Charlene's PoV
"Hi Mam Cha, Good afternoon. They're at the Restaurant Mam. Do you want me to assist you Mam?"
Nakangiting sumalubong sa akin ang Team leader ng front desk na si Mam Keem. Nginitian ko siya saka sinagot.
"Wag na Mam Keem, kaya ko naman e. Hehe."
"Mam naman... Wag niyo na po ako tawaging 'Mam'. Baka mamaya marinig kayo ni Boss pagalitan pa ako..." Sabi niya. Ang tinutukoy niyang Boss ay ang Daddy ni Raineer.
Hinawakan ko siya sa balikat at tinap ito. "Yaan mo kapag nandiyan si Boss tatawagin kita sa pangalan mo, pero kapag wala tatawagin kitang Mam ha. Hihihi"
Sumimangot siya saka ngumiti. "Si Mam Cha talaga.." Sabi nito. Sinamahan niya akong pumunta ng Restaurant since inutos daw ni Boss na kapag dumating ako, iassist akong pumunta doon. Kaya heto sinamahan ako ni Mam Keem.
"Nandito na ba si Raineer?" Tanong ko.
"Wala po Mam."
Ugghh! San kaya nagpunta yun?? Konting-konti nalang talaga. Tatawagan ko nalang siya.
"H-Hi Mam Cha!" Biglang bati sa akin ni Mam Lovely at mukhang nagulat siya sa presensiya ko. Babatiin ko rin sana siya ng bigla akong kausapin ni Mam Keem at hilahin pabalik sa lobby.
"A-ah Mam Cha, kelan po pala birthday niyo?"
"Huh?" Napatulala pa ako sa tanong niya sa akin. "Sa July 11 pa. Bakit?" Naguguluhang sabi ko. Lingon siya ng lingon sa likod ko kaya pati ako gustong lumingon kaso hinihila niya ako agad kaya di ko na magawang lumingon sa likod.
"Teka Keem di ba dun yung papunta sa may Resto, bat dito tayo dumadaan?" Tanong ko.
"M-meron dito Mam. Hindi mo lang alam. He-he-he." Napakunot ang noo ko sa kanya atsaka ako huminto sa paglalakad at nagcross arms pa.
"May hindi ba ako alam dito Keemee?" Seryosong tanong ko. Pero ngumiti siya at umiling sa akin.
"Wala no Mam Cha. Tara na po sa Resto kanina pa kayo hinihintay nila Madam." Pag.aaya niya sa akin. Hindi na ako umimik at sinundan nalang siya. Napapaisip na talaga ako dito. Parang may nililihim sila sa akin at kapag nakikita nila ako parang natataranta silang lahat.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
Любовные романыNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...