Chapter 49

3K 62 1
                                    

After 6 months

Charlene's PoV

"Bakit ginabi ka na naman, babyboy?" Salubong ko kay Raineer pagkapasok niya ng kwarto habang hinahaplos ko ang maumbok kong tiyan.

Anim na buwan na ang nakalipas at sa anim na buwan na yun wala kaming ginawa kundi magsumbatan. Hindi ko alam kung bakit kami humantong sa ganito, palaging nag-aaway.

Simula nong lumipat si Ella sa poder ng soon-to-be-husband niyang si Cejay ay halos lagi na din kaming nag-aaway ni Raineer. Nakakalungkot at halos umiyak ako gabi-gabi dahil sa nangyayari sa amin.

*Flashback

4 months ago after Ella leave them.

"Babyboy, san ka galing?" Tanong ko sa kadadating na si Rain, mabilis niya akong hinalikan sa labi saka nagtungo sa walk in closet namin at nagbihis, sinundan ko naman siya.

"I went to a meeting." Sagot niya. Mukhang pagod siya kaya naman hinimas ko ng bahagya ang balikat niya para medyo marelax naman siya.

"Gusto mo ba sa kama para mas mahilot kita ng maayos?"

Hindi niya ako sinagot. "Payakap nga." At niyakap niya ako bigla. Ang sarap sa feeling ng pagkakayap niya dahil feeling ko secured na secured ako sa kanya.

"I love you babygirl."

"I love you more, babyboy."

Kumalas siya sa pagkakayap at saktong napalingon ako sa leeg niya at nagtaka ako ng may maliit na pula dito at parang kiss mark kaya hinawakan ko ito at tinanong siya.

"B-Babyboy, ano 'to?" Tanong ko at napakapa naman siya saka naglakad palabas ng walk-in closet kaya sinundan ko na naman siya.

"Kagat ng lamok lang yan, babygirl."

"Kagat ng lamok? Ang laki naman yatang lamok yan, babyboy?"

Umupo siya sa edge ng kama at napakaseryoso ng mukha niya saka siya huminga ng malalim. "Let's just sleep, babygirl." sabi nito saka ako hinawakan sa bewang at hinila paupo sa lap niya. "Can we?" I sighed in defeat saka tumango. Ano pa nga bang magagawa ko kundi ang sundin siya dahil mukhang pagod sa trabaho.

Hindi na kasi niya ako pinapapasok sa trabaho dahil mapapagod lang daw ako kaya ang labas ko ay housewife na muna. Hindi rin ako masyadong naglalalabas ng bahay para pumunta kina Nanami. Lumipat na kasi sila Nanami dito sa subdivision at sa kabilang street lang sila pero malayo pa dito sa amin, since nasa pinakadulo ang bahay namin.

#Kinabukasan

Maaga akong nagising para ayusin yung mga damit na ipapalaba ko kay Jhing, isa sa kasambahay namin. Medyo tambak na din kasi ang labahin tas maggegeneral cleaning pa kami dito, malapit na kasi ang birthday ko.

Kasalukuyan kong chinecheck ang mga bulsa ng pantalon ni Raineer kung may naiwan bang mga papel or pera, minsan kasi nakakaligtaan niya.

Nasa last pocket na ako ng may makapa akong malambot na bagay. Kinuha ko ito at napakunot noo ako ng makita na isang panyo ito at hindi lang basta panyo kundi panyo ng pambabae at may nakaburdang pangalan dito.

'Bia ♡ Rai'

Yan ang nakaburdang pangalan. Napaupo ako sa malapit na upuan sa akin habang tinititigan ang panyong hawak ko. Ngayon ay parang pinapatunayan niya sa akin na totoo yung mga natatanggap kong picture at messages, at hindi lang mismo yun kundi pati ang kissmark sa leeg niya at itong panyong hawak ko ngayon ay ebidensiya ko.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon