Chapter 5

6K 102 0
                                    

1 week na ang nakalipas nong makapag-usap kami ni Ella tungkol don at ngayon na ang araw ng kasal kasalan namin ni Mr. Stranger ...

. Kasal.

Hinawakan ako ng mommy ni Mr. Stranger sa kamay saka hinaplos ang mukha ko... "Mas gumanda ka sa suot mo ngayon hija... Alagaan niyo ang isa't-isa ng anak ko ha..."

"Opo M-mommy..." naiilang sa sagot ko. Ngumiti sa akin ang mommy ni Mr. Stranger at saka pumasok na ng simbahan. Nagsimula na ang ceremony at ilang sandali pa ay bumukas na ang malaking pinto ng simbahan at bumungad sa akin ang nakakasilaw na mga nagfflash mula sa mga camera.

Ngumiti ako at habang naglalakad ako sa aisle ay parang unti-unti akong lumulubog sa ilalim ng lupa. Natatakot ako, natatakot ako dahil alam kong sagrado ang kasal na 'to at ang pagsisinungaling sa harap ng maraming tao at sa harap ng Diyos ay hindi makatarungan. Pero habang tinitignan ko ang mga magulang ni Raineer ay parang hinihila nila ako palapit sa may altar. Gustong-gusto kong umatras kaya lang nahihiya ako sa mga magulang niya, Napakabait nilang tao pero ano 'tong ginagawa ko? Ang sama-sama ko!!

At ngayon ay nandito na pala ako sa altar at nasa tabi ko na si Rain. Nagpatuloy lang ang seremonya ng kasal at nang natapos na pumunta na kami sa reception.

Ghad! Nakakapagod ang ganito, palit ng palit ng damit, nakailang palit na ako.

Hinawakan ako sa mukha at hinaplos niya ako kasabay ng pagngiti niya sa akin... "Ang ganda ganda mo talaga Chacha..." sabi ng bestfriend ko saka pinisil ang pisngi ko.

Tinabig ko ang kamay niya saka hinawakan ang pisngi ko na pinisil niya... "Tigilan mo nga ko Ella!!" iritadong sabi ko at inayos ang buhok ko.

Sinundot niya ko sa tagiliran ko na siyang kinaiinisan ko sa lahat ng ginagawa niya sa akin... "Asus! 'tong bestfriend ko talaga. Ang ganda mo kayang bride kanina bagay na bagay kayo ni Rain. Ang gwapo nga ng asawa mo e!

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya. Jusme! Patayin niyo na ko madlang readers, ayoko ng makasama 'tong bestfriend ko... TT__TT

"Hindi ko siya asawa Ella. Asawa ko lang siya sa papel."

"Psst. Tumahimik ka nga diyan baka may makarinig sa'yo! Atsaka ganon na din yon kasal man kayo sa papel lang, pero sa harap ng maraming tao totoong mag-asawa kayo." saway niya sa akin, kaming dalawa lang kasi ang nandito ngayon sa loob ng hotel room.

*buzz

Biglang tumunog ang buzzer kaya napatining kami ni Ella sa may pinto. Agad niyang binuksan at pumasok ang isang babae.

"Ma'am hinahanap na po kayo sa reception area."

"Sige. Susunod na kami!" sagot ko sa kanya at tumayo na ko saka lumabas. Sana naman matapos na 'tong araw na 'to. Pagod na talaga ako! T_T

Pagpasok namin sinalubong ako ni Mr. Stranger at... "Let's give a round of applause for the newly wed, Mr. and Mrs. Raineer Salvador!" sabi nong emcee.

Hinawakan ni Rain ang kamay ko at bumulong sa akin. Magpupumiglas sana ako ng maalala kong marami nga palang tao. "Ngumiti ka lang. Don't worry malapit ng matapos 'to. Pagkatapos nito ihahatid na kita sa bahay."

Napatingin ako sa kanya. "Sa bahay?" hinila niya ng konti ang kamay ko at nginuso niya sa harap. Napangiti ako ng wala sa oras. Naku sayang naman kung sisimangot ako no, baka pagtawanan lang ni Ella ang hitsura ko kapag nakita niya ang mga pictures ko.

Nasa kalagitnaan kami ng kainan ng may makita akong tao na hindi ko inaasahan na darating, napatayo ako saka wala sa sariling tinawag ang pangalan niya...

"Nanami?" kasabay ng pagtawag ko sa pangalan niya ang paglapit niya ---nila--- sa amin saka niyakap niya ko.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at masayang nakangiti... "Ate, congrats sa'yo... Ikaw ha inunahan mo pa ko magpakasal, hindi mo man lang nababanggit ni minsan na may boyfriend ka na pala..." sabay niyakap niya ako ulit.

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatitig din siya sa akin. Halo halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan ako, nasasaktan ako, parang nadudurog ang puso ko at parang gusto kong tumakbo at umakyat sa pinakataas na bundok para sumigaw kung gaano ako Katanga nga sa mga ginagawa ko.

*Ehem

Tumayo si Rain at bumitiw naman sa pagkakayakap sa akin si Nanami... "How are you? You must be Charlene's sister and you are?" nakipagkamay siya kay Nanami at sumunod naman kay Jhaz...

Inabot naman ni Jhaz ang kamay ni Rain na naghihintay saka sinagot ang tanong niya... "I'm Jhazie Jhaz, Nanami's fiancé!" imbis na kay Rain siya nakatingin ay sa akin siya mismo nakatingin habang sinasabi niya ang salitang 'fiancé'.

Nabigla ako sa pagdating nilang dalawa dahil hindi naman nasabi sa akin ni Nanami na uuwi sila. Hindi ko rin inaasahan na pupunta sila sa reception. Nagtataka ako kung bakit nalaman ni Nanami kung nasaan ako, yun naman pala kagagawan na naman ng bestfriend ko.

Hindi niya sinabi sa akin na dadating sila. Nilihim niya sa akin at siya din ang nagsabi kay Nanami na ikakasal ako kaya umuwi sila. Kung maiitanong niyo kung anong buwan ngayon, ngayon po ay December 28, 2014 at next month na ang kasal ng kapatid kong si Nanami kay Jhaz.

Hindi naman sigurong masama na magkasunod kaming kinasal ng kapatid ko dahil January na next month at hindi naman magiging sukob ang kasal namin at isa pa, peke lang naman ang kasal namin ni Rain.

"Ok ka na ba dito?" tanong sa akin ni Rain bago niya ibaba ang mga gamit ko. Nilibot ko ang mata ko sa loob ng kwarto... "Ang laki naman ata nito?" tanong ko sa kanya.

11 P.M. na ng matapos ang kasal kasalan namin at ngayon mag-aala una na ng makadating kami sa bahay na niregalo ng mga magulang niya, wala naman akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Sila Nanami naman ay nasa condo ngayon kasama ni Ella. Panigurado ako, OP yung si Ella ngayon doon.

"Ayaw mo ba dito? Kung gusto mo mamili ka pa ng kwarto, may tatlong kwarto pa dito sa taas."

"Hindi na. Bukas nalang siguro, dito nalang muna ako atsaka pagod na rin ako eh."

"Ok." Sagot niya at bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ko may sinabi pa siya... "Kung may kailangan ka sabihin mo lang sa akin, wag kang mahiya. Magbuzzer ka lang nandiyan lang ako sa kabila, anytime you need me."

"Ok. Goodnight!" sagot ko nalang saka ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at unti-unting pumikit ang mga mata ko...

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon