Chapter 84

3K 80 0
                                    

Dylan POV 

Napahilot ako ng sintido ko dahil lahat lahat ng ginawa nang ama ni shasha noon sa akin ay bumalik lahat lahat, lahat nang pagmamaltrato nila sa akin noon ay bumalik, napatingin ako sa kalangitan at napangiti nalang nang maalala ko ang mukha ni Zara kaya umayos na ako at magsisimula na sanang maglakad ng mapatigil ako ng makita ko silang lima.

"anong ginagawa niyo dito? how did you find me?" ngumiti si antonio sa akin saka niya ako inakbayan.

"mag usap tayo" saka niya ako pinapasok sa kotse ko at sumunod silang lahat sa pag pasok at si johnson ang nag drive kaya nagtataka ako.

"nasaan ang driver ko?" ngumiti si johnson.

"pinauwi na namin dahil hindi ka muna namin iuuwi" napahinga ako ng malalim sa sinabi nila kaya hindi ko nalang sila pinansin.

"and kinausap na rin namin ang future wife mo at pumayag naman siya" dahil sa sinabi ni Nathan ay napailing iling nalang ako, hanggang sa makarating kami sa isang bar kaya npatingin ako sa kanila.

"you know i already stop coming here" medyo naiinis kong sabi ng ngumiti sila.

"don't worry dhruv rent this bar para sa atin kaya wag kang mag alala tayo lang ang nandito no girls baka patayin pa kami ng asawa mo" saka nila ako hinigit kaya wala akong magawa nang makapasok kami ay umupo nalang ako saka naman may nag serve sa amin, kaya tinignan ko sila kasi wala naman akong masabi sa kanila.

"Dylan galit ka ba sa amin?" napatingin ako kay cole ng tanungin niya ako nun.

"bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko sa kanya nang nagkatinginan silang lahat.

"simula kasi nung nakipag ayos at nakipag sabwatan kami kay dhruv ay hindi ka na namin makita kaya nakonsensya kami sa ginawa namin" sagot niya sa akin kaya napangiti ako sa kanilang lahat.

"wala akong galit sa inyo saka nakaraan na yun kalimutan na natin kaya wag niyo nang isipin ang mga nangyari noon dahil nagbago na ako, gusto ko nang mag bagong buhay gusto ko nang kalimutan kung ano man ako noon" sabi ko nalang at kinuha ang wine na hinanda nila sa akin.

"totoo bang kakambal mo si Cohan?" tanong sa akin ni Johnson kaya tumango ako.

"long lost twin brother niya" napatango naman sila.

"so totoo pala talaga yung tsimiss na anak ka ng isang Kino Fugo?" napangiti ako sa sinabi ni johnson.

"bakit anong meron sa papa ko?" napangiti naman si Nicholas sa tanong ko.

"lahat pinapangarap na maging anak ng isang kino fugo dahil na rin siguro sa sobrang yaman ng ama mo, at isama mo pa ng ina mo na nag mamay ari ng isang plantasyon ng mga branded na tsokolate" napatango ako sa kanila.

"pero alam niyo kahit makuha man ang lahat lahat ni papa ang gusto niya may isang hiling siyang hindi natupad" mas lalo silang naging interesado sa sinabi ko.

"ano?" atat na tanong ni cole.

"yun ay ang mabuhay ng matagal ang daddy niya, bata pa lang si papa maaga siyang nawalan sa ama niya at tanging si lola nalang na ina niya ang tumatakuyod sa kanila ni Auntie Julianna" napatango naman sila sa sinabi ko.

"Totoo pala yung sinasabi nila na kahit sobrang yaman mo na pero may mga bagay pa rin na hindi aayun sayo, gaya nalang kay dhruv at sayo" napatango nalang ako sa kanila.

"pero bakit pala nakulong yung sikat na modelo na si shasha? nagtataka lang kasi kami bakit siya nakulong" napahinga ako ng malalim kasi kahit kailan talaga parang hindi lalake tong bibig ni johnson para siyang babaeng chismosa.

