----Conscience----
"Ano ka ba naman Chacha, opportunity mo na yan kaya grab it at saka ang tanda mo na!" kanina pa ko naiirita kay Ella dahil kanina pa siya salita ng salita na kesyo pumayag na daw akong magpakasal kay Mr. stranger. Opportunity, pwew! Magandang opportunity ba ang magpakasal sa hindi mo gaanong kakilala. Baka mamaya may balak palang patayin ako niyan edi nasayang lang buhay ko para sa wala, hindi ba?
Atsaka hindi ako easy-to-get para magpakasal sa taong hindi ko naman gaanong kilala at lalong lalo na't hindi ko naman mahal kahit na gawin pa niyang peke ang kasal namin.
Oo, peke ang magiging kasal namin. Ang sabi ni Mr. Stranger pipirma kami sa mga papel pero hindi naman daw niya ipaparehistro yun para walang bisa daw ang kasal. Once kasi na hindi niyo pinaregister ang kasal niyo ay hindi siya magiging official na kasal nga kayo.
Pero ayaw ko pa ring pumayag sa alok ng Mr. Stranger na yun dahil nangako ako sa sarili ko na sa tamang panahon ikakasal lang ako sa taong mahal ko at mahal ako.
"Chacha ano napag-isipan mo na ba? Bukas na yung deadline mo ng pag-iisip kung papayag ka or hindi."
Binigyan ako ng 1 week ni Mr. Stranger para mapag-isipan ko daw ng mabuti. Haller, para naman akong may utang sa kanya na may palugit pa. tsk.
"Ano papayag ka na ba?" napahawak nalang ako sa noo ko saka hinamas ito at humarap kay Ella.
"Ella naman... Pwede bang tantanan mo na ko sa kakasabi mo niyan? Nakakarindi na kasi sa tenga e atsaka kahit na anong gawin mo hindi ako papayag sa kagustuhan ng taong yun!" pagmamakaawa ko sa kanya. Sumasakit na talaga ulo ko kay Ella.
Napa'tsk' nalang siya saka nilagay sa push cart ang girls pad na kanina pa niya tinignan kung saan ba ang kukunin niya. Nandito kasi kami ngayon sa hypermart, nagggrocery ng mga gamit at pagkain namin sa unit.
"...Atsaka ang alam ni Nami wala ak-----"
"Rain?" napakunot na naman ako ng noo ng may biglang tawagin si Ella mula sa likod ko kaya napalingon din ako sa likod ko. And to confirm... si Mr. Stranger nga.
Nag-aalangan pa siyang lumapit sa amin at palipat-lipat ang tingin niya sa amin at sa gilid niya. Nasa may bandang dulo kasi siya at kami naman nasa may kabilang dulo.
Hinila ako ni Ella kasabay ng patulak niya sa push cart at nilapitan namin si Mr. Stranger. Tsk. Mas gwapo siya kapag nakaattire siya. Hey! Hindi ko siya nagugustuhan sadyang nagcocomment lang ako ngayon dahil nakamen's short siya ng kulay light brown at nakawhite shirt na fit sa kanya na mahahalata mo ang biceps niya. Tss. yabang.
"Nandito ka rin pala, Rain. Sinong kasama mo?" tanong ni Ella sa kanya.
Well, wala naman akong balak kausapin yan dahil wala akong interest na kausapin siya.
"Si Mo----" naputol ang pagsasalita ni stranger ng may biglang lumapit sa kanya na hindi ko inaasahan na makikita ko.
"Hijo, tama na ba 'to o gusto mong dagdagan pa?" Hindi kami napansin ng nanay ni Mr. Stranger kaya agad kong hinila si Ella at paalis na sana kami ng bigla ulit siyang magsalita.
"Si Charlene yon, hindi ba hijo? Charlene..." napako ako sa kinatatayuan ko at unti-unti akong humarap sa direksiyon ng mag-ina.
Nakangiti ng malawak ang nanay ni Mr. Stranger saka ako nilapitan at ang mas ikinagulat ko ay ang pagyakap at ang pagbeso niya sa akin.
"K-kumusta po kayo?" nauutal na tanong ko. Nakakainis kasi si Ella e... ayan tuloy nadagdagan ang problema ko, imbes na mapayapa sana ang araw ko ngayon, kaso mukhang magiging imbyerna pa ata.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...