Chapet 56 (part 1)

3.5K 60 0
                                    

Charlene's PoV
     
Saktong kagigising lang ni Baby Riven ng pumasok si Raniel dito sa loob ng kwarto. Hindi niya alam na gising na si baby kaya naman dahan dahan lang siya sa paglalakad.
   
Napangiti tuloy ako sa kanya saka tumango. "Kagigising lang naman niya e~" sabi ko ng makalapit siya.
   
Natawa siya ng mahina at umupo sa kama.  "Akala ko tulog pa. Hihi." Sabi nito.
    
"Diyan ka muna, magbibihis lang ako ha." Paalam ko.
  
Nakita ko siyang dumapa sa kama at hinalikan sa noo si baby.
   
Pumasok ako sa walk-in closet para magbihis tutal naman ay nakaligo na ako kanina habang natutulog si baby.
Bibisitahin kasi namin sila Mama at Papa sa Cavite kung saan kami nanirahan noon. Dadalawin na rin namin ang nag-alaga sa amin noon ni Nanami na si Nanay Menggay, kukumustahin lang since matagal na kaming hindi nakabalik ni Nanami don.
   
Simula nong may tumulong sa amin ni Nanami na makapag-aral at ipunta kami dito sa maynila ay hindi na ulit kami nakabalik don.
    
"Pucho pucho pucho..."  Lumabas ako ng walk-in closet at naabutan kong nilalaro ni Raniel si Baby Riven, si Raineer naman ay kakapasok lang ng kwarto at dumeretso sa kama para kunin si Riven. Si Raniel, ayun napakahaba na ng nguso dahil kay baby boy.
   
"Kuya naman!! Alam ng nilalaro ko pa si Yash e."  Reklamo niya. Yash is Riven's nickname dahil yun sana ang ipapangalan ni Raineer sa kanya kaso wala e, ang tagal kasi niya atsaka hindi ako sanay na tinatawag ang anak ko ng Yash. Hehe
   
**fastforward**
    
"Mom, alis na po kami. Yun gatas ni Riven nasa freezer na po, may label na din po yun kung anong oras ko nilagay don unahin niyo nalang po yung nauna kong nilagay kahapon para hindi po masayang. Thank you Ma. Atsaka yung diapers po pala niya nasa kwarto po niya sa may cabinet ipakuha niyo nalang po don kapag papalitan niyo na ng diaper, Mom ha? Thank you. Alis na po kami." Bilin ko kay Mommy habang papaalis kami, hindi na ako nakababa dahil umaandar na ang kotse.
   
Walang manners din 'tong si Raineer e. Kausap ko pa si Mommy pero pinapaandar na niya 'tong sasakyan. Sirain ko kaya 'tong kotse niya ng magtanda, ano sa tingin niyo po? Sirain ko na ba? Palibhasa kasi dami niyang collection na sasakyan e, 'di pa ibenta lahat.
    
"Ano ba yan, kausap ko pa si Mommy e." Reklamo ko na makalayo na kami sa bahay.
    
Narinig ko siya tumawa ng mahina kaya pinagkunutan ko siya. "Alam mo baby girl kahit hindi mo naman bilinan si Mommy alam naman niya ang gagawin niya e. Having one handsome and one gorgeous child, how can she not know taking care of a baby, lalong-lalo na kay baby Yash na apo niya. 'Di ba?" *wink
   
Inirapan ko nalang siya at saka humarap sa bintana at nagfocus sa dinaraanan namin, kahit na nasa gitna kami ng traffic.
    
Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang kamay ko saka ito hinalikan kaya naman lumingon na rin ako sa kanya.
   
Ngumiti siya at hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
    
"Gusto mo ba bumalik don?"
  
"Huh? Saan?"
   
"Sa bahay."
   
"Bakit naman? May nakalimutan ka ba, gusto mo tawagan nalang natin si Manong Eddie para ihatid sa bahay nila Nanami, dun na natin hintayin?"
   
Dadaan pa kasi kami sa bahay nila Nanami, sasama din sila ni Jhaz sa amin. Magkakanya-kanya na sana kami ng sasakyan papunta don pero hinindian ni Babyboy dahil sayang daw ang gasolina which is true naman.
    
Nagdrive na ulit siya saka sumagot. "Nah. Im just asking if you want to go back there para bilinan ulit si Mommy. Pfft."
 
"Eeii~~ Raineer naman eh~" napapout tuloy ako at siya naman ay tinawanan lang ako.
    
Tamo 'to, may gana pang mang-asar. Hindi ba niya alam na sa ginagawa niya lalo akong kinikilig. Haha. Highschool ang peg? Lol.
   
I must admit na kahit na may mga masasakit na nangyari mas pinili ko pa ring patawarin siya at manatili sa tabi niya kahit masakit, alam niyo kung bakit? Dahil mahal ko siya, mahal na mahal. Kaya kahit na anong gawin ng iba para paglayuin kami, hindi ako basta basta bibigay, hindi ako basta basta susuko, maliban nalang kung siya mismo ang sumuko sa relasyon namin. Kahit masakit, I'm willing to let go.
   
