Chapter 16

3.9K 74 3
                                    

Charlene's PoV

"Cheers!" 

The wedding is done. Nanami and Jhaz's.

Simple lang yung kasal nila at ang reception dito na rin sa hotel nila Raineer. Masaya ako para sa kapatid ko na kahit simple wedding lang ang kasal nila ni Jhaz kompleto naman kami.

Nandito rin sina Mommy at Daddy pati na rin ang mga kaibigan ni Jhaz at Nanami. Ang akala nga ng mga kaibigan namin kami ang nagkatuluyan, nagsorry agad sila nong malaman nilang hindi ako ang bride ni Jhaz kundi si Nanami.

Kita sa expression ng mukha nila ang panghihinayang pero ano ba ang magagawa namin kung si Fate na ang gumawa ng kapalaran namin.

Hindi lahat ng nagtatagal sa isang relasyon ay sila na habang buhay.

Ang mga mag-asawa nga ng 15-20 years nahihiwalay e, ano pa kaya yung 3 years di ba?

"Cha let's go?"

"Huh? Saan naman tayo pupunta Rain? E hindi pa nga tapos tong kasal. Alangan namang umalis nalang tayo dito, nakakahiya naman."

"I have a surprise for you."

"Weei? Di nga?"  Pagbibiro ko sa kanya.  "Mamaya nalang kapag natapos na tong kasal, wag kang excited makikita ko rin yang surpresa mo." Sabi ko sa kanya at natahimik nalang siya.

Umalis si Rain sa tabi ko at kumuha siya ng cocktail niya sa may bar counter. Sosyal kapatid ko e, gusto niya may bar din daw kaya ayan pinagbigyan naman ni Jhaz. Mahilig din kasing magbar yang si Nami.

"Alis lang ako Cha ha, medyo nainggit kasi ako kay Rain e. Hehe."  Naningkit ang mata ko kay Ella tinatamad akong sumagot kaya sinenyasan ko nalang siya na umalis na.

Wala pang isang minuto umupo sa tabi ko si Jhaz at ipinatong ang hawak na glass of wine, ngumiti ako sa kanya and I congratulate him...

"Congrats Jhaz. Alagaan mo yang si Nanami ha. Alam mo naman medyo brat yan kaya pagtiisan mo na. Hehe."

"I know. I know. Bat wala kang kasama dito, nasan sina Raineer?"  Imbis na sumagot, nginuso ko sila sa may bar naintindihan naman ni Jhaz.

Ngumiti siya at bigla nalang ako niyakap saka bumulong...  "Thanks Chavi, for being a part of my life. I will never ever forget you. I love you!"

"I love you more Jj." 

Kumalas kami sa pagkakayakap, bakas sa mata niya na may luhang namuo dito ako naman ay agad kong pinahid ang luha ko.  Napatawa ako dahil sa kabaliwan naming ito.

"Hay naku. Tama na ang drama Jhaz, dapat Happy happy tayo. Di ba? Cheers? Hehe"

"Cheers. ^___^"

Rain's PoV

"One mojito please."

"Ok sir. Coming."

As I watch the bartender to pour the spirit on an old-fashioned glass, Ella patted my shoulder and sat beside me.

"Tequila sunrise nga." Pag-oorder nito.  "...So Rain, ano na magkwento ka tungkol sa status niyo."

I smiled before I drink my mojito... "nothing much. I think she moved on..." I answered.

"Hope so." Sagot niya.  "...Ano nga pala yung sinasabi ni cejay na surprise mo kay Charlene?"

"Tss. That man. Napakatsismoso talaga."

"Haha. Masanay ka na don..."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sinagot nalang ang unang tanong niya.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon