Third Person's PoV
Halos hindi magkanda-ugaga ang mag-asawang Rene at Aida, si Manang at si Jhing sa labas ng Delivery room, lahat sila ay nabibigla sa pangyayari dahil hindi pa naman kabuwanan ni Charlene ng panganganak niya at isa pa dito ay hindi nila macontact si Raineer at hindi nila alam kung saan siya matatagpuan.
"Mom, Dad, kumusta si Ate Charlene? Where is Kuya?" Tanong ni Raniella kasunod ang isang lalaki. "Ano ba kasing nangyari, hindi pa naman kabuwanan ni Ate Charlene ah." Hindi mapakaling sabi nito habang parito't paroon ang lakad. Tumayo ang Mommy niya at hinawakan siya upang huminto sa paglalakad.
"Raniel, seat down first. Lalo kaming mahihilo sa ginagawa mo e." Sabi nito saka siya umupo. Pagkaupong-pagkaupo niya ay sumunod na dumating ang mag-asawang Nanami at Jhaz, bakas sa kanila ang pag-aalala.
Nilapitan agad nila ang mag-asawang sina Mr. And Mrs Salvador at nagmano. "Goodevening po Tito, Tita. Ano na pong lagay ni Ate, kasama ba niya sa loob si Kuya Raineer? Ano po bang nangyari, bakit biglaan naman yata?" Tanong ni Nanami saka umupo sa tabi ni Raniella.
Lahat sila ay tinatanong kung nasaan na nga ba si Raineer pero ni isa ay walang makasagot kung nasaan siya.
"Kainis naman si Kuya oh. Kung kelang kailangan siya dito saka pa hindi mahagilap." Inis na sambit ni Raniella at hindi mapakaling kinocontact ang cellphone ni Raineer, na out-of-reach naman.
Sina Mr. And Mrs Salvador ay tahimik lang at sinusubukang pakalmahin ang sarili dahil sa sakit sa puso ni Mrs. Salvador.
"Huh? Ibig sabihin simula pa kanina ay hindi pa siya nakauwi?" Takhang tanong ni Nanami kaya naman napalingon silang lahat sa kanya. "Nagpunta kasi siya sa bahay kanina mga 7 PM at nakipag-usap tapos sabi niya uuwi na siya para makapag-usap silang mag-asawa at para magkaayos na sila."
Ala una na kasi ng madaling araw ay wala pa si Raineer, kaya takhang takha si Nanami.
Magsasalita pa sana si Raniella ng biglang dumating si Cejay na lukot ang mukha. "Did you track him?" Tanong ni Mr. Salvador at tumayo sa pagkakaupo. Hindi sumagot si Cejay pero itinaas niya ang hawak niyang cellphone at halos lahat sila ay nagulat at hindi mapigilang maluha.
"Oh my... What happen to our son, Rene?" Mangiyak-iyak na tanong ni Mrs. Salvador sa asawa at niyakap ito. Si Raniella naman ay kinuha ang cellphone at binuksan ito. Basag ang screen pero pwede pang magamit. Nang mabuksan niya ito at tinignan ang mga mensahe ng kuya niya ay agad siyang napatingin sa katabing si Nanami pati na rin kay Cejay. Nakuha naman nito gusto niyang ipahiwatig at naiintidihan naman nila. Ilang sandali pa ay may lumabas na doctor mula sa Delivery room, si Dra. Chinie.
Tinanggal nito ang mask niya saka hinarap ang pamilya. "Pwede po bang malaman kung nasaan si Dr. Raineer ngayon?" Tanong niya pero walang sumagot maliban kay Raniella.
"Wala po siya. Dra. Chinie, ano bang lagay ni Ate pati na rin ng pamangkin ko? Are they safe?"
"Yes, they are safe now, medyo may konteng problema lang kanina but they're both ok." Panimula ni Dra. Chinie na siyang kinagaan ng kalooban nila. "But... as we all know the baby isn't in his full term which is he's only 8 months, a premature one, that's why ilalagay muna namin siya sa NICU for a month or less and according to my observation naman he's as strong as his Mom. And for Charlene, she can transfer to her room after an hour dahil nililinis pa siya. Don't worry too much I'll take care of them."
Para silang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ni Dra. Ok na ang lahat sa mag-ina at ang kulang nalang ay si Raineer. Pagkatapos inanunsiyo ng doktor ang lagay ni Charlene ay inasikaso na ni Mr. Salvador ang room para kay Charlene. Sina Nanami, Jhaz, Cejay, Raniella at ang lalaking kasama nito ay umalis na muna para hanapin si Raineer at isa lang ang tumatakbo sa isip nila. Kailangan nilang mahanap si Raineer ano man ang mangyari.
******
Hinaplos ni Aida ang buhok ni Charlene habang natutulog ito. Hindi naman mapigilan ni Aida ang pagtulo ng luha niya habang tinititigan si Charlene na mahimbing na natutulog. Naaawa siya dito dahil hindi man lang siya nasamahan ni Raineer sa panganganak niya.
