Diba parte naman yun sa buhay natin ang nakaraan?" Tumango ako sa kanya.

"Alam ko pero minsan mas mabuti nang hindi na pag usapan ang nakaraan kung alam mo naman na makakabuti yun" napangiti naman siya sa akin.

"Ikaw ang bahala kuya, basta ang hiling ko lang sayo wag na wag mo ng sasaktan si ate ayokong ulitin mo ulit yung sinampal mo siya," napakagat labi naman ako

"Sorry, sorry kung nagawa ko yun sa ate mo, at sorry dahil sa akin kaya nangyari to sa kanya ngayun" umiling iling naman siya sa akin.

"Kay ate ka mag sorry wag sa akin" huminga siya ng malalim dahil hinintay lang namin na umalis ang police patrol, at saka kami umalis na

to be continued..

TheMirrorPrincess
0

3022021

The Billionaire Sweet Chances (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon