Third Person's PoV
Isang linggo na ang nakalipas simula nong nanganak si Charlene sa panganay nila ni Raineer, naging maayos na ang lahat maliban lang sa kanilang mag-asawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakausap ni Charlene si Raineer. Para nga lang hangin si Raineer sa paningin ni Charlene.
Ngayon ay nasa labas ng hospital room ni Charlene si Raineer, nag-iisip, balisa, maraming gumugulo sa isip at nag-iisa, habang nasa loob naman ang mga magulang nito binabantayan si Charlene.
Napaayos ng upo si Raineer ng biglang lumabas ang Daddy niya sa kwarto at tumabi sa kanya, tinapik pa nito ang balikat niya saka nagsalita.
"Let me handle your problem with Bianca, anak."
Hindi nakapagsalita si Raineer dahil alam niyang mas makakatulong ngayon sa problema niya ang Daddy niya. Si Rene nalang ang tanging paraan para magtigil si Bianca sa panggugulo sa kanila ni Charlene. Pinagbawalan na din ni Rene sina Raniella at Cejay na makialam dahil ayaw niya itong madamay pero hindi nito napigilan si Nanami dahil gusto mismo ni Nanami na siya ang humarap kay Bianca. Wala namang nagawa dito si Rene dahil alam niyang hindi niya mappigilan si Nanami. Kapatid din kasi nito ang naapektuhan dito.
"Dapat hindi mo na hinayaang humantong sa ganito ang lahat Rener, muntik ng nawala ang isa sa kanila dahil sa kapabayaan mo. Hinayaan mong takutin ka ni Bianca at pagbantaan niya ang buhay ng mag-ina mo, tignan mo tuloy ang nangyari ngayon mas lalong nanganib pa ang buhay nila."
Nakayuko lang si Raineer habang sinasabihan siya ng Daddy. Alam naman niyang kasalanan niya at nagsisisi siya dahil sa katangahang ginawa niya at sa maling desisyon niya.
"Sinabi sa akin ni Dra. Chinie ang totoo..." This time napalingon na si Raineer sa Daddy niya. "...Nasa hindi magandang kondisyon ang anak mo, alam kong sinabi na niya sa'yo pero sana hindi na siya nagsinungaling pa sa asawa mo."
"D-Dad iniisip lang naman niya ang kondisyon ni Charlene. She's in too much stressed kaya hindi na niya sinabi yun."
"Yeah. I know. But to tell you the truth pasalamat siya at maayos na ang anak mo dahil kung hindi baka matanggalan siya ng licence sa pagsisinungaling niya."
"D-Dad..."
Tumayo na si Rene. "I'm going. Sabihin mo nalang sa Mama mo na umalis na ako, aayusin ko pa ang ginawang gulo ni Bianca."
Maging si Rene ay naapektuhan sa ginawang gulo ni Bianca, sa lahat ng ayaw niya ay naagrabyado ang mga mahal niya sa buhay lalo na sina Charlene at ang apo niya.
Nagtungo si Rene sa parking lot ng hospital at pinagbuksan siya ng pinto ng driver niya.
"Saan po tayo, Sir?"
"Sa bahay nila."
Agad namang nagmaneho ang driver at ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay ng taong gusto niyang makausap. Pagkalabas niya ay saktong dating din ni Nanami, hindi nito kasama si Jhaz dahil may trabaho ito at ayaw niyang ipaalam kay Jhaz ang gagawin niya.
"Goodafternoon po, Tito." bati ni Nanami saka ito nagmano.
Nagdoorbell sila at agad namang pinagbuksan at pinapasok sa bahay nila.
"G-Goodafternoon, Rene." bati ng babae na kasing edad lang ni Rene. Pinaupo sila sa living room. "B-Bakit ka napadalaw?" tanong nito.
Alam niyang hindi basta-basta nagpupunta sa kahit na kaninong bahay si Rene kaya lubos-lubos nalang ang kaba nito.

BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...