"Anak? " sambit nito habang unti-unting minumulat ni Charlene ang mga mata niya. "Manang pakitawag si Dra. Chinie pakisabi gising na si Chacha." Utos niya kay Manang na agad naman sumunod.
Hinawakan ni Aida ang kamay ni Charlene habang hinahaplos ang buhok nito. "Anak, may kailangan ka ba? Kumusta na ang pakiramdam mo? Mabuti naman at nagising ka na, alalang-alala kami sa'yo." Sunod sunod na wika ng matanda. Si Charlene naman ay parang walang narinig at ang unang hinahanap ng mata niya ay ang asawa niyang si Raineer. "M-Ma, wala pa po ba siya?" Maluha-luhang tanong ni Charlene. Hindi nakaimik si Aida kaya lumapit na si Rene para sagutin si Charlene.
"Dadating siya Anak, huwag kang mag-alala."
Sa sinabing yun ng Daddy niyang si Rene ay alam na ni Charlene na parang walang kasiguraduhan na babalik pa si Raineer sa kanila. Ano pa nga bang magagawa niya kung sumama na ito sa babae niya at mas pinili niya iyon kesa sa kanila ng anak niya?
"Anak, tahan na. Dadating siya huwag kang mag-alala." Hindi namamalayan ni Charlene na umiiyak na pala siya kaya pinahid ni Aida ang pisngi niya.
"Lalabas lang ako." Pagpapaalam ni Rene sa kanila. Lumabas na ng kwarto sina Jhing at Manang upang sundan si Rene.
Pagkalabas nila ay patuloy lang sa pag-iyak si Charlene. Halos makalimutan niyang nanganak na pala siya kakaisip sa asawa.
"Anak, gusto mo bang makita ang anak mo?" Malumanay na tanong ni Aida kaya napalingon s kanya si Charlene saka pinahid ang luha nito. "P-Pwede po ba Mama?"
Pinayagan siya ni Dra. Chinie na makita ang anak niya at pinapasok siya sa NICU. Hindi naman niya napigilan ang pag-iyak dahil sa nakita. Naaawa siya sa anak niya dahil sa dami ng nakakabit na aparato dito. Inilusok ni Charlene ang kamay niya sa butas upang mahawakan ang kamay ng anak niya at nanlambot siya nong hawakan din ng anak niya ang daliri niya.
"Anak, be strong ha. I know that you're stronger than me kaya dapat sabay tayong lalabas ng hospital. Sigurado ako na mas magiging masaya ang papa mo kapag nakita niya tayong uuwi ng sabay at syempre kailangan malusog ka at malakas. K-kaya sana dumating na ang Papa mo. M-Miss ko na din kasi siya kahit na nag-away na naman kami kahapon. Sorry baby ha, narinig mo pa tuloy mga pag-aaway namin. Pasaway kasi si Papa e. Don't worry alam kong love ka naman niya."
Habang nakikipag-usap si Charlene sa anak niya ay hindi niya alam na may nakikinig pala sa likod niya. Lumapit ito sa hinawakan ang wheelchair niya saka siya nagsalita.
"Anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong nito habang nakatingin sa anak niya. Mabilis namang pinunas ni Charlene ang luha saka tumingin sa likod niya para tignan kung sino ang nagsalita.
Ngumiti ng mapait si Charlene saka siya sumagot habang nakatitig sa anak niya. "Riven Charles Salvador."
"Nice name." Nakangiting bulalas nito.
"Thank you." Sabi ni Charlene saka tinap ang kamay ni Chinie. "Thank you for saving our life specially to my son, Dra. Chinie. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari kung isa sa amin ang nawala. Alam kong nahirapan ka pero nagawa mo kaming isalba ng baby ko. Utang namin sa'yo ng anak ko ang buhay namin. Salamat talaga, Chinie."
"It is my duty to save both mother and her child. I don't want to lose any of you because I feel like a part of me has taken away. Weakness ko ang mawalan ng kahit na isa sa patients ko, mapaMommy man or kay Baby. I did my very best to save you and your son for Raineer. Raineer is my colleague and also a good friend."
Umupo si Dra. Chinie sa kalapit na upuan at hinarap si Charlene. "Charlene, hindi naman sa pangingialam 'no. Narinig ko kasi yung sinabi mo kanina sa baby mo. Palagi ba kayong nag-aaway ni Rain?"
Hindi agad nakasagot si Charlene at mas piniling titigan nalang ang anak niya. "hmm. Sorry about it. Just forget what I asked. I know its too private para tanungin ko pa." Sabi nito saka ipinatong ang isang kamay sa lap niya saka hinawakan ang braso ni Charlene at pinisil ng kaunti ito. Si Charlene naman ay napalingon sa kanya.
Dra. Chinie smiled at her. "Just incase, don't forget that you have your family and friends with you, wag mong solohin ang problema Charlene. Look what happened, you're too much stressed kaya napaaga ang panganganak mo, buti nalang malakas si Riven."
![](https://img.wattpad.com/cover/16117840-288-k933094.jpg)
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomansaNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...