Charlene's PoV
Kakagising ko palang ay may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Gusto ko man bumangon pero tinatamad ako. Wala akong ganang gumalaw ngayon.
"Cha, kain ka na." rinig kong tawag sa akin pero mas pinili ko ang magkumot at ipikit ang mga mata ko kaso tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay siya ring pagfflash ng mukha ni Raineer sa isip ko.
Sa totoo lang ay ok na sa akin ang lahat pero sa tuwing maaalala ko yun ay bumabalik ang sakit na naramdaman ko nong malaman ko yun.
Masyado nga sigurong mabilis ang mga nangyari sa amin ni Raineer kaya nangyayari ito sa amin. Sinabi ko naman sa kanya ang lahat pero bakit siya hindi niya magawang sabihin sa akin ang mga nakaraan niya?
Yung tungkol kay Bianca, ok na ko don dahil hindi naman namin akalain na magkapatid pala kami. Ang tungkol kay Nanami? Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya dahil alam ko naman ang lahat simula't-sapul e, pero binalewala ko yun dahil alam kong babalik sa akin si Raineer.
Pero bakit nangyayari ito sa amin ngayon?
At first, we were very happy that we have a happy family. Me, Raineer and our 3 children but suddenly someone just pop up from nowhere and saying that she has the child of my husband.
I don't know what to react and what to say. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nong nalaman ko yun.
"Charlene~"
Hindi ako sumagot. Mas isinuksok ko pa ang sarili ko sa unan na yakap ko.
"Charlene, kumain ka muna sa baba. Mag-aalas dos na ng hapon hindi ka pa kumakain."
"Hindi pa ko gutom, Cejay. Bababa nalang ako mamaya kapag nagutom ako."
"Ano ba yan oh. Hindi pwede yan, kailangan mong kumain. Kukunin ko dito yung pagkain mo."
"Cejay..."
Bago ko pa man pigilan si Cejay ay naisara na niya ang pinto kaya napahinga ako ng malalim.
Kahit kailan talaga napakakulit niyang si Cejay, di ko nga alam kung bat nakatagal kasama ni Raineer yan e.
Speaking of Raineer, he's been calling me a hundred times for this day and I kept on rejecting it.
He wants to talk to me. But i am not ready enough to hear again his 'sorry'.
I was in the midst of rejecting Raineer's call when Cejay entered my room with a tray on his hands full of different kinds of food. Yeah. Iba-ibang klase ng pagkain na akala mo'y isang gutom na gutom ang papakainin niya.
"Here's your food, Madam." Bungad nito kaya inayos ko ang upo ko sa kama. Hindi ko pwedeng tanggihan tong isang to dahil alam kong hindi niya ko titigilan hanggat hindi ako nakakakain.
Baliw yan e.
"What's with the smile?" Kunot noo-ng tanong niya. "Wala." Sagot ko.
"Pfft. Baliw ka na." Napangiti ako.
"Hindi noh."
"Oo. Baliw ka na. Baliw ka na sa asawa mong mas baliw pa sa'yo! Bakit ba hindi ka nalang umuwi sa inyo at mag-usap kayo?" Napalabi ako sa tanong niya saka siya sinagot.
"Uuwi ako tapos ano? Maririnig ko na naman ang walang kamatayan niyang sorry! Cejay, rinding rindi na ko kakasorry niya, alam mo ba yun? Nakakaloka tapos ako namang si gaga pumapayag makipagbati sa kanya tapos ano, maaalala ko na naman yung ginawa niya. Ayoko na, Cejay. Sawa na asdfghjkkhgg-----"
Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang isubo ni Cejay sa bibig ko ang isang kutsarang kanin na may ulam.
"Imbis na dumaldal ka diyan, ikain mo nalang yan. Matutuwa pa ko."
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...