Yung tungkol sa babaeng nagpapadala ng mga messages sa akin? Ayun, biglang nag-AWOL nong nanganak ako at hindi ko na alam kung saan napunta, siguro ay nagsawa na siya sa panggugulo sa akin dahil alam niya siguro na hindi ako sumusuko kahit na anong gawin niya.
      
Maybe, this is the meaning of the  'Power of Love'.
   
Isa na siguro sa pinakamalakas na kapangyarihan ng tao ay ang 'Pagmamahal' na kahit na anong gawin ng iba hindi nila basta basta masisira ito, kaya nga siguro may mga pagsubok tayong nararanasan. Trials do come and go naman e. Ang mga pagsubok sa buhay walang pinipili yan, mayaman ka man o mahirap, matanda o bata, maganda o hindi kagandahan. Basta kapag dumating na ang araw na sinusubukan na Niya tayo ay dapat kayanin natin dahil kapag alam Niyang nakaya natin ay kusa nalang itong nawawala at humuhupa.
     
Basta nandiyan si G, nothing is impossible.
    
    
Third Person's PoV
    
"Mam saan ho kayo?"  Tanong ng taxi driver sa sumakay na babae.
  
"Follow that car." Utos niya sa driver.
   
She doesn't even know kung saan ang pupuntahan ng sinusundan niyang sasakyan basta ang alam niya ay kailangan niyang sundan ito at manmanan.
    
Ilang araw din ang hinintay niya at sa isip isip niya baka ito na yung araw na pinakahihintay niya.
    
Huminto ang sinasakyan niya at napansin niyang nasa tapat sila ng isang subdivision. Hindi niya inalis ang tingin niya sa sasakyang sinusundan niya na ng mapansin niya may dalawang tao na sumakay dito.
   
Si Nami!
   
Mas napangiti siya sa nakita. Kung sinuswerte ka nga naman. Sabi niya sa isip niya saka pinasundan ulit ang sasakyan.
   
Sa kabilang banda naman...
   
Hindi mapakali si Cindy, parito't pabalik ang lakad niya. Iniisip niya kasi kung sasabihin na ba niya ang totoo sa mga Salvador o mananahimik nalang siya. Pero nakokonsensiya na siya sa mga nangyayari, labag man sa kalooban niya pero natatakot siya sa kung anong pwedeng gawin ng bestfriend niya sa mga Salvador lalo na kina Raineer at Charlene, pati na rin sa kapatid nitong si Nanami.
   
Inaamin niya, nagkamali siya nong konsintihin niya ang kagustuhan ng bestfriend niya na guluhin ang buhay ni Raineer at Charlene. Nakokonsensiya siya dahil isa siya sa dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa. Mahal niya ang bestfriend niya at tinuturing rin niya itong kapatid kaya kahit na anong gusto nito ay sinusunod niya... dati yun, pero hindi na ngayon.
    
Masyado na kasi maraming nasagasaan si Bianca sa mga ginawa niya. Tama, si Bianca Lopez ang bestfriend niya.
  
Inutusan siya ni Bianca para magpanggap na si Unlucky You. Noong una, ineenjoy niya ang mga ginagawa niya pero nong isang buwan lang ay napagod na siya sa mga pinapagawa ni Bianca sa kanya. Naisip niya na hindi naman siya alipin para gawin ang mga gusto ni Bianca, kaya nga nagtalo sila kamakailan dahil hindi sumang-ayon si Cindy na ipanakaw ang anak ni Raineer at ipamigay ito sa iba. Sa isip-isip niya ay masyado ng tagilid ang isip ni Bianca para gumawa ng ikakasira ng pamilya ni Raineer.
   
Ayaw niya na balang araw mangyari din sa kanya ang mga ginagawa niya. KARMA. Yan ang kinatatakutan ni Cindy.
   
Ilang sandali pa ay huminto ito sa paglalakad ng may tumawag sa kanya.
   
Si James.
    
Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba niya o hindi ang tawag pero sa hindi maipaliwanag ay nakita nalang niya ang reflection niya sa salamin na nasa tapat na ng tainga niya ang cellphone na hawak niya.
   
["Cindy, please parang awa mo na sabihin mo na sa akin kung nasaan si Ate Bianca."]
    
"M-magkita tayo."
   
Si James ang isa sa dahilan kung bakit pumapayag si Cindy sa mga gusto ni Bianca, dahil mahal niya ang kapatid nito na si James.
  
Pinangakuan kasi siya ni Bianca na kapag sumunod siya sa gusto nito ay ipapakasal siya kay James, ngunit tila malabo na itong mangyari. Kahit na mahal ni Cindy si James ay hindi na ito umaasa pang mamahalin din siya nito.
     

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon