Chapter 39

3.4K 62 2
                                    

Opppsss... Rated SPG ang chapter na to. kaya mga bata wag niyo ng basahin. hahaha. Lagpasan niyo nalang.


Seriously speaking, pasensiya na kung may pagka-- alam niyo na itong chapter na 'to. I want to change the whole chapter but I can't, ilang ulit ko na din itong inedit at nawala dahil sa loss of connection ng net namin tuwing isesave ko na siya. Kaya paalala ko sa mga batang reader's, I am not encouraging you to read all of it. Pagpasensyahan niyo na rin dahil dun din papunta ang kwento ng mag-asawang Salvador. I can't write it without that sensitive part.


Sana hindi ako magkawriter's block.


***********


Charlene's PoV

Naghuhugas ako ng pinggan na pinagkainan ko ng mangga na binili ko kanina. Natakam kasi ako nong makita ko kaya bumili ako ng isang kilo at nagluto din ako ng alamang na sawsawan ko. Hmm. sarapppp. Hihi.

Pagkatapos ko maghugas ay nagpunta ako sa sala para manood ng movie. Pinatawag ko din si Ella para may kasama akong manonood dito. Wala pa kasi si Rain. Simula nong umalis siya kanina sa Office ay hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik. Nagtataka na nga ako kung ano pinagkakabisihan nong taong yun e.

"Anong papanoorin?" tanong ni Ella sa gitna ng pag-iisip ko.

"Eto oh.." Sabay taas ko nong CD na binili ko. Bored siyang umupo sa tabi ko at mukhang inaantok. Ganon ba talaga kapag buntis, laging inaantok at gutom?

*sigh

"Bakit yan?" tanong niya.

"Gusto ko eh..." sagot ko naman saka sinalpak sa player yung CD. Excited akong umupo saka ipinatong ang hotdog pillow ko sa lap ko at niyakap ito. Itong papanoorin namin is matagal nang naipalabas sa sinehan at TV pero ngayon ko lang mapapanood ng buo at hindi translated sa tagalog ang salita.

"Iplay mo na. Twilight lang naman ang papanoorin nagyaya ka pa. Ilang ulit ko ng napanood yan." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Ella.

"Eh di wow! Ikaw na friend... Hindi ko pa kasi napanood 'to e. Sige akyat ka na sa taas matulog ka na, ako nalang manonood mag-isa. Kawawa naman ako dito, mag-isang manonood." wala pa isang minuto ay sinagot niya ako.

"Okay okay. Sasamahan na kita, nabobored din naman ako sa taas e. At saka nakakahiya naman sa'yo, nag-effort ka pang bumili niyan." Napayakap ako sa sinabi niya.

"Yehey! Thank you Ella Ella..." masayang sabi ko.

.

.

.

.

.

.

.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng biglang dumating si Rain at kasama niya si Israel. Kaya naman para akong bata na sumalubong sa kanilang dalawa.

"Kyaaaaahhh! Israelllll...." excited na sabi ko sabay buhat sa kanya at hinalik halikan siya sa pisngi niya. Ang cute na bata e, kahit medyo mabigat siya. Hehe.

"Waaahh. Ate Cha naman, baka maubos ako niya e." Reklamo niya sabay hagikhik niya.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon