Chapter 9

5.7K 105 2
                                    

Nakakatamad. Consume na naman ng trabaho namin, ayos ng mga papel dito ayos doon. Iba't-ibang tao na naman ang makakasalamuha namin, may mabaho ang hininga, yung iba may putok (na halos masuffocate kami dito sa lood dahil sa baho), yung iba naman akala mo halloween party ang pupunthan dahil sa kakapalan ng make-up e. Hahaha. At yung iba naman akala mo kung pupunta ng JS Prom kung makapagdamit wagas at yung iba... Masakit sa paningin dahil kung makapagdamit akala mo'y nauubusan ng tela dahil sa igsi ng palda at walang manggas ang damit (inshort nakaTUBE ang ateng niyo.. tsk tsk...), yung totoo anong inapplyan nila dito? -_- Applying center kasi itong pinagttrabahuhan namin ni Ella, dito nag-aapply yung mga gustong makapagtrabaho sa isa sa mga sikat na Hotel dito sa Pilipinas at yung Hotel na yun ay pagmamay-ari lang naman ng mga Salvador.

Paminsan minsan pumupunta dito si Rain at kung minsan nandoon din siya sa Hotel para samahan ang pinsan niya sa pagmamanage nito.

"Goodmorning." Bati ko sa mga aplikante. "Can I get now your resume or biodata's?" binigay naman nila sa akin ang mga resume at bio-data nila, nasa mga 28 ang aplikante. Mukhang madami ang nangangailangan ng trabaho ngayon ah. Hassle to, may mga dumadating pang mga applicant. Wala pang 9 AM ay nagsimula na akong magtawag ng pangalan. Pinagsign-up ko muna sila sa site namin atsaka pinalike ang page namin sa facebook bago sila isa-isang pinapunta sa interview room. May mga ilan ng nakapasa para sa next interview at may mga ilan din namang better luck next time.

Inaayos ko ang mga papel ng biglang dumating si Rain na may hawak na... payong? Umuulan ba sa labas? Tsk tsk. Ke bagong taon umuulan, ano ba yan.

"Goodmorning Sir." Bati ng mga kaofficemates ko pati na rin si Ella. Wala akong time para batiin siya at saka haller~ Araw-araw na kaya kaming magkasama nakakasawa na pagmumukha niya tapos babatiin ko pa siya? Atsaka ang usapan, walang pakialamanan di ba? Pero paano yung sinabi ko sa sarili ko na dapat kong iopen ang puso ko sa iba? Haayy.

"hoy goodmorning!!" Pagbati sa akin ni Ella. Oh di ba ang bait niyang bestfriend, talagang hinampas pa ako sa balikat para lang bumati. Hindi ko nalang siya pinansin at inayos ang mga papel ng mga aplikante. Tinitignan ko kasi kung may kulang sa mga nilalagay nila sa resume nila. Yung iba kasi walang height or weight na nakalagay e yung height ang tinitignan ko dito. Tapos yung iba naman kulang ang info's nila, pero syempre iniinterview pa rin ng mga interviewer namin.

"Ano, si Sir Rain ang mag-iinterview?"

"Oo. Nandoon na nga siya sa interview room e..."

"Sigurado ka ba diyan?"

"Oo naman. Nagpapatawag na nga siya ng iinterviewhin niya e."

Napakunot noo ako sa mga narinig ko mula sa kaofficemates ko. Tsk. Ano na naman kaya ang pumasok sa isip nong taong yon at mag-iinterview siya? Tumayo ako at pumunta kung saan naroon si Rain para itanong kung ano bang balak niya... Kumatok muna ako ng tatlong beses at ng marinig ko siya nag'come-in' ay pumasok na ako.

"Mag-iinterview ka daw?"

"Yes. Can you call one of the applicant for me? Thanks."

Aba't... Grr. Okey fine. Bastos kausap ni hindi man lang ako tinignan habang nagsasalita siya. Ingudngod ko mukha niya sa newspaper na hawak niya, makita niya... Ugh!!! *insert pagkabwesit here

Pagkalabas ko ng interview room dumeretso ako sa labas para magtawag ng aplikante... "Diosdado Kulasa... please follow me inside." Medyo nasa katandaan na 'tong aplikante at base sa resume niya na hawak ko ay 56 years old na siya at nagtrabaho bilang janitor sa isang mall at marami pa siyang napagtrabahuhan. Ito yung hindi marunong gumamit ng computer kanina na tinuruan ko ah. Teka parang matanda na ata masyado to. High school lang din ang natapos niya.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon