Charlene's PoVYukong yuko ako habang nagtatago dito sa may desk ko. Paano ba naman halos ipagsigawan ni Raniella na asawa ako ng kuya niya.
Kung nabigla ang lahat, mas nabigla ako kay Raniella. Hindi ko ineexpect na sasabihin niya yun.
"Charlene..." Tawag sa akin ni Rain pero hindi ko siya pinansin.
"Hey Cha~" this time kinalabit niya ako. Ghash... wag niya kong kakausapin ngayon, nahihiya ako sa mga kawork ko dito, wala pa man din si Ella.
"Aren't you gonna talk to me or what? Wag ka na magtago diyan, they already knew it because of that little brat!"
Unti-unti kong inangat ang ulo ko saka tinignan si Rain na nakacross arms.
Sinilip ko ang mga kawork ko ng patago, busy naman sila sa mga ginagawa nila. Panigurado mamaya lang magtsitsismisan na yang mga yan pag-alis namin ni Rain dito.
"What now Charlene Visi?" Iritadong tanong ni Rain kaya pinaningkitan ko siya ng tingin.
Umiling ito sa akin saka ako hinawakan sa kamay at hinila papasok ng office niya.
"O-oi. wait lang..." pagsasaglit ko pero parang wala siyang narinig.
"Say sorry to her now!" medyo seryoso at kalmadong sabi ni Raineer sa kapatid niya.
Nakasimangot si Raniella habang hindi mapakaling pinipisil ang sarili niyang kamay.
"Raniel, isa!!" nagulat ko ng biglang magtaas ang boses ni Rain.
Hala. ganon na ba kabigdeal sa kanya yung ginawa ng kapatid niya?
"Ate Cha sorry if i announced to everyone that you're my brother's wife. Hindi ko naman po alam na secret lang yun kasal niyo e. Di naman po kasi ako ininform ni kuya."
"No, its okay Raniella. Nagkulang din naman yang kuya mo dahil hindi sinabi sayo. Don't be sad na. Ayos lang sa akin, wala naman akong magagawa kung nalaman na nila e." paliwanag ko sa kanya. actually hindi talaga okay e. huhubels!
"Yay! Ang bait mo talaga ate... Buti nalang ikaw ang napangasawa ng kuya kong utot. Hahaha." bigla niya akong niyakap at hinawakan sa kamay.
Napangiti ako sa kanya dahil sobra siyang masiyahin at mas lalo akong natawa ng bigla niya binelatan ang kuya niyang si Rain. Haha. ang hilig niyang mangbelat ha.
Si Rain naman ayon bumalik sa desk niya at napa-'tsk' nalang siya habang umiiling pa.
"Hey kuya, okay na kay Ate Cha, so you better shut-up na and stop tsk-ing there. Hmp."
Parang sinermonan pa niya si Rain sa harap ko. Hahaha. Natatawa talaga ako sa kanya, may kakampi na ako ngayon. Hihihi.
Pagkaupong-pagkaupo ko sa desk ko nagsilapitan agad ang mga kawork ko at pinagkumpulan ako...
"Ma'am Cha hindi mo naman sinabi na asawa mo pala si Sir Raineer." - Ma'am Chichi
"Oo nga Ma'am. Kaya pala lage kayong pinapatawag ni Sir sa office niya..." - Sir Alvin
"Kaya pala kung getching-getchingin mo siya keri lang sa kanya, yun pala... Kyaaaahh~ Ang swerte swerte mo girl~" - Sir Haven. Kung tutuusin parang mas babae pa sa akin yan.
Hindi ko sila sinasagot dahil baka kung anu pa ang masabi ko sa kanila. Gulong-gulo pati ako sa kanila dahil halos sabay sabay silang nagsasalita.
"Kaya din pala----"
"Go back to work... NOW!! Alam nang nasa trabaho nagtsitsismisan pa... " yan naman si Ma'am Angel. Siya ang head namin dito. Matandang dalaga yan kaya ganyan. hihihi.
"Ikaw Charlene Visi!!" bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng bigla akong tawagin ni Ma'am Angel... Lumingon lingon pa siya sa paligid sa lumapit sa akin.
"Hindi mo man lang sinabi na asawa mo pala si Sir. Kelan pa?" bulong ni Ma'am. tamo 'to, may pagalit galit pang nalalaman makikitsismis din pala.
"Ate Cha come on. Let's eat sa labas." bago pa ako mapa-oo ay nahila na ako ni Raniella. Ganito ba talaga 'tong magkapatid na 'to, kusa nalang nanghihila kung may gustong puntahan? *sigh
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomansNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...