Charlene's PoV
Dalawang linggo na ang nakaraan simula nong nakasabay namin sa lunch si Bianca, ang EX ni Raineer. So far, so good, hindi na ulit siya nagpakita o nagparamdam pero ang sunod sunod na mga sulat at picture na pinapadala sa akin ay halos araw-araw kaya hanggang ngayon ay sobra na kong naistress.
Ayoko na ngang patulan dahil naaaksaya lang ang panahon ko kaso hindi ko maiwasang hindi mapa-isip at mag-isip tungkol dito dahil ito ay tungkol sa ASAWA ko.
Sabi sa sulat hiwalayan ko na daw si Raineer dahil niloloko lang daw niya ako at heto pa ang matindi ang sabi sa sulat...
"Wag kang maniwala sa taong pinakamalapit sa'yo dahil hindi mo alam tinatraydor ka na pala."
Yan ang nakasulat sa ipinadala sa akin na sulat noong isang linggo. Hanep di ba? Nag-aaksaya lang sila ng mga papel para lang padalhan ako ng mga walang kwentang sulat na hindi ko naman maintindihan at wala akong interest na patulan.
At sa ngayon ay dalawang linggo na rin akong natutulog ng maaga at hindi na nanggigising ng madaling araw. Nawiwirduhan nga ako sa sarili ko dahil may tatlong araw din akong ganon, palaging nagigising ng madaling araw pero sa ngayon wala naman na.
Mahimbing na rin ang tulog ko sa gabi. Panay na rin kasi ang pag-inom ko ng gatas para makatulog ako agad, minsan nga sinasabayan ko si Ella kapag umiinom siya ng gatas na pangbuntis at syempre sa akin ibang gatas, hindi naman ako preggy e. hahaha.
"Gising pa rin kayo? Ella, dapat natutulog ka na ngayon. Mapupuyat ka."
Mabilis akong hinalikan ni Raineer sa labi saka umupo sa tabi ko. Nandito kasi kami ni Ella sa kitchen umiinom ng milk. Hehe.
"tsk. 8:30 palang ng gabi DOCTOR Salvador, wag kang OA." sarcastic na sagot ni Ella saka ng crossarm.
Natawa naman ako sa ginawa niya at tinap ang balikat ni Raineer saka siya hinalikan sa pisngi.
"Oo nga naman babyboy. 8:30 palang at hindi yan pagpupuyat dahil umiinom na siya ng gatas niya para makatulog sila ng mahimbing ni baby. Di ba?"
"True. Ang OA kasi niyang asawa mo ee." sagot naman ni Ella.
"Okay, fine." Pagsusurrender niya.
Walang nagawa si Raineer kundi ang hintayin kaming matapos sa pag-inom ng gatas saka kami umakyat sa taas.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
Любовные романыNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...