Chapter 89

3K 85 2
                                    

Zara POV 

Hindi ako makasagot sa tanong ni Dylan kanina pero hindi niya ako pinilit pero nakita ko ang sakit sa mga mata niya, minsan naiinis ako sa sarili ko kasi kung anong nasa isip ko ay talagang nasasabi ko. Magkatabi na kami ngayun sa kama at may kausap lang siya sa cellphone niya si top ang kausap niya, at ng matapos siya ay ngumiti siya sa akin i already did the test pero takot akong tignan yun kaya inilagay ko nalang muna sa sa banyo sa cabinet.

"hon galit ka ba?" tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at niyakap ako sabay halik sa pesnge ko.

"bakit naman ako magagalit?" napahinga ako ng malalim at niyakap siya.

"im sorry kung minsan kung ano ano nalang ang sinasabi ko pero hon" tumingala ako sa kanya kaya napayuko siya sa akin.

"kung alam mo lang kung gaano ako kasaya habang iniisip kong buntis ako at ikaw ang ama kaya ayokong isipin mo na hindi pa ako handa, naalala ko lang talaga sila mommy at daddy inaamin ko nakalimutan ko yung pangako ko sa kanila, but if im really pregnant masaya ako hon" ngumiti siya at hinalikan ako sa labi pero agad rin namang lumayo.

"are you really ready to have a family with me?" marahan akong tumango.

"im ready hon" natawa kaming pareho at ngayun nakita ko ang saya saya niya.

"sorry ha" umiling iling lang siya sa akin pero bago yun ay napahinga ako ng malalim.

"hon, i did the test already pero kanina pa yun sa banyo natatakot akong tumingin kung ano resulta" napangiti naman siya.

"well let's see that result later for now i wanted you to closed your eyes" nagtataka akong tumingin sa kanya.

"bakit?" ngumiti lang siya at hinalikan ako sa labi.

"sige na" wala naman akong magawa and because i trust him ay pumikit nalang ako saka naman naramdaman ko ang pag lagay ng tali para matakpan ang mata ko.

"hon it's already 11pm san tayo pupunta?" i just feel his kiss on my lips.

"secret my love" napangiti ako sa sinabi niya.

"bubuhatin na kita okay so hold on me" paalala niya sa akin kaya tumango at nang kargahin niya ako ng pangkasal ay napayakap ako sa leeg niya medyo masakit sa ulo kasi parang umiikot kaya sinandal ko nalang ang ulo ko sa balikat niya habang karga karga niya ako na parang gusto kong matulog.

"hon don't fall asleep" napangiti ako sa sinabi niya.

"bakit nasabi mo yan?" natatawang tanong ko.

"cause i feel your heavy breathing, sandali lang to don't fall asleep yet" napangiti nalang ako lalo.

"oo na" sabi ko sa kanya hanggang sa gininaw ako.

"nasa labas ba tayo?" takang tanong ko dahil sa sobrang mahangin but he just response his kiss kaya hindi nalang ako ng tanong hanggang sa tumigil siya, dahan dahan niya akong ibinababa.

"stay still okay may kukunin lang ako wag kang gagalaw" bulong niya kaya tumango lang ako sa kanya saka ako napayakap sa braso ko dahil sa ginaw. 

"take off hon" rinig kong sigaw niya kaya sinunud ko siya kaso ng matanggal ko sobrang dilim kaya bigla akong natakot and just like 10 seconds ay nagulat ako ng biglang umilaw kasabay nun ang pag light ng salitang naka encraved in flowers HAPPY BIRTHDAY ZARA at kasabay nun ang paglapit ng isang karwaheng may sobrang gandang kabayo na kulay puti na napapalamutian ng maraming bulaklak, napatingin ako sa boung lugar pero hindi ko makita si Dylan, napangiti ako at bigla nalang tumulo ang luha ko para akong prinsesa dahil sa sobrang ganda ng karwahe na nasa harap ko ngayun.

The Billionaire Sweet Chances (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon