Chapter 35

3.8K 68 5
                                    


After 3 weeks
    
 
Nami's PoV
   

"Nice kilig moments huh... Antagal din non, sana ako din." 
  
Bulong ko sa tenga ni Raineer. Luckily, nandito kami ni Jhaz sa mansion nila ngayon having a family dinner and luckily dadalawa lang kami dito sa kusina nila. Nasa pool side ang lahat nagtatawanan at masayang nagbibiruan.
  
"Pwede bang gawin mo din sa akin ang 'kilig moments' na ipinaramdam mo sa Ate Charlene ko?"
    
Seductive na tanong ko. Hindi siya kumikibo kaya ikinawit ko ang kamay ko sa leeg niya at ngayon ay nakatitig lang ako sa mga mata niya.
    
"Bakit mo ba ginagawa 'to Nanami?"
     
Buong buo at matigas na tanong  niya. Ngumiti ako saka siya sinagot ng nakatitig pa rin sa mga mata niya.
    
"Simply because I'm inlove with you... I'm Inlove With My sister's Husband."
     
Umiling siya saka unti-unting tinanggal ang kamay kong nakakawit sa leeg niya.
     
"Mali 'to Nanami. Maling-mali!" Sabi niya saka lumayo sa akin. Lumapit ako sa kanya pero dumidistansya siya.
     
"Itigil mo na 'to Nanami. Hindi tama 'tong ginagawa mo. Alam kong may respeto ka pa sa sarili mo at may respeto ka sa kapatid mo kaya kung pwede, itigil mo na 'to..."
    
Umiling ako sa sinabi niya saka siya mas nilapitan at hinawakan sa magkabilang pisngi niya...
   
"Rain... Please Rain... Walang mali sa taong nagmamahalan. Mahal mo ko di ba? Di ba?" Tinabig niya ang kamay ko saka ako dahan-dahang inilayo sa kanya na para bang diring-diri siya sa akin.
   
"You're drunk Nami!" 
     
"No... Hindi ako lasing Raineer. Alam ko ang mga sinasabi ko. Mahal kita at mahal mo ko, bakit hindi nalang tayo ang magsama?"
     
"Nami, HINDI kita mahal. Naiintindihan mo ba yun ha? Alam kong matalino ka at may pinag-aralang tao kaya sana wag kang maging bobo nang dahil diyan sa nararamdaman mo. May asawa ako at may asawa ka kaya sana imbis na landiin mo ko, bakit hindi ka pumunta sa asawa mo at siya ang landiin mo?"
    
Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Talaga bang hindi niya ko mahal? Masakit sa pandinig yung sinabi niya pero hindi ko siya titigilan hanggat sa mahalin niya ako...
    
Hindi pwedeng hindi masunod ang gusto ko ngayon. Kailangan makuha ko si Raineer. Kailangan maging akin lang siya. Kailangan iwan niya ang Ate ko at sa akin siya sumama. Kailangan makuha ko siya. Kailangan-----
     
"Raineer, tayo nalang ang magsama sige na... sige na..." 
    
Despiradang niyakap ko siya at saka pilit na hinahalikan sa labi pero pinagtatabuyan niya ako.
     
Hindi ako titigil hanggat hindi siya napapasaakin.
    
"Nam---mi ano ba??"
   
*mwuah
   
*mwuah
    
*mwuahhh
    
"Ako nalang Raineer... Ako nal------"
    
   
Natigilan ako ng biglag may humablot sa akin sa likod ko saka ako...

     
   *PAKK

Mabilis akong napahawak sa pisngi ko at nanlaki ang mga mata ko sa taong nanampal sa akin.

     
"R-Ran------"
     
"Masakit ba Nami, huh? Gusto mo pa ba ng isang sampal sa kabila para pantay at para magising ka sa kahibangan mo?"  

"Raniel tama na..."  saway ni Raineer sa kanya.

"No Kuya. SHE should stop doing this!"  galit na sabi niya.  "Hinayaan kitang makapasok sa pamamahay ng kuya ko kahit na ayaw ko dahil kapatid ka ng asawa niya pero sa ginagawa mo Nanami... You're making me more mad at you! Pinalampas na kita noong una but this time hindi kita hahayaan na pati ang relasyon ng KUYA ko at ATE mo ay sirain mo pa. Once is enough Nanami... Tandaan mo yan!!"

Imbis na masaktan ako sa sinabi niya ay natawa pa ako. Kita ko sa mukha niya ang lalong pagkainis sa reaksiyon ko sa kanya.

"Hahaha... Hanggang ngayon pala hindi ka pa nakakamove-on kay Jonathan... Opppss! Sorry for mentioning his name, ang sarap lang kasing ulit-ulitin."  I smirked at her at umayos ako ng tayo. Bago pa man niya ako masampal ulit ay nilagpasan ko na siya, goodthing hawak siya ng kuya niya.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon