Nami's PoV
Napangiti ako sa sarili ko sa harap ng salamin nong maalala ko yung nangyari sa amin ni Raineer nong isang araw. Yung mga labi niya na lagi kong inaasam. Kailangan pala idaan siya sa mabilisan, masyado kasing pakipot e.
Kahit na saglit lang iyon ay feeling ko matagal kaming naghalikan. Masarap... at hindi matutumbasan ang labi niya ng iba. Kahit na itinulak niya ako nong araw na yun ay hindi pa rin ako titigil para lang mahalin din niya ako.
Nagsisimula palang ako at hihintayin ko yung araw na matututunan din niya akong mahalin.
Kung kailangan ko siya akitin, aakitin ko siya para mapasaakin siya ng tuluyan.
"Hey Nami..." I blinked twice nong tawagin ako ni Janice. I saw her at my back so I smiled.
"He kissed me." sabi ko habang nakatingin sa kanya sa salamin.
"Ofcourse he kissed you. His your husband after all." she said. I know she didn't get it.
Umiiling ako saka tuluyang humarap sa kanya at ngumiti.
"Hindi siya."
"What?? and who else kissed you?" nakakunot noo-ng tanong niya.
"Si Raineer..." nakangiting sabi ko sabay hawak sa labi ko at nagflaflashback sa akin ang nangyari.
"Raineer? When? Are you out of your mind Nami?" She yelled but I don't care. Umiling ako saka humarap ulit sa salamin.
"Kung ayaw mong maniwala, hindi kita pipilitin para maniwala sa akin. Basta ramdam ko na mahal ako ni Raineer. Ramdam na ramdam ko yun Janice."
"Tss. You're insane! Ipapaalala ko lang sa'yo ha, THAT's your sister's husband, Nami. So please stop this na. Hindi na ko natutuwa sa ginagawa mo. Akala ko ba nandito tayo para ayusin ang sa inyo ni Jhaz pero bakit parang may iba ka pang balak?'' I sighed at hinarap siya.
"Bakit ka ba nagagalit?"
"Because this is wrong Nami. Bakit kailangan mo pang landiin ang A-SA-WA ng kapatid mo? Besides, you have Jhaz and he loves you."
"Yes, I have him Janice! Pero hindi ko maramdaman na mahal niya ko, He still loves Ate Charlene!! Bakit ba lahat ng gusto ko siya ang gusto, Siya nalang palagi. Why can't I have a man who love me for who I am without comparing to my sister? Why Janice??" I burst out because of her. Hindi niya kasi maintindihan e.
She didn't answer me.
"...Kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha si Raineer sa kanya, gusto ko maranasan niya ang naranasan ko noon. Kung paano mamuhay ng mag-isa na wala sa kanya ang lahat ng mga taong gusto niya. Gusto ko ang atensiyon nila nasa akin lang at wala kay Ate!! Janice, alam mo bang inggit na inggit ako sa kanya dahil bata palang kami sila na ni Jhaz ang laging magkasama. Feeling ko hindi ako nag-eexist sa mundong 'to kaya hindi nila ako napapansin kahit na anong gawin ko... I feel alone all this time!" I mostly cried but I mannered not to. Ayokong umiyak at ayokong kaawaan ako ni Janice.
Niyakap niya ako...
"Nandito naman ako Nami e. Im your bestfriend at hinding hindi kita ikukumpara sa kahit na sinong tao." sabi nito saka siya kumalas sa pagkakayakap. "At hinding hindi matutumbasan ng iba ang katulad mo na mabait, mapagmahal at sweet na kaibigan. Mahal kita Nami not just a bestfriend but like a sister to me. So please, itigil mo na ngayon palang ang mga binabalak mo Nami. Please." dagdag pa niya. Tumango ako at sumunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...