"cause she deserve it" sabi ko nalang dahil ayoko nang maalala pa siya kahit kailan.

"yung fiancee mo dylan hindi mo ba siya naalala?" napatingin ako kay nathan ng tanungin niya ako nun, napakunot noo ako sa kanya.

"si Zara?" tumango siya sa akin.

"hindi mo siya naalala?" napatingin ako kay Antonio nang tanungin niya nanaman ako.

"bakit?" Takang tanong ko ng biglang napangiti si Johnson.

"alam mo ba nagulat kami nung malaman naming siya ang magiging asawa mo" kinikilig niyang sabi kaya palipat lipat ang tingin ko sa kanila.

"anong ibig niyong sabihin?" i look Nathan.

"anong meron kay Zara?" seryosong tanong ko ulit.

"siya yung first year high school na tumulong sayo sa restaurant nung inakusahan kang ninakaw mo raw yung singsing sa porposal nung lalake"takang takang ako sa sabi ni Nathan pero napatingin tingin lang ako sa kanila dahil hindi ko maalala.

"hindi mo maalala?"marahan akong umiling sa dami ba namang problima ko noon yun pa ba ang aalahanin ko.

"come on dylan nung muntikan na ngang itulak si Zara ay susuntukin mo sana yung lalake pero pinigilan ka niya" dahil sa sinabi ni Johnson ay may isang scene na bumalik sa alaala ko saka ako nagulat.

Maiging nagluluto si Dylan para sa customer na umorder ng biglang bumalik si Cole na parang hindi alam anong gagawin.

"Dylan diba ikaw ang gumawa nung cake?" napatingin siya dito at ibinigay kay Antonio ang ginagawa niya saka hinarap si Cole.

"oo bakit? anong nangyari? okay naman yung proposal cake" tumango siya.

"oo okay naman kaso wala daw ang sing sing sa cake wala daw" napakunot noo siya sa sinabi nito.

"paanong nangyari yun eh kitang kita niyo naman na inilagay ko ang box ng singsing kasama na rin ang singsing so paanong wala sa cake?" takang tanong niya.

"nag wawala sa VIP anong gagawin natin? nakakahiya sa ibang customer at pinag uusapan na ang restuarant na hindi daw mapagkakatiwalaan" napahinga siya ng malalim.

"ako na ang bahala" agad siyang lumabas para harapin ang nagwawalang customer.

"NASAAN ANG GUMAWA NG CAKE NA TO KINUHA NIYA ANG SING SING WAG NA WAG NIYONG SISIRAIN ANG PROPOSAL KO IBALIK NIYO ANG SINGSING MGA MAGNANAKAW" galit na sigaw nito kaya humarap siya sa lalakeng ito.

"sir ako ang gumawa ng cake may problima ba?" ngumiti ito sa kanya saka nito hinanap sa cake ang singsing at nakita niyang wala na sa loob ng box ang sing sing.

"kita mo walang laman ang box, mauubos nalang ang cake wala pang singsing na nakita ang girlfriend ko so nasaan? nasaan ang singsing? kinuha mo dahil ibebenta mo? yun na ba ang mga modos niyong mahihirap?" napangiti siya sa sinabi nito at pilit kumalma.

"sir lahat po ng mga kasama ko nakita akong inilagay talaga sa cake ang singsing dahil yun ang request niyo" tumawa ito saka tumingin sa lahat ng tao.

"kita niyo nagmamalinis kahit may ibendensya nang kinuha niya, ngayung bayaran mo ang singsing at lahat ng damage na ginawa mo para sa proposal ko sa girlfriend ko" sigaw nito sa pagmumukha niya kaya napahilot siya sa sintido niya marami na ang kumukuha ng litrato at videos kaya kumalma siya.

"sir nagsasabi talaga ako ng totoo nagtratrabaho ako ng maayos dito" sabi niya dito pero tumawa ito.

"bayaran mo ako ng isang milyong peso dahil sobrang mahal nung singsing na yun at niwala mo lang" nagulat siya sa sinabi dito.



to be continued.....

TheMirrorPrincess
3

1121

The Billionaire Sweet Chances (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon