Raineer's "Rain" PoV
"D-mned!"
I said irritably! Its already 4:36 in the morning and still I can't sleep. Bw*sit akong tumayo sa pagkakahiga at saka lumabas ng kwarto. Lumingon ako sa kabilang kwarto...
'tulog pa siguro' sabi ko sa isip ko. Dumeretso ako ng kusina para magluto na ng agahan. I cooked sunny side-up egg and ham and a soup for the breakfast.Napatingin ako sa orasan... "Ugh! Too early. Baka tulog pa siya" nagtimpla nalang ako ng kape at saka umupo sa high stool at nagbasa ng newspaper.
Hindi ako makapagconcentrate sa pagbabasa dahil naaalala ko na naman ang nangyari kahapon pagdating ng kapatid ni Charlene. Parang may mali sa pagtitinginan ni Charlene at ang fiancé ng kapatid niya.
Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng inis ng makita ko yung titigan nilang dalawa kaya tumayo ako at nagpakilala sa kapatid niya at dun sa lalaking yon. Hindi ako komportable nong nakita ko yung lalaki pagkapasok palang ng reception. Im not jealous, its just that I really don't feel him being around.
Napalingon ako sa likod ko ng maramdaman kong may lumalakad... "Aga mo ata nagising Mr. Stranger?" sabi niya at humihikab pa... Tss. 'Why is this woman like this?' asking myself before sipping my coffee.
"Want to eat breakfast?" tanong ko sa kanya at tinupi ang newspaper at nilapag sa lamesa. Umupo naman siya sa kabilang side, sa may tapat ko.
"Anong niluto mo?" tanong niya. Ewan ko ba, pero natutuwa ako sa kanya kapag sinusungitan niya ako and the way she talk to me, makes me smile.
"You want soup? Nagluto din ako ng ham and egg... Coffee, Milk or Hot chocolate?" napataas ang isa niyang kilay sa sunod-sunod na sinabi ko saka siya napacross arms. "I don't want egg because im allergic to it. I don't drink coffee, milk and chocolate because I don't like it and lastly, I don't eat ham because its too salty... So, sa labas nalang ako kakain..."
"huh? Sigurado ka?"
Tumalikod na siya sa akin saka sumagot... "Siguradong-sigurado..." at tuluyan na siyang umalis. Sigurado ba siyang sa labas siya kakain? Ang layo pa ng labasan mula dito sa bahay. Nasa kadulu-duluhan na ata kami ng subdivision na 'to.
Pagkatapos kong kumain umakyat na ko at hinintay siyang makalabas ng kwarto niya. "uhh? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya pagkasara niya ng pinto.
Lumapit naman ako sa kanya at napaatras siya ng bahagya sa ginawa ko... "ahm. Gusto mo bang sabay nalang tayo kumain sa labas? Medyo malayo pa kasi yung labasan mula dito baka mapagod ka lang kapag nilakad mo." Paliwanag ko.
Nilagpasan niya lang ako... "Kaya kong lakarin kahit ilang metro pa yan. Sige alis na ko." Pagpapaalam niya at tuluyan ng umalis.
Ugh! Ano bang tumatakbo sa isip niya? Nababaliw na ba siya para lakarin ang almost 5 kilometers mula dito sa bahay?? Napahilot nalang ako sa ulo ko at mabilis na niligo saka mabilis na pinaandar ang kotse ko para sundan si Charlene.
Charlene's PoV
"Bw*sit na buhay 'to" padabog kong sinipa ang batong nasa daanan ko saka nagpapapadyak... Naiinis na ko ha! Nasaan na ba ang labasan dito sa subdibisyong ito? Kanina pa ko naglalakad pero wala man lang ako makitang gate na may nagbabantay na guard!
Wala akong pakialam sa mga nadadaanan kong bahay kahit na magaganda sila at malalaki basta ang nasa isip ko ay ang makalabas sa subdivision na 'to... "Ugh!!! Nasan na ba kasi yon??" ginulo ko ang buhok dahil sa frustration.
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Sister's Husband
RomanceNasubukan mo na bang NAINLOVE? For sure marami sa inyo ay nainlove na pero paano kung sa maling tao ka naINLOVE? Anong gagawin mo? Susuko ka ba o ipagpapatuloy mo ang kaligayahan mo kahit na may nasasaktan kang iba? Ipagpipilitan mo ba ang gusto mo...